X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?

8 min read

Paano ang tamang pag-inom ng pills ayon sa isang doktor upang ito ay mas maging mabisa sa pagpigil ng pagbubuntis at ang mga uri na maaring pagpilian mo.

 

Isa sa mahahalagang katanungan ng ating kakabaihan ay paano ba ang tamang pag-inom ng pills? Narito ang dapat malaman ng bawat babaeng nagnanais subukan ang uri ng birth control method na ito. Dahil kung mali ang pag-inom o pag-gamit ng pills, mataas ang tiyansa ng pagbubuntis.

 

Pero, ano pa ang dapat malaman maliban sa paano ang tamang pag-inom ng pills?  Nandito rin kung paano at ano ang mga uri ng pills na dapat inumin ng bawat babae ayon sa isang doktor.

Talaan ng Nilalaman

  • Tamang paraan sa pag-inom ng pills
  • Tatlong uri ng contraceptive pills
  • Tamang pag-inom ng pills: Tips para maging epektibo ito
  • Paano pag nakalimutan uminom ng pills sa isang araw
  • Paano pag nakalimutan uminom ng pills?
  • Paano uminom ng contraceoptive pills?

Tamang paraan sa pag-inom ng pills

Sa online kwentuhan ng theAsianparent Philippines na pinamagatang Family Planning: Doing it Right for the Future That’s Bright ay nagbahagi ng kaniyang knowledge at expertise ang OB-Gynecologist na si Dr. Raul Quillamor tungkol sa paggamit ng contraceptive pills.

Ayon kay Dr. Quillamor, ang contraceptive pills ang isa sa family planning method na ginagamit ng maraming pamilyang Pilipino. Ito ay may tatlong uri na tutugma sa pangangailangan at kalusugan ng babaeng gagamit nito.

Ang tatlong uri ng pills na maaaring gamitin ng mga babaeng nais makaiwas sa pagbubuntis ay ang sumusunod. Pati na ang paraan ng tamang pag-inom ng pills para masigurong ito ay epektibo.

Tatlong uri ng contraceptive pills

Progestin-only pills

tamang pag-inom ng pills

Baby photo created by rawpixel.com – www.freepik.com 

Ang unang uri ng pills na inirerekumenda para sa mga nagpapasusong ina ay ang mga progestin-only pills. Mula sa pangalan nito, ang pill na ito ay nagtataglay lamang ng hormones na progestin.

Ayon kay Dr. Quillamor, ito ang inirerekumendang gamitin ng mga nagpapasusong ina upang hindi maapektuhan ng pills ang supply ng gatas nila.

“Kung gusto niyang ituloy ang breastfeeding may appropriate na contraceptive method para sa kaniya. Gaya ng pagbibigay ng progesterone only pill. Ito ay binibigay sa mga nanay na nag-brebreastfeed para hindi tumigil ang produksyon ng kanilang breastmilk.”

Ayon naman sa Mayo Clinic at DOH, Ito rin ang inirerekumendang contraceptive pills para sa mga babaeng nakakaranas ng ilang health conditions.

Tulad ng pagkakaroon ng blood clot sa kanilang binti o kaya naman ay may mataas na blood pressure. Pati na rin ang mga babaeng mayroon o nagkaroon ng history ng breast cancer. Ganun din ang mga kasalukuyang gumagamit ng anti-convulsant at antiretroviral drugs.

Sa tulong ng progestin-only pills ay kumakapal ang cervical mucus habang numinipis ang lining ng uterus. Ito ang pumipigil para makarating ang sperm sa egg cells.

Pinipigilan din nito ang ovulation at para mas maging effective kailangang inumin ito ng pare-parehong oras araw-araw.

Ayon parin sa DOH, inirerekumendang gamitin ito ng mga nagpapasusong ina 6 na linggo matapos ang panganganak. Para sa mga hindi nagpapasusong ina, ito ay dapat simulan agad bago pa man makaalis ang ina sa pinag-anakan niyang pasilidad.

Dito sa Pilipinas, ang ilan sa mga progestin-only pill na available sa drugstore ay ang Daphne, Cerazette, at Exluton.

Combination pills

tamang pag-inom ng pills

Woman photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ang combination pills naman ay ang uri ng pills na nagtataglay ng dalawang hormones na estrogen at progestin.

Ayon kay. Dr. Quillamor, ito ay hindi inirerekumendang gamitin ng mga nagpapasusong ina dahil sa maaari nito umanong mapatigil ang breast milk production.

“Kapag binigyan sila ng combination pill, titigil bigla ‘yong breast milk production nila whether na-CS ang nanay o nag-normal delivery siya.”

Ang combination pills ay inirerekumenda ring gamitin ng mga babaeng mayroong sakit na PCOS o Polycystic ovary syndrome. Sapagkat ang mga hormones na taglay nito ay binabawasan ang androgen production ng katawan at nirer-egulate ang estrogen.

Sa pag-inom ng combination pills ay napipigilan nito ang iyong katawan sa pag-o-ovulate. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpigil ng pills na mag-release ng egg ang iyong ovaries.

Pinapakapal rin dito ang iyong cervical mucus para mahirapan ang sperm na mag-travel sa iyong uterus at makapag-fertilize ng egg.

Tulad ng progestin-only pills, ang tamang pag-inom ng pills na ito ay dapat ding oras araw-araw ang combination pills para mas maging effective. Dapat ito rin ay maibigay matapos ang 6 na linggo ng panganganak ng isang babae kung hindi ito nagpapasuso.

Dito sa Pilipinas, ang ilan sa mga combination pills na available ay Trust, Yasmin, Lady, Yaz, Qlaira, Mercilon, Marvelon 28, Diane-35 at Althea.

Emergency contraceptive pills

tamang pag-inom ng pills

Photo by Sophia Moss from Pexels

Samantala, may isa pang uri ng pills na ginagamit ng ilang babaeng Pilipino. Ito ay ang emergency contraceptive pills na iniinom matapos ang isang unprotected sex.

Para umepekto ay dapat inumin ang emergency contraceptive pills sa loob ng 120 hours matapos ang pagtatalik para ito ay umepekto. Isa itong uri ng emergency contraception na ayon kay Dr. Quillamor ay hindi niya inirerekumenda dahil sa mga sumusunod na dahilan,

“May certain period of time lang na puwede mong inumin. Ang problema pa high dose estrogen ang emergency contraceptive pills. Masakit sa tiyan, masakit sa ulo. Kung hypertensive ka mas tataas pa ang blood pressure po. Maraming side effects ito kaya naman dini-discourage namin ang ECP [emergency contraceptive pill].”

Dagdag pa niya, para mas malinawagan kung ano ang klase ng contraceptive pills na swak sa iyong pangangailangan ay dapat magpa-konsulta muna sa iyong doktor.

Ito ay upang masiguro na magiging effective ito sayo at maiiwasan ang anumang negatibong epekto nito sa kalusugan mo.

Si Dr. Raul Quillamor ay ang kasalukuyang presidente ng Academy of Medicine of the Philippines at co-host ng programang Pinoy MD sa GMA.

Panoorin ang Family Planning: Doing it Right for the Future That’s Bright dito:

Tamang pag-inom ng pills: Tips para maging epektibo ito

Iba’t iba ang mga uri ng oral contraceptives na maaaring gamitin depende sa iyong sitwasyon. Narito ang mga dapat tandaan:

  • Sa tamang pag-inom ng pills dapat parehong oras araw-araw ang pag-inom nito upang makasiguro sa effectivity ng pills.
  • Huwag mag-skip ng araw, 21 or 28 man pills sa pack.
  • Para sa progestin-only pills, simulan ang bagong pack kapag natapos ang huling pack. Maaaring dumating ang period sa ika-apat na linggo matapos simulan ang pack. Importanteng kumpirmahin ang tamang pag-inom ng oral contraceptives o pills sa iyong doktor.
  • Para sa 28-pill combination pills, simulan ang bagong pack kapag natapos ang huling pack. Importanteng kumpirmahin ang tamang pag-inom ng oral contraceptives o pills sa iyong doktor.
  • Para sa 21-pill combination pills, magkakaroon ng 7 araw na break mula sa huling pack at bagong pack. Importanteng kumpirmahin ang tamang pag-inom ng oral contraceptives o pills sa iyong doktor.
  • Ang oral contraceptives ay kailangan ireseta ng iyong doktor bago ito simulang inumin. Huwag mag-atubili na magtanong.

 

Paano pag nakalimutan uminom ng pills sa isang araw

Dahil mahirap naman talagang laging matandaan na kailangang uminom ng pills, posible talaga na makalimutan ito. Paano pag nakalimutan ng pills sa isang araw? Ano ang maaaring mangyari sa contraception?

Batay sa mga pag-aaral na nakalap namin, ang pagkalimot na uminom ng pills ay maaaring kabawasan sa consistency ng contraceptive protection. Ang katikayakan sa paano pag nakalimutan uminom ng pills sa isang araw ay ang pagtaas ng risk na mabuntis.

Paano pag nakalimutan uminom ng pills?

Kung may ipinayo ang iyong doktor tungkol sa paano pag nakalimutan uminom ng pills, sundin agad ito. Pero kung hindi talaga masunod dahil sa mga pagkakataong nakakalimot ang tao minsan, kailangang angkupan ang pag-inom ng pills ng iba pang alternative na contraceptive protection.

Ang mga halimbawa ng mga alternatibong ito ay paggamit o pagpapagamit ng condom sa partner, pag-iwas sa anomang gawaing may kinalaman sa sexual intercourse, at panatilihin ang panibagong schedule ng pag-inom ng pills sa diretsong 7 araw.

Partner Stories
Hello, dessert lovers! Here’s an enjoyable reason to always leave room for dessert
Hello, dessert lovers! Here’s an enjoyable reason to always leave room for dessert
HP offers free delivery of supplies to further support and enhance online learning
HP offers free delivery of supplies to further support and enhance online learning
Featuring 'Noli Me Tangere,' 'TuklaSiyensya,' and 'Financial Education' KNOWLEDGE CHANNEL PARTNERS WITH PREMIER INSTITUTIONS FOR NEW EDUCATIONAL SHOWS
Featuring 'Noli Me Tangere,' 'TuklaSiyensya,' and 'Financial Education' KNOWLEDGE CHANNEL PARTNERS WITH PREMIER INSTITUTIONS FOR NEW EDUCATIONAL SHOWS
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

Dagdag pa, narito ang mga bagay na dapat isaalang-alang kung sakaling paano pag nakalimutan uminom ng pills:

  • ilang pills na ba ang nakaligtaang inumin (ang katumbas ng isang pill ay isang araw rin o 24 oras simula sa naunang schedule na hindi nasundan)
  • ituloy na uminom ng pills kahit paano pa pag nakalimutan sa kalagitnaan na ng maintainance ng pillls.

Paano uminom ng contraceoptive pills?

Kung umabot na sa 48 oras na nalilimutan mo ng uminom ng pills, maaapektuhan na talaga ang pagpili mong hinid mabuntis.

Nasa ibaba ang mga dapat gawin kung paanong ibalik muli na uminom sa routine ang contraceptive protection.

  1. iniman ang huling pill na nakaligtaang inumin. Posible ring uminom ng pills 2 beses kada araw (itanong muna sa doktor).
  2. Iwanan na ang mga matagal ng late na pills.
  3. ipagpatuloy na ang bagong schedule ng pag-inom ng pills.
  4. gumamit ng mga extra contraception, tulad ng condom, sa mga susunod na 7 araw.

Kumonsulta sa iyong pinagkakatiwalaang doktor at healthcare provider na makakatulong para sa mas epektibong contraception kapag ikaw ay nakalimot na uminom ng pills sa isang araw.

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Kids Health, DOH, Healthline, Mayo Clinic, Planned Parenthood, Web MD, Flo Health, NHS, Health CornellEdu, Hello Clue

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Nathanielle Torre

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • #AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?
Share:
  • #AskDok: 11 madalas na side effects ng paggamit ng contraceptive pills

    #AskDok: 11 madalas na side effects ng paggamit ng contraceptive pills

  • #AskDok: Ano ang pills na para sa 'yo at paano ang tamang paggamit nito?

    #AskDok: Ano ang pills na para sa 'yo at paano ang tamang paggamit nito?

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • #AskDok: 11 madalas na side effects ng paggamit ng contraceptive pills

    #AskDok: 11 madalas na side effects ng paggamit ng contraceptive pills

  • #AskDok: Ano ang pills na para sa 'yo at paano ang tamang paggamit nito?

    #AskDok: Ano ang pills na para sa 'yo at paano ang tamang paggamit nito?

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.