Maaaring pamilyar ka sa uterus o matris. Pero alam mo ba kung ano ang retroverted uterus?
Ayon sa obstetrician-gynecologist na si Kristine C. Tangco, MD, FPOGS, FPSUOG, ang uterus o matris ng isang babae ay retroverted kung ito ay nakapuwesto patungo sa rectum, sa halip na sa tiyan at nakaharap sa urinary bladder, na siyang regular na posisyon.
“Ang uterus o matris ay isang organ sa pelvic cavity na hugis peras o pear, at nakadugtong sa mga ligaments. Ang normal na posisyon nito ay nakaharap sa urinary bladder (anteverted). Sa isang babae na may retroverted uterus, ang fundus ay nakapwesto patalikod patungong rectum at spine”, paliwanag ni Dr. Tangco.
Screen grab from YouTube (Dr. Shahab Khan)
Narito ang iba pang helpful facts tungkol sa retroverted uterus ayon kay Dr Tangco:
1. Ang retroverted uterus ay tinatawag ding tipped o tilted womb.
2. Ang retroverted uterus ay may iba-ibang sanhi:
- Normal anatomic variation
Ang uterus ay gumagalaw nang pasulong (nakaharap sa bladder o pantog) habang ang babae ay tumatanda. Ngunit hindi ito nangyayari sa ilang kababaihan; ang kanilang uterus ay nananatiling naka-tilt palikod (nakaharap sa rectum at spine).
- Myomas o Fibroids
Ang mga ito ay maliit, non cancerous na masa o lump na lumalaki sa uterus at nagiging dahilan upang ang organ ay mag-tilt patalikod.
- Endometriosis
Ang endometrium ay ang lining ng matris o uterus. Ang Endometriosis ay ang paglaki ng mga endometrial cells sa labas ng uterus. Ang mga cells ay maaaring maging dahilan ng retroversion sa pamamagitan ng pagdikit ng uterus sa ibang pelvic structures.
Screen grab from YouTube (EndometriosisSA)
- Adhesions
Ang adhesion ay ang grupo ng scar tissue na pinagdudugtong ang dalawang magkaibang anatomic surface. Pelvic surgery, endometriosis at pelvic inflammatory disease ang mga kondisyon na maaaring maging dahilan upang mabuo ang adhesion at hilahin ang uterus sa retroverted na posisyon.
- Pagbubuntis at panganganak
Ang posisyon ng uterus ay maaring magbago pagkatapos manganak ng isang babae dahil sa iba’t ibang mga factors tulad nang dami ng ligaments na nabanat noong nagbubuntis at karagdagang timbang.
3. Ang retroverted uterus ay common.
Dalawampung porsyento ng mga kababaihan sa buong mundo ang may natural na retroverted uterus.
4. Ang retroverted uterus ay hindi nakakababa ng chance na magbuntis ang isang babae, at hindi rin nito nakakaapekto sa pagbubuntis.
“Ang pagkakaroon ng retroverted uterus ay walang epekto sa pagbubuntis o kakayahang magbuntis ng isang babae,” ang sabi ni Dr. Tangco.
Sa kabuuan, hindi ito nakakaapekto sa pagbubuntis. Habang ang sanggol ay lumalaki sa unang tatlong buwan, ang uterus ay nag-eexpand sa pelvic cavity. Sa 12 hanggang 13 na linggo ng pagbubuntis, ang uterus ay lumalaki at lumalabas sa pelvis, papunta sa tiyan upang ng lumalaking sanggol.
5. Bagama’t ang retroverted uterus ay hindi seryosong kondisyon, maaari itong maging masakit para sa isang babae.
Sa pangkalahatan, ang isang retroverted uterus ay hindi nagdudulot ng problema. Kung may mga problema mang mangyari, ang dahilan nito ay maaaring isang associated condition tulad ng endometriosis. Ang dalawang sintomas nito ay ang (1) pananakit at hirap sa pakikipagtalik – lalo na kapag ang babae ay nasa itaas, at (2) pagkaramdam ng pananakit panahon ng regla.
6. May mga paraan para magamot ang retroverted uterus.
Narito ang ilang paraan para gamutin ang retroverted uterus kung ito ay nagiging sanhi ng mga problema:
- Operasyon para sa mga underlying conditions (endometriosis, pelvic nagpapaalab sakit, adhesions at myomas).
- Mag-ehersisyo
Kung ang paggalaw ng matris ay hindi nahahadlangan ng mga nabanggit na kondisyon sa itaas, at kung ang doctor ay kayang iposisyon ang matris sa panahon ng pelvic examination, ang pag-eehersisyo ay makakatulong.
- Pessary
Ito ay isang maliit na silicone o plastic device na maaaring ilagay pansamantala o permanente sa loob ng vagina. Tinutulungan nito ang matris na mag-forward. Kaya lamang, ang pessary ay isang foreign object kaya ito ay may mga disadvantages, babala ni Dr. Tangco. Maaari itong mag-trigger ng pelvic infection at pamamaga, maging masakit ang pakikipagtalik para sa babae at sanhi ng discomfort ng kaniyang partner.
Pessaries
- Paggamot para sa incarcerated uterus
Ang incarcerated uterus ay napakabihirang komplikasyon kung saan ang uterus ng isang buntis ay nananatili sa retroverted na posisyon. Ang resulta, ito ay naka-wedged sa pelvic cavity. Ang kondisyon na ito ay maaaring mapabuti sa pamamagitan ng pagpapahospital, pagpasok ng isang urinary catheter upang alisan ng laman ang pantog o bladder, at mga ehersisyo tulad ng pelvic rocking upang makatulong na maiayos ang pwesto ng uterus.
Para sa iba pang mga alalahanin tungkol sa retroverted uterus, kumunsulta sa iyong ob-gyne.
Tungkol sa expert: Obstetrician-gynecologist Kristine C. Tangco, MD, FPOGS, FPSUOG, practices at the Cardinal Santos Medical Center in San Juan and at In My Womb Ultrasound Centre-SM Megamall in Mandaluyong.
Tungkol sa author: Regina Posadas
Isinalin sa wikang Filipino ni Fei Ocampo mula sa artikulo ng The Asian Parent Philippines
Basahin: Ano ang Endometriosis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!