Sakit sa ngipin ng buntis, gingivitis, pagkabungi at iba pang dental issues sasagutin ni Dr. Aimee Yang-Co.
May gamot ba sa sakit ng ngipin ng buntis?
Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng maraming pagbabago sa katawan ng isang babaeng nagdadalang-tao. Isa na nga sa naapektuhang parte ng katawan ay ang mga ngipin na mas nai-expose sa gum disease, tooth decay at gingivitis. Ito ay dahil sa hormonal changes na nakakaapekto sa response ng katawan sa plaque o layer ng germs sa ngipin.
Para maprotektahan ang sanggol na dinadala ng isang buntis ay maraming gamot at medical procedures ang ipinagbabawal na gawin ng babaeng nagdadalang-tao.
Kaya naman sa oras ng sakit sa ngipin ng buntis ay madalas na nagiging tanong, paano ito malulunasan? Ano ang safe na gamot na puwedeng inumin o kaya naman ay puwede bang bunutin ang sirang ngipin?
Sasagutin ang mga common concerns na ito ng mga buntis ng dentistang si Dr. Aimee Yang-Co na nakapanayam ng the Asian Parent sa Polident media forum noong Hunyo 25.
Sakit sa ngipin ng buntis, gingivitis at iba pang dental issues ng mga buntis
Gamot sa sakit ng ngipin ng buntis | Image from Freepik
1. Puwede bang magpabunot ng ngipin ang buntis?
Dr. Aimee Yang Co: “Ang pagbunot ng teeth depends on what month na ng pregnancy. So minsan maselan ‘yong first to three months kasi it’s formative for the baby so kailangan after pregnancy saka na bubunutin much better.”
“Pero kung emergency, if its causing infection or anything like that ‘yong 4 to 6 months ‘yong tinitingnan na kung puwede, baka tanggalan.”
“And it always needs a coordination with the OB-Gyne para malaman ‘yong situation ng pregnant dahil hindi lahat ng pregnancy pare-pareho.
So ‘yong ibang pregnant mas maselan silang magbuntis. so kapag ganoon after pregnancy na sila bubunutan or some dental procedures na dapat gawin.”.
2. Hindi ba puwede gumamit ng anesthesia sa isang buntis?
Dr. Aimee Yang Co: “Sa aming mga dentist kung localized okey lang, especially if need. Sabi ko nga kapag emergency care, then ‘yong risk factor you need to know kung kailangan bang bunutan, puwede bang i-delay o puwede bang i-medicine muna.”
“But with pregnant kapag medicine kailangan sinusuring mabuti ng gynecologist. So, we normally tie up with gynecologist to check the condition of the pregnant person.”
“For us, kung emergency we check the vital signs of the patient kung okey naman sya. We call the OB, we coordinatre with the OB then when the OB says healthy naman ang pregnancy, puwedeng hindi i-delay, kailangan na talaga then we have to do it.”
3. Kailangan bang tanggalin ang dentures kapag manganganak na?
Dr. Aimee Yang Co: “Anything removable tinatanggal talaga for the protection of the patient. It’s advisable. At SOP sa hospital you remove all the removables.”
May risk kasi na mabasag ang pustiso kapag umiire. Maaari rin aksidenteng malunon ito.
Dagdag pa ni Dr. Aimee na kailangan kung naka-dentures o false teeth ang buntis, kailangan siguraduhin na malinis ang pustiso. Kapag hindi malinis ang pustiso, nagiging sanhi ito ng pamamahay ng bacteria sa pustiso at nagiging sanhi ng bad breath at impeksyon.
Sa paglinis ng pustiso, hindi raw enough na ibabad lamang ito sa mouthwash o tubig. May mga solutions katulad ng Polident daily cleanser na nakakatanggal daw ng dumi.
4. Paano maiiwasan ang pregnancy gingivitis?
Kung ikaw ay nagsipilyo o nag-floss ng iyong mga ngipin at napansin ang isang malaking dami ng dugo, pananakit, o pamamaga, maaari kang magkaroon ng gingivitis.
Sa panahon ng pagbubuntis, ang iyong mga antas ng progesterone hormone ay mataas. Ang pagtaas na ito ay nagiging mas madaling kapitan sa pagbuo ng bacterial plaque na maaaring umatake sa iyong gilagid.
Ang mga sintomas ng gingivitis ay kinabibilangan ng:
- namamagang gilagid
- malambot, mapupungay na gilagid
- dumudugo gilagid
- receding na gilagid
- pulang gilagid
- mabahong hininga
Ang gingivitis ng pagbubuntis ay kadalasang nabubuo sa pagitan ng ikalawa at ikawalong buwan. Maaaring umabot ito sa pinakamataas sa ikatlong trimester.
Ano ang mabisang gamot sa gingivitis ng buntis?
Dr. Aimee Yang Co:
“Pregnancy gingivitis occurs because of hormones, not dirt. But sometimes dirt can also cause this gingivitis kasi kapag madumi tapos may hormonal changes pa lalong namamaga ‘yong gums ng mommy. So kailangan talaga they go to the dentist to have it check.”
“They normally put medications on the pregnant patient that is safe to her pregnancy. Also they clean it out properly, kasi anything you put inside the mouth of the mommy can go to the baby. Kaya kailangan malinis talaga siya.”
5. Kailangan bang ipag-aalala ng buntis ang bleeding gums?
Dr. Aimee Yang Co: “Not all pregnant woman can get pregnancy gingivitis. It is not as common as others and we need to differentiate pregnancy gingivitis and real gingivitis.”
“Ang real gingivitis is because of the dirt. Konting impact lang dumudugo na kasi inflamed kaya we call it gingivitis kasi inflamed ‘yong gums.”
“Kapag pregnancy gingivitis, kunyari malinis tapos because of hormones lang kaya namamaga so that’s different, iba ‘yong treatment na ginagawa. That’s a concern kaya they have to go to the dentist to check.”
6. Totoo bang nabubungi ang ngipin kapag buntis dahil kinukuha ni baby ang calcium sa katawan ni Mommy?
Dr. Aimee Yang Co: “Scientific studies say hindi. Ang mga Pilipino kasi maraming kasabihan. Kaya ‘yong iba kapag pregnant sila for a like a year hindi pumupunta ng dentista.
So mayroon ng gingivitis, meron pang gum disease. so pagdating ng after pregnancy, breastfeed na and everything, mom’s immune system is compromise and physical conditon niya nagcocompromise kaya nasisira na yung ngipin.:
“Kaya may mga prenatal vitamins and supplements para matulungan ang isang buntis na namatiling healthy. At dapat regular din ang check-up. Dapat quarterly sila nagpupunta ng dentist para macheck yung ngipin nila.”
Kaya naman hindi dapat balewalain ang sakit sa ngipin ng buntis. Hangga’t maari kapag nakaramdam ng pananakit ay magpunta agad sa dentista para malaman kung ano ang dapat gawin para malunasan, tuluyang mapangalagaan ang ngipin at maiwasan ang pagkabungi.
Para malaman kung ano ang mabisang gamot sa sakit ng ngipin ng buntis, ‘wag mahihiyang magpakonsulta sa iyong dentistapara mabigyan ka ng tamang payo at kung anong pwededeng gamot sa iyo habang ikaw ay nagbubuntis.
Gamot na pwedeng inumin ng buntis para sa sakit ng ngipin
Maaari kang mabigyan ng gamot sa pamamaga ng ngipin ng buntis na oral antibiotic para labanan ang bacterial infection. Mayroon ding mga mouthwash na may lakas na maaaring gamutin ang sakit sa gilagid. Sa mga advanced na kaso, ang operasyon ay isang opsyon.
Tiyaking alam ng iyong dentista ang tungkol sa anumang allergy sa mga gamot na maaaring mayroon ka. Dapat kang magbigay ng isang listahan ng lahat ng mga bitamina, suplemento, at iba pang over-the-counter o de-resetang gamot na iniinom mo sa iyong pagbubuntis upang maiwasan ang mga potensyal na pakikipag-ugnayan sa droga.
Paano maiiwasan ang ginigivitis sa buntis?
Gamot sa sakit ng ngipin ng buntis | Image from Freepik
Maraming bagay ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong mga ngipin at gilagid bago at sa panahon ng iyong pagbubuntis. Narito ang mga home remedy sa sakit ng ngipin ng buntis:
1. Magsanay ng good oral hygiene
Magsipilyo ng iyong ngipin dalawang beses bawat araw. Ang toothpaste na naglalaman ng fluoride ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon.
Ang pagsipilyo ba ay hindi komportable sa mga araw na ito? Tiyaking gumagamit ka ng sipilyon na may soft bristles. Hindi nito maiirita ang iyong malambot na gilagid gaya ng mas matitibay na uri.
Habang ginagawa mo ito, maaari ka ring magfloss kahit isang beses bawat araw. Ang flossing ay nakakatulong na mahuli ang anumang nakulong na mga particle ng pagkain at bakterya.
2. Magkaroon ng healthy diet
Subukang kumain ng diyeta na mayaman sa balanseng, buong pagkain. Kumain ng iba’t ibang:
- mga prutas
- mga gulay
- buong butil
- mga produkto ng pagawaan ng gatas
Pumili ng tubig o gatas kaysa sa mga juice at soda. Lumayo sa mga pagkaing matamis o starchy, tulad ng kendi, cookies/cake, at pinatuyong prutas. Sa paglipas ng panahon, lahat ng asukal at starch na iyon ay maaaring umatake sa iyong mga ngipin at gilagid.
3. Mag-gargle ng tubig na may asin
Ang asin sa dagat ay maaaring mabawasan ang pamamaga mula sa gingivitis at makatulong na pagalingin ang iyong mga gilagid.
Maghalo ng 1 kutsarita ng asin sa 1 tasa ng maligamgam na tubig. Imumog ang halo na ito sa iyong bibig ng ilang beses at iluwa (huwag lunukin) kapag tapos ka na.
4. Kumonsulta sa iyong dentista
Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang gingivitis ay upang manatiling malapit sa iyong dentista. Dapat kang magkaroon ng mga dental visits dalawang beses sa isang taon, kahit na buntis.
Huwag palampasin ang iyong mga nakaiskedyul na paglilinis at magtanong tungkol sa mga karagdagang appointment upang makatulong na subaybayan ang iyong kalusugan sa bibig. Maaaring makita ng iyong dentista ang maliliit na isyu bago ito maging malaking problema.
5. Kilalanin ang food and drink sensitivities
Nakikita ng ilang kababaihan ang pagtaas ng sensitivity ng ngipin kapag kumakain sila ng maiinit na pagkain o umiinom ng maiinit na inumin, habang ang iba ay sensitibo sa malamig na inumin o pagkain.
Ang pag-iisip kung anong mga pagkain at inumin ang nagpapalala ng sensitivity o sakit ay isang kapaki-pakinabang na unang hakbang upang mabawasan ang sakit ng ngipin sa panahon ng iyong pagbubuntis.
6. Pagnguya ng bawang
Isang alternatibo sa pag-inom ng mga pangpawala ng sakit, ang bawang ay isang natural na antibiotic na makakatulong sa pagpatay sa anumang bacteria sa nahawaang bahagi, na maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit. Balatan lamang ang isang clove at nguyain ito nang direkta o ilapat ito sa apektadong lugar. Siguraduhing magdala din ng ilang extra breath mints.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!