Ang tamang paghugas ng kamay at paggamit ng face mask ayon sa doktor

Narito ang tamang paraan ng pagsusuot ng facemask at paghuhugas ng kamay bilang proteksyon laban sa mga kumakalat na sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang paggamit ng face mask at paghuhugas ng kamay bilang proteksyon sa mga sakit, narito kung paano gawin.

Confirmed case ng 2019-nCov sa Pilipinas

Kumpirmado may kaso na ng 2019-nCov o novel coronavirus sa Pilipinas. Ang sakit na mabilis na kumalat hindi lang sa China kung hindi pati na sa buong mundo. Sa ngayon, ayon sa report ay tumama na ito sa higit 7,800 na katao. At nasa 170 na ang nasawi dahil sa sakit. Ang nakakalungkot pang balita ay wala pang natutuklasang lunas para dito. At ang tanging paraan lang upang labanan ang sakit ay ang iwasan ito.

Ngunit maliban sa novel coronavirus ay marami pang sakit sa bansa ang nagkalat sa ngayon. Mga sakit na makukuha sa pamamagitan ng pagkahawa sa mga taong infected at may dala ng virus.

Isa nga sa pangunahing paraan ng pagkakahawa ng mga virus ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng close contact sa nagtataglay ng sakit. Dahil kapag sila ay umubo o bumahing ay maaring kumalat ang kanilang respiratory droplets sa hangin. Ito ay agad na malalanghap ng sinumang malapit sa kanila. Papasok sa loob ng katawan at magdudulot na ng karamdaman. Ganoon din kapag nahawakan mo ang tao o gamit na pinagkakapitan ng mga virus na ito.

Kaya naman para maiwasan ang mga sakit, ipinapayo ng mga health experts sa ngayon ang paggamit ng face mask at palaging paghuhugas ng kamay. Pero para masiguradong mapoprotektahan ka ng mga paraan na ito laban sa sakit ay dapat alam mo ang tamang paggamit ng face mask. Pati na ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa mga nakakahawang virus at sakit na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang paggamit ng face mask at paghuhugas ng kamay

Ayon kay Dr. Joyce Lai, isang general practitioner, ang simpleng allergy mask ay hindi kayang magbigay ng sapat na proteksyon laban sa sakit. Ipinapayo niyang gumamit ng three-ply mask tulad ng surgical mask na may filter at kayang harangin ang mga virus sa pagpasok sa iyong ilong o bibig.

Image from Freepik

Tamang paggamit ng face mask

Ngunit upang ganap na maging protektado ay may tamang paggamit ng face mask na dapat sundin. Ito ay ang sumusunod na hakbang.

  • Una ay itupi na sakto sa iyong nose bridge ang gitnang parte ng wire na makakapa sa isang bahagi ng iyong facemask. (Ang mga surgical mask ay ginawa na kung saan ang isang side ay may wire habang ang isa naman ay wala. Ayon parin kay Dr. Lai, sa tamang pagsuot ng facemask, dapat ang makakapang wire ay nakatapat sa ating ilong kapag naisuot.)
  • Saka ilapit ang facemask sa iyong mukha at isuot sa magkabila mong tenga.
  • Sunod na hatakin pababa ang dulo ng facemask sa iyong baba upang ganap na matakpan ito.
  • I-seal ang mask sa pamamagitan ng pag-press sa wire sa iyong maxillary bone o ilalim na bahagi ng iyong mga mata.
  • Ang face mask na naisuot nang tama ay hindi dapat magdulot ng fog kung ikaw ay nakasuot ng salamin sa mata. Dapat ito ay completely sealed.

Tamang paghuhugas ng kamay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Pero paalala ni Dr. Lai, bago magsuot ng face mask ay dapat malinis muna ang iyong kamay. At ang tamang paraan para gawin ito ay ang sumusunod:

  • Una ay dapat gumamit ng tubig at sabon sa paghuhugas ng kamay. O hindi kaya naman ay hand sanitizer na may 60% alcohol.
  • Sa paghuhugas ay unang pagkuskusin o linisan ang iyong mga palad.
  • Sunod na kuskusin at hugasan ang likod ng iyong mga palad ng magkabilang kamay.
  • Saka isagawa ang finger webs upang malinisan naman ang pagitan ng iyong mga daliri.
  • Sunod na kuskusin ang iyong mga kuko mula sa pangalawa hanggang sa pang-limang daliri.
  • Pagkatapos nito ay saka naman kuskusin o hugasan ang magkabilang hinlalaki ng iyong mga kamay.
  • At ang pinakahuli sa lahat at hindi dapat kalimutan ay ang iyong mga pulso.

Gamit ang mga nabanggit na paraan ng paghuhugas ng kamay ay aabot na ng 20 segundo. Ito ang ipinapayong tagal ng paghuhugas ng kamay upang matanggal ang mga germs mula rito.

Ano pa ang maaring gawin

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit maliban sa pagsusuot ng mask at paghuhugas ng kamay ay dapat din nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran. Magpatuloy din sa pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Matulog at magpahinga ng sapat. Uminom ng vitamins para sa dagdag na resistensya ng katawan laban sa sakit. At umiwas muna sa mga matataong lugar na kung saan mas prone ka sa mga viruses na may dala ng mga nakakahawang sakit.

Para sa video kung paano gawin ang tamang paggamit ng facemask at paghuhugas ng kamay, panooring ang panayam kay Dr. Lai dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCE: Aljazeera

PHOTO: Freepik

BASAHIN: ALAMIN: Ang iba’t ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement