X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

4 min read
ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

Ang pag-ubo ay senyales ng karamdaman. 'Wag itong balewalain at marapat na pagbigyan ng importansya. Alamin kung ano ang mga mabisang gamot sa ubo.

Kung ikaw ay madalas kapitan ng ubo at ang laging tanong mo ay ‘paano ito malulunasan’ at ‘ano ang mabisang gamot sa ubo’, maaaring ito na ang sagot sa iyong mga katanungan.

Ang pag-ubo ay isang karaniwang sakit ng tao. Walang pinipili ito at kahit ang mga bata ay pwedeng dapuan. Pero mommy, ‘wag balewalain ang simpleng ubo, lalo na kung lagi silang nagkakaroon nito. Mabuti na malaman kung ano ang dapat gawin!

 

gamot-sa-ubo

Photo from Unsplash

Ano ang sanhi ng pag-ubo?

Ang ubo ay maaring isang sintomas ng mas seryosong karamdaman. Kadalasan, bago ka magkaroon ng isang malalang lagnat ay nagkakaroon ka muna ng ubo. Nangyayari ito dahil ang katawan mo ay nais maglabas ng dumi. Kasama rin ito madalas ang sipon na dulot ng virus.

Ang pag-ubo ay kadalasang sanhi ng alikabok, usok o maliliit na organism tulad ng bacteria at virus. Maaari ring sensitibo ang isang tao sa partikular na amoy at nagdudulot ito ng allergic reaction sa kanya.

Kapag ang plema ng ubo mo ay kulay green o yellow at kasama rin nito ay sipon at lagnat, ito ay dahil sa bacteria.

Ang iba pang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng Upper Respiratory Tract Infection, asthma at tuberkolosis. Maaaring dulot din ito ng cancer sa baga, bronchitis, emphysema at pneumonia.

Tinatayang nasa 1 milyon ang naitalang may aktibong Tuberculosis sa bansa. Ang Pilipinas ang pangatlo sa listahan ng may mataas na kaso ng Tuberculosis habang ang South Africa at Lesotho ang nangunguna dito. Ito ang pinaka kilalang sakit sa bansa. Madali itong gamutin ngunit kailangan mong uminom ng gamot sa loob ng anim na buwan. Ngunit, ito ay nakamamatay. Mahigit 70 katao ang namamatay sa bansa dahil sa sakit na Tuberculosis. Ang kadalasang sign ng TB ay ang pag-ubo na may kasamang dugo ang plema.

Ang TB ay hindi namamana. Ito ay nakukuha kapag nahawaan ka ng taong positibo rin sa TB.

gamot-sa-ubo

Photo from Unsplash

Iba’t-ibang uri ng ubo

Ang pag-ubo ay may dalawang uri:

Nonproductive Cough

  • Ito ay mas kilala bilang Dry Cough. Ito ay patuloy na pag-ubo kahit na walang lumalabas na plema. Dahil dito, pwedeng sumakit din ang lalamunan. Ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng infection sa upper respiratory tract, gaya na lamang ng sipon. Paalala, ang dry cough ay maaaring maging early sign ng Bronchitis at Asthma. Ang mabilis na lunas dito ay ang pag-inom ng tubig.

Productive Cough

  • Ito naman ay kapag naglalabas ng namumuong plema ang iyong katawan mula sa lower respiratory tract. Tulad ng dry cough, mas makakatulong ang pagiging hydrated upang lumabas nang tuluyan ang dumi sa iyong baga.

Iba pang uri ng pag-ubo:

  • Kung ikaw ay may edad na at palaging inuubo, mabuting magpa-konsulta na agad sa iyong doktor dahil isa ito sa sign ng Pneumonia.
  • Kung ikaw ay may allergy sa isang bagay katulad ng sigarilyo o alikabok, mabuting iwasan na lamang ang mga ito upang maiwasan ang pag-ubo.
  • Isa ang ubo sa sintomas ng kanser sa baga. Lalo na kapag ito ay masyadong ma-plema at hindi na nagagamot ng mga antibiotics.

Ano ang mabisang gamot sa mga bata?

Medical medicine

  1. Antitussive, ang gamot na ito ay para sa mga taong hindi makatulog tuwing gabi dahil sa lala ng ubo.
  2. Mucolytic, ang gamot naman na ito ay pinapalambot ang iyong plema at pinapalabas ito.
  3. Expectorant, ang gamot na ito ay para sa mga may halak o yung ubong pumuputok.

Paalala: Mabuting kumonsulta muna sa doctor bago painumin ng gamot ang bata.

 

gamot-sa-ubo

Photo from Unsplash

 

Narito naman ang mga natural remedies na pwedeng-pwede sa ubo ng matanda at bata:

  • Pulot o Honey. Ito ay mabisang gamot sa ubo ng bata. Mainam din itong pampakalma.

Paalala: Ito ay hindi nirerekomendang painumin sa batang nasa 2 taon gulang pababa dahil maaaring magdulot ito ng pagkaparalisa ng kalamnan.

  • Lagundi. Isa ito sa pinaka kilalang natural na gamot laban sa ubo. Ito ay nakakatulong sa paglambot ng malagkit na plema sa baga.
  • Oregano. Ang dahon nito ay kadalasang dinidikdik, nilalaga o ipinapangtapal sa parte ng katawan na masakit.
  • Luya. Ang luya ay pwede rin sa sipon. Ilaga lang ang luya at pagkatapos ay lagyan ng honey o kalamansi at ipainom na ito sa bata. Ito ay nakakatulong sa mabilis na pagpapalabas ng plema.

 

SOURCES:  RiteMed ,  Philstar

BASAHIN: 4-buwang-gulang na inuubo, ipinamasahe imbis na bigyan ng gamot ng duktor , #AskDok: Ano ang mabisang gamot sa sipon at ubo?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
Enjoy online shopping insurance with PayMaya's Buyer Protect
Enjoy online shopping insurance with PayMaya's Buyer Protect
Mommies get to have a special holiday cooking workshop from Mega Prime
Mommies get to have a special holiday cooking workshop from Mega Prime
Mom-approved secrets to better bonding with your kids
Mom-approved secrets to better bonding with your kids
Upjohn sheds light on mental health, resilience, and hope during the pandemic
Upjohn sheds light on mental health, resilience, and hope during the pandemic

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda
Share:
  • Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

    Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

  • Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina

    Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

    Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

  • Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina

    Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.