Paano ang paggamit ng nebulizer?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nebulizer ay maituturing na isang technological breakthrough dahil sa naitutulong nito para sa mga taong nahihirapang huminga. Maging matanda man o bata, mabisang nakakatulong ito sa pagpapaluwag ng hininga ng isang indibidwal.

Ngunit bago ka bumili ng nebulizer, mas mabuting kumunsulta muna sa doktor tungkol sa pinaka maiging asthma treatment plan na nararapat sa iyo o sa iyong anak. Maaaring iba ang irekomenda sa bawat tao.

Karaniwang nirerekumenda ng mga duktor ang paggamit ng nebulizer sa mga may asthma, COPD, o iba pang sakit sa baga. Kasabay nito, nagrereseta ang duktor ng akmang gamot para sa sakit na nararanasan na gagamitan ng nebulizer. Kapag magawa ang tamang paggamit ng nebulizer, mabisa itong paraan para matanggap nang maayos ang gamot.

Para Saan Nga Ba Ang Nebulizer?

Ang nebulizer ay isang maliit na machine na ginagawang mist ang liquid na gamot. Maaaring electric ito at maaari ring battery-operated para madaling dalhin kahit saan. Saan pa man kumukuha ng power, mayroon itong base para sa air compressor, lalagyan ng gamot, at tube na nagkokonekta sa compressor at lalagyan ng gamot. Ang lalagyan ng gamot ay mayroong kasamang face mask na sinusuot o mouthpiece at nilalabasan ng mist.

Karaniwang pinapagamit ng nebulizer ang mga batang mas asthma. Mas mabilis man gumamit ng inhaler at pareho lang ang bisa, masmadaling gumamit ng nebulizer lalo na para sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang paggamit ng nebulizer

Makakabuting gamitin ang nebulizer ayon sa instructions ng gumawa. Ganonpaman, ito ang mga basic steps sa tamang paggamit ng nebulizer:

  1. Maghugas ng mga kamay.
  2. Ikabit ang hose sa air compressor.
  3. Ilagay ang inirekumendang gamot at dami nito sa lalagyan ng gamot. Para maiwasan ang tulo, isara nang mahigpit ang ang lalagyan ng gamot at hawakan ito nang nakatayo.
  4. Ikabit ang kabilang dulo ng hose sa lalagyan ng gamot.
  5. Ikabit ang mouthpiece o face mask sa lalagyan ng gamot.
  6. Isubo ang mouthpiece at ibalot ang mga labi dito para mahigop nang kumpleto ang gamot. Kung gumagamit ng face mask, isuot nang maayos ang face mask  sa mukha.
  7. Buksan ang air compressor at ihinga ang gamot hanggang sa maubos ito. Kadalasan ay tumatagal nang 10 hanggang 15 minuto ang inaabot bago magamit lahat ito.
  8. Isara ang air compressor matapos gamitin.
  9. Hugasan ang lalagyan ng gamot at mouthpiece/face mask matapos gamitin. Patuyuin ito sa hangin hanggang sa sunod na paggamit.

Ilan pang tips

  • Ang nebulizer ay dapat nililinisan at dinidisinfect matapos itong gamitin. Kung hindi ito malinis nang maayos, maaaring tumubo ang bacteria at iba pang germs.
  • Regular na palitan ang hose dahil imposibleng malinis ito nang tuluyan.
  • Makakabuting gumamit ng face mask imbes na mouthpiece kung ang bata ay wala pang pitong taong gulang.

Paraan ng Paglilinis ng Nebulizer

Dahil ito ay gagamitin muli, kailangang siguraduhing malinisan ito bago at pagkatapos gamitin.  Ito ay para hindi tubuan ng kahit ano mang bacteria or germs ang loob nito. Kapag napabayaang hindi madumi ang nebulizer, maaaring lumala ang sakit ng gagamit. Baka magkaroon rin ng impeksyon ang gagamit nito dahil sa hindi maayos na paglilinis ng nebulizer.

Step 1: Ihiwalay ang mouthpiece o ang mask. (kung alin man ang ginamit ng may sakit) Isama mo rin ang medicine container kung saan binubuhos ang gamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Step 2: Hugasan ang mouthpiece o mask gamit ang medyo mainit na tubig. Ito ay para matanggal ang posibleng mamuong bacteria rito.

Step 3: Sabuning maigi ang mga kagamitang ito. Banlawang maigi gamit ang mainit na tubig. Ipagpag ang mga nahugasan para mawala ang excess water.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Step 4: Ikabit muli ang mga instrumento sa machine at buksan upang matuyong maigi.

Para ma disinfect nang maigi ang kagamitan maaari mo ring ibabad sa mixture ang detachable parts (mouthpieace o mask at ang medicine container. Narito ang ilang mixture na pwede mong gamitin:

  • Solution na binigay ng doktor
  • 1 parteng sukang puti at tatlong parteng mainit na tubig

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkatapos idisinfect gamit ang solution, hugasan muli itong maigi. Ikabit muli sa machine at buksan ito upang matuyo ang excess water.

Basahin din: Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma

Source: Medline Plus, Healthline

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement