Nanay, na-guilty dahil umabot sa 165 lbs ang timbang ng 3-anyos na anak

Narito ang isang kwento sa kung ano ang naging epekto ng pagiging sobrang taba ng isang bata at paano ito naitama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang pagkain na puno ng sustansiya ang naging solusyon para maisaayos ang kalusugan ng isang obese na bata. Ina ng bata na-guilty sa pinagdaanan at epekto sa kaniyang anak ng pagiging sobrang taba.

Image from Freepik

Epekto sa isang bata ng sobrang taba

Sa edad na tatlo ay may timbang na 75 kilograms ang batang si Adam. Malayo sa ideal weight na 14 kg para sa batang lalaki na nasa edad niya.

Kaya naman dahil sa kaniyang bigat ay hindi siya mabuhat ng kaniyang mga magulang. Hindi rin siya kaya ng carrier o stroller para sa mga batang nasa edad niya. Dahil ang bigat ni Adam ay katumbas na sa bigat ng isang matanda sa gulang palang na tatlo.

“It was difficult for us to bring him out because of his weight. We could not take longer trips or go on overseas family vacations as he was too heavy to be carried.”

Ito ang pahayag ng ina ni Adam na si Nur.

Nang mag-edad na anim na taong gulang ay na-diagnose ng sakit na obstructive sleep apnoea o OSA si Adam. Ito ay isang sleeping disorder na kung saan tumitigil sa paghinga habang natutulog ang isang tao. Dahilan din ito umano ng pagkakaroon ng malakas na hilik ni Adam na kayang gisingin ang mga taong natutulog sa paligid niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas naging concern daw ang ina ni Adam na si Nur sa kondisyon ng anak ng ito ay lagi ng pinapaupo sa sulok sa kanilang klase. Dahil ito daw ay sobrang bagal kumilos para makipag-interact sa mga kaklase niya.

“I felt really guilty when I saw my son being left in a corner. From that day on, I kept telling my husband that we must do something for our son.”

“I don’t want him to feel neglected because he can’t move around like other children because of his weight. I was an obese child myself and I know how hard it is.”

Ito ang puntong na-realize ni Nur na dapat na siyang gumawa ng paraan para maisaayos ang kalusugan ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng pagiging mataba

 Ayon kay Nur, nagsimula ang pagiging mataba ng kaniyang anak ng ito ay mag-dalawang taong gulang. Dahil ito umano sa kaniyang caregiver na isa rin nilang kamag-anak na binibigyan siya ng hanggang sampung bote ng gatas sa isang araw. Kasabay pa ang pagbibigay ng chocolate bars, fast food meals at processed junk food. Hindi rin daw ito kumakain ng masustansiya at tamang pagkain tulad ng gulay at prutas.

 Kaya naman dahil sa nakitang epekto ng pagiging sobrang taba sa kaniyang anak ay inisip ni Nur kung ano ang dapat gawin para maisaayos ang kalusugan nito.

Pagbibigay ng masustansiya at tamang pagkain

Dahil pareho silang nagtratrabaho ng kaniyang asawa, ay una ng pinagsabihan ni Nur ang caregiver ni Adam na bigyan ng masustansiyang pagkain ang kaniyang anak. Ngunit hindi ito sumunod kaya naman pinatigil niya nalang ito sa pag-aalaga kay Adam.

Humingi rin siya ng tulong sa isang multidisciplinary pediatric weight management team na binubuo ng pediatrician, dietitian, occupational therapist at physiotherapist.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsimula ang malaking pagbabago sa diet ni Adam ng siya ay mag-pitong taong gulang. Ang mga nakasanayan niyang pagkain na ma-carbohydrates, lutong prito, processed snacks at sweet drinks ay inalis sa diet ni Adam.

Pinalitan ito ng masustansiya at tamang pagkain para sa kaniyang edad tulad ng mga green leafy vegetables. Ang mga pritong pagkain tulad ng manok at fried rice ay binago rin ang paraan ng pagluluto at ginawang steam o soup nalang.

Nag-enroll din sa baking courses si Nur para matutong gumawa ng mga low-fat at low-sugar cakes at pastries para sa anak na si Adam. Pinalitan niya rin ang diet ng buo nilang pamilya para maging magandang halimbawa sila kay Adam. Naging beneficial ang aksyong ito ni Nur hindi lang para kay Adam at iba pa niyang anak kung hindi para rin sa kaniyang asawa na may sakit na diabetes.

Magandang epekto ng masustansiya at tamang pagkain sa katawan

Naging mahirap man sa una ang naging pagbabago sa diet ni Adam ay hindi sumuko ang ina niyang si Nur. Matapos ang anim na buwan sa kaniyang bagong diet ay nakasanayan rin ni Adam na kumain ng masustansiya at tamang pagkain para sa kaniya.

Ngayon sa edad na sampu si Adam ay tumitimbang nalang ng 65 kg si Adam na may taas namang 140cm. Paborito niya ng pagkain ang prutas na orange at gulay na spinach. Hindi na siya nahihirapang kumilos sa katunayan ay kumukuha na siya ng football classes sa kanilang paaralan. Naglalaro narin siya ng Futsal kapag weekends.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasaayos narin ang sleeping disorder niya. Naging participative narin si Adam sa kaniyang klase sa school. At higit sa lahat ay naisasama na siya sa mga overseas trip ng kaniyang pamilya.

Malaki nga ang naitulong ng masustansiya at tamang pagkain hindi lamang sa pagsasaayos ng kalusugan kung hindi pati narin sa overall development ng batang si Adam.

Kaya naman umaasa ang ina niyang si Nur na sana ay magsilbing warning at paalala ang naging karanasan ng kaniyang anak sa iba pang magulang. Ito ay ang pagsisiguro na masustansiya ang kinakain ng kanilang anak. Makakatulong rin ang pakikipag-usap sa mga eksperto para maisagawa ito at ang pagsisilbing magandang halimbawa para sa kanila.

Iba pang paraan para ma-encourage ang isang bata na maging malusog

Maliban sa pagkain ng masustansiya at tamang pagkain ay may iba pang paraan na maaring gawin ang mga magulang para ma-encourage ang kanilang mga anak na maging malusog.

1. Una, ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na family meals. Ito ay para magkaroon ng oras ang inyong pamilya na magkausap at magkasama. Sa ganitong paraan ay mas mai-enjoy ng bata ang pagkain lalo na ng mga gulay, prutas at iba pang masusustansiyang pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Maging role model sa iyong anak at kumain din ng mga masusustansiyang pagkain. Ang mga bata ay ginagaya lang ang mga bagay na nakikita nila. Kaya naman kung nakikita ka nilang kumakain ng masustansiya ay tutularan nila ito at makakasanayan na.

3. Gawing involve ang iyong anak sa proseso ng paghahanda ng masustansiyang pagkain. Sa ganitong paraan ay mas malalaman nila kung paano inihahanda ang isang pagkain. Magandang oportunidad din ito para maipaliwanag sa kanila ang taglay na nutrients ng kanilang kinakain at paano ito nakakatulong sa kanilang katawan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa pamimili, pagluluto at paghahanda ng pagkain sa hapag-kainan.

Source: AsiaOne, Disabled World, Kid’s Health

Photo: Freepik

Basahin: 4 mga pagkaing pambata na may mga ingredients na masama para sa kalusugan