X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

4 mga pagkaing pambata na may mga ingredients na masama para sa kalusugan

5 min read

May mga pagkain na pang merienda na sadyang nakakahikayat para sa mga bata na kainin. At siyempre, bilang mga magulang nais natin ibigay ang mga nakakahiligan ng ating mga anak, lalo pa’t pagkain naman ito. Ngunit paano kung ang mga pagkain na ito ay mga pagkain na nakaka cancer?

Sa isang ulat ng Science in the Public Interest (CSPI), inalarma nila ang publiko na may mga ingredients sa mga pagakaing paborito ng mga bata na mayroong mga food dye na hindi maganda para sa kalusugan.

Ayon sa mga pag-aaral sa nakaraang 40 na taon, nagiging sanhi daw ang food dyes at iba pang ingredients ng pag-iiba ng ugali ng mga bata. Sumang-ayon naman dito ang U.S. Food and Drug Administration (FDA).

May pag-aaral din na ang refined petroleum na karaniwan ding ginagamit sa mga snack na pambata bilang preservative, flavor at pampatingkad ng kulay. Ito rin daw ay nagdudulot ng mga sumusunod na problema sa kalusugan ng mga bata. Ang Yellow 5 at Red 40 ay gawa mula sa petroleum at itinuturong puwedeng maging sanhi ng mga sumusunod*

  • Hyperactivity sa mga bata
  • Cancer (animal studies)
  • Allergic reactions
  • Pag-ihi sa kama
  • Ear infections
  • Sakit ng ulo
  • ADD/ADHD
  • Chromosomal damage
  • Pagiging bugnutin

Bukod pa ito sa fact na walang nutrisyon ang mga dye na ito at ginagamit lamang pamalit sa tunay na ingredient. Katulad na lang ng Tropicana Twister Cherry Berry Blast (hindi available sa Pilipinas) na walang cherries o berries sa ingredients. Mukha lamang itong fruit juice dahil sa Red 40 dye.

Kaya naman sinimulan nang ipagbawal ang pag-gamit ng artipisyal na mga kemikal na ito sa mga pagkain sa buong Europe. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa ito striktong naipapatupad sa maraming bansa at nakakalusot pa rin ang mga ingredients na ito sa pagkaing pambata.

Narito ang limang popular na pagkaing pambata** na dapat daw iwasang ibigay nang maramihan sa mga bata:

1. M & Ms*

m and ms sg

Ang listahan ng ingredients ng M&Ms na binili sa Singapore.

Ang popular na tsokolate na ito ay karaniwang gumagamit ng mga food dyes na Red 40, Yellow 5, at Blue 2, na kilalang nagiging sanhi ng tumor sa utak at bladder ayon sa CSPI.

Ayon pa sa ulat ng CSPI, sa mga animal testing na ginawa, hindi “safe” na gaitin ang Blue 2 dahil sa pagiging sanhi ng mga tumor sa utak dahil dito.

Ang Yellow 5 naman daw ay nakontamina ng ilang cancer-causing na kemikal, dagdag ng CSPI. Nagiging trigger din daw ito ng hypersensitivity sa ilang mga tao at hyperactivity naman at ibang problema sa pag-uugali ng ilang mga bata.

Mayroon din daw ganitong katangian na maaaring maging sanhi ng hypersensitivity ang Blue 1 na isa ring ingredient ng tsokolate na ito.

*Noong February 2016, naglabas ang Mars Inc, ang manufacturer ng M & Ms, ng announcement na tatanggalin na nila ang artificial colors sa kanilang mga pagkain, kabilang na ang M &Ms, sa loob ng limang taon. Basahin ang buong istorya dito.

2. Fruit Loops

fruit loops sg

Sa kaliwa ang Fruit Loops na binili sa Singapore. Sa kanan ang Fruit Loops galing sa US.

Ayon sa CSPI, ang US versionng popular na cereals ay mayroong mga food dyes na Red 40, Blue 1, at Yellow 6.

Nakasaad na sa itaas ang posibleng epekto ng Red 40 sa katawan. Ang Yellow 6 naman ay “maaaring nakontamina ng mga cancer-causing chemicals at minsan ay nagiging sanhi ng lubos na hypersensitivity.”

3. Fanta Orange

orange fanta sg

Ang Fanta na ito ay nabili sa Singapore. Hindi nakasaad kung anong “colorings” ang ginamit, ngunit sa website mismo ng Coca-Cola, kumpanya na gumagawa ng Fanta, nakalagay sa ingredients na mayroon itong Red 40 at Yellow 6.

Dalawa sa ingredients ng popular na inumin na ito ay ang Yello 6 and Red 40 dyes na nabanggit na sa itaas.

4. Skittles Original

skittles sg

Sa kaliwa ang Skittles na nabili sa Singapore. Sa kanan ang Skittles galing sa Amerika.

Mayroon namang mga food dye na Red 40, Yellow 5, Yellow 6, Blue 2, at Blue 1 ang matamis na candy na ito, ayon sa CSPI.

Narito ang buong listahan

Paalala sa mga magulang: Nilabas ang listahan na ito noong 2016. Maaaring may mga iba rito, katulad ng McDonald’s Strawberry Sundae, na binago na ang ingredients ng mga produkto. Usisain mabuti ang product label ng mga binibili upang makita kung may food dye na nabanggit sa itaas na kasama sa ingredients.

Kung nakakaramdam ng kung ano man dahil sa pagkain ng mga nasa listahan, kumonsulta sa duktor.

table

table2

Reference: Center for Science in the Public Interest

Basahin ang link na ito para malaman ang masasamang epekto ng food dyes sa katawan. Ang artikulo na ito ay base sa ulat ng CSPI, walang additional sources o interviews na naisagawa para sa artikulo na ito. Gayunpaman, pinapaalalahanan ang mga magulang na ugaliing tignan ang label ng mga pagkain at i-research ang mga ingredients na nilalaman nito.

Partner Stories
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nalika Unantenne

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • 4 mga pagkaing pambata na may mga ingredients na masama para sa kalusugan
Share:
  • Three-year old diagnosed with breast cancer

    Three-year old diagnosed with breast cancer

  • 10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer

    10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Three-year old diagnosed with breast cancer

    Three-year old diagnosed with breast cancer

  • 10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer

    10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.