Moms, paano at kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down? May tamang tamang panahon nga ba ng pag-aasawa na dapat sundin?
Mababasa sa artikulong ito:
- Timeline ng pag-aasawa
- Kuwento ng TAP Parents tungkol sa tamang panahon ng pag-aasawa
Settling down in relationship: Is planning really important or it comes naturally?
Pagkatapos mag-aral sa edad na 22, kailangang magtrabaho agad at maka-ipon. Pagtungtong naman sa edad na 25, kailangan ay makahanap ka na ng katuwang sa buhay at bago dapat maging 30 years old, ikaw ay may asawa o anak na. Hindi man natin aminin pero ito ang siusunod na timeline ng mga Pilipino sa pag-aasawa. Ang tanong, kailangan nga bang sundin ito?
BASAHIN:
7 marriage mistakes kaya nanganganib na hindi magtagal ang relasyon
REAL STORIES: It took us 12 years bago kami nag-decide na magpakasal
TAPMoms sa kanilang younger self: “Sana pala in-enjoy mo muna ang buhay mo ‘nung dalaga ka pa.”
Mula sa getting to know each other stage, papunta sa dating stage, isang malaking desisyon ang makaabot sa huling stage—ang mag settle down. Ang desisyon mo rito ay nakadepende sa susunod na kabanata ng iyong buhay, ito ay ang pagkakaroon ng pamilya.
Gaya ng nabanggit na timeline sa itaas, hindi mo naman kailangang sundin ito dahil lahat tayo ay iba-iba ang takbo ng buhay. Kung ikaw ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho, ‘wag madaliin at i-pressure ang sarili! May tamang panahon para rito. Kailan? Ating alamin ang kuwento ng ating TAP moms pagdating sa usaping ito.
You can feel it naturally..
Isang TAP mom ang nagsabing pinagdasal niya raw talaga ang malaking desisyon na ito. Matapos ma-engaged ng limang taon, saka niya naramdamang handa na siya.
“Actually, I prayed for it, na-realize ko na lang na I am ready to settle down. Me and my partner were engaged 5 years ago. Dati, parang wala lang sa akin whenever he talks about marriage. Pero ngayon, we planned for it and I can say that I am physically and mentally ready to settle down dahil nakakasiguro na ako sa magiging partner ko habangbuhay.”
Ganito rin ang kuwento ng isang TAP mom tungkol dito, dati raw ay alam niyang hindi pa siya handa na magkaroon ng asawa at anak. Ngunit nang dumating ang hubby niya ngayon, lahat ng negatibong pananaw at napalitan ng pagiging positibo niya.
“Basta naramdaman ko lang na gusto kong makasama ang taong ito ng habang buhay. Before dumating ang hubby ko, wala na sa isip ko ang mag-asawa pa. Gusto ko na lang magtrabaho hanggang sa tumanda ako pero ‘yun nga nagbago lahat ng pananaw ko sa buhay nung dumating sya. Dumating din sa point na ayoko na din magkaroon ng anak pero iba pala kapag ‘yong taong para sayo e kasama mo na. Lahat ng negative biglang naging positive .”
Patience is a virtue
Kakaiba naman ang kuwento ng TAP mom na ito! Taong 2013 nang makilala niya ang kaniyang asawa ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. “You’ll never know when. but you will feel it when the time is right. samin ni hubby, we’ve in relationship way back 2013 but then it ended soon. but that time, I said to myself na if our relationship will last sya na talaga kaso our relationship was put into trial. halos lahat naman ganun nangyari, mag hihiwalay.”
Ang guess what, after 6 years na walang communication, nagkabalikan din sila at ngayon nga ay may anak na!
“Then I never thought of magkakabalikan kami after 6 years of no communication at all. I prayed to God and we even talked about it over and over. Tapos ayun after 2 years in relationship, we got married and had a baby.”
Sometimes, you really need to plan it
Sobrang importante ang pagkakaroon ng sapat na ipon bago mag settle down. Bago pumunta sa stage ng pag-aasawa, ito ang inisip ng isang TAP mom kasama ang kaniyang partner.
“I know na ready na ako ‘nung time na nakita kong may enough savings na kami ng partner ko, alam kong kaya na namin at stable na rin ang parents ko. Until now, no regrets sa naging decision ko, kasi happily married kami for almost 6 years now at may cute baby boy na rin kami.”
Walang masama sa pagpaplano dahil isa itong senyales na nirerespeto mo ang inyong oras at iniintindi ang magiging future.
Planning Stage + Natural Feelings= You’re ready!
Mahirap din namang pumasok sa isang desisyon na walang kang matibay na pananaw at plano. Hindi lahat ng bagay ay kailangan sundin ang iyong “pakiramdam” dahil kailangan mong magkaroon din ng plano bago gumawa ng isang malaking desisyon. Gaya na lamang ng TAP mom na ito.
“Mag bf gf kami for 6yrs bago kasal, 3yrs na kami ngayon. Before wedding nag-uusap naman kami about future nag-iipon din kami, bumili kami ng bahay before wedding.”
Dagdag pa niya, mahigpit ang kanilang mga magulang noong magkasintahan pa lang sila at bawal ang mag-overnight magkasama.
“I realized na its time to settle down kasi my parents were strict so as bfgf ‘di kami pwede magsama overnight or magbakasyon na solo kami. Kaya gusto ko n tlaga ikasal nun para makasama ko na sya everyday all day. We were 27 y.o ‘nun so nasa edad natin, stable ang career and financial namin.”
Choose both!