Bibigyan ka ng 1 minute para kausapin o bigyan ng sulat ang iyong younger self. Ano ang gusto mong sabihin sa kaniya?
Mababasa sa artikulong ito:
- Dear younger self letter
- 11 inspiring messages ng TAP moms sa kanilang younger self
1 new letter: Dear younger self..
Totoo nga ang kasabihan ng mga matatanda na ibang yugto na ng buhay kapag pinasok mo na ang mundo ng pagkakaroon ng pamilya. Ito na ang mga oras na hindi kana magdedesisyon para sa sarili mo. Kailangan mo na ring isama sa desisyon mo ang iyong asawa at anak.
Nabubuhay kana hindi para sa sarili mo lang.
Dear younger self letter | Image from iStock
Masaya at kakaibang ligaya ang pagkakaroon ng pamilya pero sumagi na ba sa isip mo ang iyong dalaga days? Ito ang mga panahong nag-aaral ka pa lang, nagliligawan pa kayo ni mister, at palagi kang laman ng sinehan para manood ng inaabangan mong pelikula.
“Ang bilis ng panahon..” maaaring ito ang lagi mong bungad kapag naiisip mo ang dati mong buhay bago ka magkapamilya.
Nami-miss mo ba kahit papaano ang iyong younger self?
Nagtanong kami sa theAsianparent Community tungkol sa kung ano ang gustong sabihin ng ating TAP moms sa kanilang younger self, ating basahin ang kanilang mensahe.
BASAHIN:
I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga
3rd chances sa relationship: “Once is enough, two is too much, and three? Abuse.”
“We say sorry to each other.” 6 paraan kung paano magkaayos pagkatapos mag-away
11 inspiring messages ng TAP moms sa kanilang younger self
Dear younger self,
Madami akong gustong sabihin sa’yo. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero sana makinig ka..
1. Focus on the present. Baka may mga na ne-neglect kang memories and experiences sa present kaka-worry ng future na hindi mo pa nakikita.
Bata ka pa, isang beses mo lang ito mararanasan kaya naman live your life to the fullest. Mabuting isipin mo ang iyong future at planuhin ito ng maigi pero ‘wag mong hahayaang maapektuhan ng future mo ang iyong present life. Bawat segundo, minuto, at oras ng iyong buhay ay mahalaga.
2. In making decisions, sana unahin mo kung anong nagpapasaya sa ‘yo.
Always choose your happiness. ‘Wag maging sadista sa iyong sarili. Mahirap malagay sa isang sitwasyon na hindi ka komportable at hindi ka masaya sa iyong ginagawa. ‘Wag mong saktan ang iyong sarili. Piliin mo ang sarili mo.
3. ‘Wag ka munang ma-inlove at ‘wag magpadalos-dalos sa mga desisyon na alam mong labag sa kalooban mo. Prioritize your studies, ang lalaki andyan lang.
Bago magdesisyon, isipin ito ng mabuti at ang mga maaaring mangyari. Nasa tama ba ako? Ito ba ang tama? Masaya ba ako sa desisyong ito? ‘Wag itong sayangin at matutong i-appreciate ang mga oportunidad o kakayahan na mayroon ka sa mga bagay.
Dear younger self letter | Image from Unsplash
4. Give your self time to explore, to live and to love and to give more.
Madami ka pang oras. Gawin mo ang mga bagay na interesado ka o nais mong pasukin pero siyempre, kailangan may limitasyon pa rin. Mag-enjoy at maging masaya nang walang tinatapakan na tao. ‘Wag kalimutang mahalin ang mga taong nakapaligid at mismong sarili mo!
5. Work hard don’t get distracted. Just focus on the goal, 10 years from now you will look back and thank yourself from working so hard today.
Kapag may tiyaga, may nilaga. ‘Wag magmadali, gaya ng lagi kong sinasabi, i-enjoy ang present life hanggang may pagkakataon ka pa. Kung may gusto kang isang bagay, planuhin ito at mag-focus lang sa goal.
6. You’re doing well. You are enough and worth it. Obey your parents. Don’t pressure yourself with others success. Save money.
Simple lang naman ang mga advice na sasabihin ko. Maging mabuting kaibigan, mamamayan, anak, at tao ka lang. Sundin ang payo ng magulang dahil nariyan sila para gabayan ka at busugin ka ng pangaral sa buhay. ‘Wag din kakalimutang mag-ipon! Mahalaga ito dahil mas mabuting may mahuhugot kang pera sa panahon na nangangailangan ka.
7. Don’t be afraid to make mistakes, instead own it and learn from it.
Younger self, kung hindi ka nagkamali, hindi ako magiging mas malakas ngayon. Stop being so hard on yourself, nagkakamali tayong lahat. Ang kailangan mo lang gawin ay tumayo at matuto sa nangyari. Gawin itong motibasyon na pa-unladin pa ang sarili.
Dear younger self letter | Image from iStock
8. Enjoy living while you’re young. Live on your own terms and pace.
Kung may oras kang mag-travel, manood ng sine, makipag-bonding sa mga kaibigan, mag-aral ng instrumento, at kumain ng paboritong pagkain, gawin mo lang! I-enjoy ang bawat minuto ng iyong pagkabata. Gawin ang mga bagay na gusto ngunit ‘wag kakalimutan ang payo o gabay ng mga magulang.
9. You are enough.
Younger self, mahalaga at sapat ka. Nagkakamali ka pero hindi ka masamang tao. ‘Wag papanghinaan ng loob kung sakaling hindi umaayon ang panahon sa’yo ngayon. Tatagan mo ang sarili mo at ‘wag magpapadala sa pagsubok.
10. Sana pala in-enjoy mo muna ang buhay mo ‘nung dalaga ka pa. Sana hindi mo kinareer pagiging ulirang bread winner ng mga nakatatanda mong kapatid.
Choice ng bawat isa ang tumulong sa pamilya pero ‘wag mong hayaan na maiwanan mo mismo ang sarili mo dahil inuuna mo ang ibang tao. Mabuti ang tumulong pero hindi ang pabayaan ang sarili.
11. Please love yourself first, ‘wag magmadali sa buhay at maging mapusok.
Mahalin ang sarili dahil ikaw lang mismo ang tutulong sa’yo pagkatapos ng mahabang araw. Sa bawat desisyon na mararanasan, ‘wag magpadalos-dalos. Isip at puso ang pairalin. ‘Wag magbitaw ng salita at desisyon kapag galit o malungkot.
Ikaw mommy, ano ang gusto mong sabihin sa iyong younger self?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!