TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga

4 min read
I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga

Pero at the end of the day, sa baby ko pa rin ako tatabi para mawala lahat ng pagod at problema ko. | Lead image from Freepik

Epekto ng pagiging exhausted mom

Sa pagpasok ng isang nanay sa ‘motherhood’, nakasalalay na rito ang kaniyang buong buhay. Kumbaga, panibagong yugto na naman ito ng kaniyang journey but this time, as a mommy na.

exhausted-mom

Effects of an exhausted mom: I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga | Image from Freepik

Masasabi nating matapang ang isang nanay dahil matyaga nilang ginagawa araw-araw ang mabibigat na gawain na sila lamang ang nakakagawa. Katulad ng paglalaba, paglilinis ng bahay, pagluluto at pag-aalaga ng mga anak. Minsan pa nga ay napag sasabay-sabay niya ito!

Ngunit ang isang supermom katulad mo ay nakakaranas rin ng pagod at lungkot. Oo, masaya maging nanay ngunit maaaring natanong mo na sa iyong sarili kung ano ang feeling nang maging dalaga ulit.

Maituturing na normal sa isang ina ang mag-isip ng ganito. Ngunit karamihan sa kanila ay nahihiya at takot na malaman ng iba.

Ang motherhood ay itinuturing na beautiful battle

Sabi nga ni TAPfluencer Mommy Nicole, para sa kaniya ang ‘motherhood’ is a mix of love and chaos. Ito ay parang pagpasok sa isang battle kung saan nanaisin mong tumira na kahit nakakaranas ng positive at negative vibes. Mahirap ang maging isang ina. Kailangan mong palakihin ang isang bata na maging mabuting tao.

“It is the best gift given to me by God because He entrusted me with raising two of His children. Motherhood is also a challenge, everyday is a surprise. You don’t know what you’re going to face every single day. It’s a perfect mix of love and chaos.”

exhausted-mom

Effects of exhausted mom: I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga | Image from Freepik

Nakakapagod pero alam nating lahat na isang yakap lang ng iyong anak, nawawala na agad ang iyong dala-dalang problema.  Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ng mga mommy kung “Ganito na lang ba ang mararamdaman ko habang buhay?” “Pakiramdam ko, wala akong kwentang ina.”

Nakakaramdam ka ng guilt kapag matutulong ka ng ilang minuto

Bilang isang single mom, doble ang hirap na nararanasan ko dahil wala akong katulong sa pag-alaga ng baby ko. Halos hatiin ko na ang katawan ko sa araw-araw para lang maalagaan si baby. Hindi ako nagrereklamo, napapagod lang talaga ako. Kaya naman may pagkakataon na hindi ko na kaya at mas pinipili kong matulog kahit na alam kong kailangan ako ng baby ko.

Nakakaramdama ako ng pagka guilty. Pero anong magagawa ko? Hindi ko talaga kaya. At minsan ay naiisip ko na lang ang buhay ko ‘nung dalaga pa ako.

Pero at the end of the day, sa baby ko pa rin ako tatabi para mawala lahat ng pagod at problema ko. Totoo ang kasabihan na mapapagod ako, pero hindi ako susuko. Gamot sa lahat ng stress ang presensya ng anak ko.

exhausted-mom

Effects of an exhausted mom: I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga | Image from Freepik

Kahit gaano mo pa kamahal ang iyong anak, pakiramdam mo minsan ay isa kang servant

Para sa mga first time moms, nahihirapan sila sa pang araw-araw na pag aasikaso sa kanilang anak. Nasa oras pa rin kasi sila ng adjustment bilang isang ‘nanay’ na maraming responsibilidad. Kung tatanungin mo ang mga nanay na ito, maaaring maging sagot nila sa’yo ay “Hindi ko alam kung anong nangyari sa araw ko. Basta ang alam ko, pagod ako.”

Pagduda sa sarili bilang isang mabuting ina

Maraming ina ang nakakaranas ng ganitong pangyayari. Iniisip nila na hindi sila bagay na maging nanay dahil nakikita nilang may mas magaling pa para sa kanila. Kaya naman nagkakaroon ng katanungan sa kanilang sarili na ‘Bakit ba ako naging nanay ng anak ko? Hindi ako magaling!’

Tandaan lang natin na ang pagiging isang ina ay hindi kompetisyon. Ang dapat nating iniisip ay ang pagpapalaki natin sa ating mga anak.

 

Source:

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Ideas

BASAHIN:

TAPfluencer Spotlight: Mommy Practicality says ‘Motherhood is putting your kids first before yourself‘

Masakit magsalita? 10 bagay na hindi dapat sinasabi ng mag-asawa sa isa’t-isa

TAPfluencer Spotlight: Mommy Diaries PH says ‘We discipline with intention.’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko