Para kay TAPfluencer Mommy Louise o mas kilala natin bilang Mommy Practicality, naniniwala siyang ang ‘Motherhood’ ay magtuturo sa atin kung paano mahalin ang ating mga anak bago ang sarili. Ang pagmamahal sa ating mga anak ay isang mahalagang parte ng pagiging isang ‘Ina’.
Meet Mommy Louise of Mommy Practicality
Mommy Louise is a 41-year-old supermom behind Mommy Practicality. Bata pa lamang ay hilig na ni Mommy Louise ang pagsusulat. Ito ang kanyang way para maibahagi ang kaniyang personal experiences o life events sa kanyang buhay.
Image from Mommy Practicality Instagram
Taong 2012, dito siya officially na nagbukas ng kanyang blog na tumatalakay sa kanyang pagiging ‘Mom’. Nagbahagi siya ng kanyang kwentong Mommy hanggang sa ito ay lumago. Nagsimula nang lapitan siya ng mga brands at binibigyan ng invitation sa iba’t-ibang events.
“Blogging was a hobby, a passion I took by heart seriously because it makes me happy. I really never see myself as “big” in this industry, I just do what I do because I love it and it makes me happy.”
Talented rin si Mommy Louise dahil nakasama na rin sa mga digital commercials, radio at TV shows!
What is ‘motherhood’ for Mommy Louise?
Mommy Practicality is a mom of three loving boys. Nagsimula siyang magtrabaho sa isang corporate company. Ngunit mas pinili niyang iwanan ito para maka-discover ng panibagong work na at the same time, hindi niya mapapabayaan ang communication sa kanyang mga anak.
Image from Mommy Practicality Instagram
Nang tanungin kung ano ang parenting style ni Mommy Louise at ng kanyang hubby na si Daddy Macky, ibinahagi nito na siya ay mayroong ‘Authoritative Parenting style’. Mayroon silang specific rules sa loob ng bahay ngunit hindi nito napipigilan ang positive at loving relationship ng kanyang pamilya.
“Motherhood is giving a huge part of yourself you never thought you could before you had your kids. Motherhood is having the ability to multiply yourself to ensure your availability for and presence in your children’s lives. And motherhood is putting your kids first before yourself. Motherhood is having an endless well of love for your children.”
Para sa kanya, ang pagiging isang ‘Nanay’ ay magtuturo sa iyo na mahalin ang iyong mga anak muna bago ang iyong sarili.
Kahit na isang supermom si Mommy Louise, may pagkakataon pa rin na natatanong niya ang kaniyang sarili kung siya ba ay isang ‘mabuting ina’. Pero matibay ang kapagyarihan ng kayang pagdadasal at pagmamahal ng kanyang mga anak para maipakitang siya ay ‘worth it’.
Kumukuha rin siya ng lakas at passion sa kaniyang mga anak.
Image from Mommy Practicality Instagram
Para kay Mommy Practicality, ang mahirap na parte ng pagiging isang ina ngunit gustong-gusto niyang ginagawa ay ang ipakita kung ano ang totoong depinisyon ng isang ‘ina’ na hahanapin nila sa kanilang magiging asawa.
“Hardest part of being a mom for me is making sure my boys see a good model in me that they will look for in their future wives. It’s not possible at all if without God’s abundant grace and guidance.”
Bilang isang hands-on mom, importante ang kanilang quality time kasama ang kanyang pamilya. Hindi nila pinaplano ito ngunit para s kaniya ang simpleng pagluluto ni Daddy Macky, weeknights o panononood ng movie ay maituturing nang ‘bonding’ para sa kanila.
What’s your mantra in life and how do you apply it as a supermom?
Para kay Mommy Louise, ang lagi niyang isinasaisip at isinasapuso ay ang pagiging mabait o mabuti sa kaniyang kapwa. Bahagi rin ng pagtanda ang pagpatawad sa iba lalo na sa sarili.
“My mantra is to be always kind to myself and to others, to go an extra mile, but to be forgiving to myself and others, to always manifest love, and that my kids see God’s love and mercy through me – my actions, my words.”
Laging tatandaan na laging pairalin ang pagmamahal sa lahat.
BASAHIN:
TAPfluencer Spotlight: Mommy Diaries PH says ‘We discipline with intention.’
TAPfluencer Spotlight: Mommy Kal says ‘Getting those types of smiles and hugs make every struggle worth.’