Narito ang mga karaniwang pagkakamali ng mag-asawa kaya hindi nagtatagal ang pagsasama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga pangkaraniwang pagkakamali ng mag-asawa kaya hindi nagtatagal ang kanilang relasyon.
- Tips kung paano patatagalin at patitibayin ang pagsasama.
Mga karaniwang pagkakamali ng mag-asawa
Ayon sa psychologist at book author na si Dr. Reid Daitzman, sa pagtagal ng panahon ang pagtingin ng mag-asawa sa isa’t isa mula sa physical ay nagiging psychological na.
Ibig sabihin hindi na lang basta sa itsura tumitingin ang mag-asawa, nagiging malaking factor ang ugali ng isa’t isa. Sapagkat sa katagalan itinuring ng mag-asawa na kaibigan o companion sa buhay ang bawat isa.
Pero mangyayari lang ito kung maiiwasan nila ang mga karaniwang pagkakamali ng mag-asawa na maaaring makasira sa pagsasama. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pag-iwas sa pagtatalo o pag-uusap kung may hindi pagkakaintindihan.
Heart photo created by rawpixel.com – www.freepik.com
Ikaw ba iyong tipo na mas gustong magpalipas ng oras sa labas kasama ang mga kaibigan mo kung may problema kayong mag-asawa?
O iyong tipo na kapag nagsasalita na ang iyong asawa ay tatalikuran mo nalang at sasabihing pagod ka at walang oras makipagtalo sa kaniya?
Bagama’t paraan ito para umiwas sa gulo, sa katagalan ay hindi ito makakabuti sa relasyon. Sapagkat kung ganito ang ginagawa ninyong mag-asawa, ang pag-iwas sa problema ay hindi ito makakatulong sa inyong dalawa.
Kaya naman ang ending ay hindi ito matatapos at magpapabalik-balik na lang kayo ulit sa problema na iyon, na maaaring mas lumalim o lumala.
Imbis na umiwas ay mabuting intindihin ang feelings o opinion ng bawat isa. Saka kayo gumawa ng desisyon o kasunduan na magiging fair sa bawat isa.
2. Pagtataas ng boses o pagsigaw sa iyong asawa.
Para mas malinaw na masabi ang iyong naiisip o nararamdaman, dapat ay manatiling kalmado sa lahat ng oras. Huwag na huwag magtataas ng boses sa iyong asawa kahit na mahalaga pa ang iyong gustong sabihin sa kaniya.
Sapagkat ang pagtataas ng boses ay palatandaan na nawawala na ang respeto mo sa kaniya. O kaya naman ay ipinapahiwatig mo na hindi mahalaga para sayo ang sasabihin o nararamdaman niya.
Tandaan, hindi lang basta pagmamahal ang kailangan sa isang relasyon. Dapat ay mayroon din kayong respeto sa isa’t isa lalong lalo na sa mga paniniwala ninyo at nararamdaman.
3. Pagtatanim ng galit o sama ng loob sa isa’t isa.
Ang pagtatanim ng sama ng loob sa iyong asawa ay hindi lang nakakasama sa mental mong kalusugan. Ito ay may negatibong epekto rin sa inyong pagsasama.
Kaya naman sa isang relasyon ay napaka-halaga ng pag-uusap. At higit sa lahat ang pagiging honest sa nararamdaman at naiisip mo tungkol sa iyong asawa. Ito ay para hindi ito maipon o maging mabigat sa iyong pakiramdam.
4. Pag-uungkat sa mga nakalipas ninyong pag-aaway o hindi pagkakaintindihan.
Woman photo created by freepik – www.freepik.com
Sa oras na mapag-usapan o ma-settle ninyo ng mag-asawa ang problema ay mabuting kalimutan na ito. O kaya naman ay ituring na isang aral na dapat ay iwasan ng mangyari pa ulit sa inyong relasyon.
Huwag na huwag itong gamiting bala o panunumbat sa asawa mo sa oras na magkaroon ulit kayo ng hindi pagkakaintindihan. Tulad nalang ng pambabae niya noon.
Kung gagawin mo ito, isa lang ang ipinapahiwatig mo. Ito ay kahit ano pang gawin niya, hindi mo na siya mapapatawad sa kaniyang nagawa. Ito ay hindi healthy o maganda sa inyong pagsasama.
5. Nawawalan ka ng ganang pagsilbihan o bigyan ng pansin ang iyong mag-asawa.
Kahit ilang taon na kayong nagsasama ay dapat isipin ninyong bago parin kayong mag-asawa. Panatilihin o gawin pa rin ang mga dati ninyong ginagawa.
Pagsilbihan pa rin ang iyong asawa. Iparamdam sa kaniya na siya parin ay espesyal. Paghandaan siya ng pagkain. Plantsahin ang kaniyang damit.
Kumustahin siya sa kung paano ang naging araw niya. Lumabas kayo na para paring mag-nobyo at nobya. Higit sa lahat, yakapin, halikan at sabihan pa rin siya ng mahal kita.
Sa ganitong paraan ay mananatili ang excitement sa inyong relasyon. Maipaparamdam ninyo sa isa’t-isa ang pagmamahal ninyo at walang nagbago dito lumipas man ang panahon.
BASAHIN:
Hindi namamansin at kumikibo kapag galit? Mas nakakasama raw ito sa isang relasyon, ayon sa study
5 warning signs na napapagod ka na sa relasyon ninyong mag-asawa
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
6. Mas gusto mong humarap sa iyong cellphone o gadget kaysa kausapin ang iyong asawa.
People photo created by our-team – www.freepik.com
Oo nga’t very entertaining ang nagagawa ng technology sa ngayon. Napakasarap ring makipagkamustahan sa mga kaibigan o pamilya mo na nasa malayong lugar at nakontak mo lang muli sa tulong ng social media.
Pero dapat kapag kaharap na ang iyong asawa ay siya na muna ang unahin mo. Makipag-usap sa iyong asawa. O kaya naman ay gumawa ng isang activity na kasama siya.
Mag-bonding kayo at maglaan ng quality time sa isa’t-isa. Dahil kung mas pipiliin mong humarap sa iyong cellphone ay parang sinabi mong mas mahalaga ito kaysa sa kaniya.
7. Nakakalimutan ninyo ng magbiro sa isa’t isa dahil pakiramdam mo lahat sa inyong pamilya ngayon ay sineseryoso na.
Hindi porket may pamilya na kayo dapat ay lagi nalang seryoso. Huwag paring kalimutang biruin at makipagtawanan sa iyong asawa. Dahil ang humor ay isa sa mga sikretong ng masayang pagsasama.
May mga oras na dapat mag-seryoso, pero may mga oras din dapat na makipagtawanan ka sa iyong asawa at mag-spend ng quality time sa kaniya. Kilitiin siya, lambingin at huwag kalimutang iparamdam ang pagmamahal mo sa kaniya.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!