Hindi namamansin kapag galit? Ayon sa isang pag-aaral mas nakakasama ito sa relasyon kaysa sa pagtatalo o pagbabangayan. Narito ang paliwanag kung bakit.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit nakakasama sa relasyon ang hindi namamansin kapag galit?
- Paano makikipag-usap sa iyong asawa kung may hindi pagkakaintindihan?
Bakit nakakasama sa relasyon ang hindi namamansin kapag galit
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Ikaw ba iyong tipong mas pinipili nalang manahimik kapag may hindi kayo pagkakaintindihan ni mister? O kaya naman imbis na bulyawan siya sa pag-uwi niya ng late na ay hindi mo nalang siya kikibuin o isasailalim sa silent treatment?
Oo nga’t ang gusto mo lang ay umiwas sa maingay na pag-aaway o pagtatalo sa pagitan ninyong dalawa, pero ayon sa isang pag-aaral mas nakakasama ito sa pagsasama.
Ito ay kung ikukumpara sa pakikipagtalo o sagutan kay mister sa gitna ng inyong hindi pagkakaintindihan. Ang mga paliwanag kung bakit ay ito.
Hindi nito masosolusyonan ang inyong problema at baka mas lumala pa.
Unang-una, sa hindi pamamansin kapag mayroon kang galit o tampo kay mister ay hindi magbibigay solusyon sa iyong nadarama.
Dahil hangga’t hindi ka nakikipag-usap sa kaniya hindi niya malalaman ang dahilan ng hindi mo pamamansin sa kaniya. Ang resulta hindi mabibigyan ng solusyon ang problema ninyo at ito ay maaaring maulit pa o kaya naman ay mas lumala pa.
Naapektukan nito ang self-esteem ng iyong asawa.
Dahil sa hindi mo pamamansin, ay maiiwang nag-iisip ang iyong asawa kung ano ang kaniyang nagawa. Sisimulan niyang tanungin ang kaniyang sarili, kung may naging pagkukulang ba siya o alin sa mga naging behavior niya ang hindi mo nagustuhan.
Magdudulot iton ng epekto sa kaniyang tiwala at pagpapahalaga sa sarili. Ganoon din sa inyong relasyon na kung saan iisipin niyang maaaring magtapos na dahil hindi mo na siya pinapansin o binibigyang halaga.
Iniisip niyang hindi na siya worthy ng iyong atensyon o siya ay hindi mahalaga sa iyo.
House photo created by wavebreakmedia_micro – www.freepik.com
Dahil sa hindi mo siya pinapansin ay iisipin ng iyong asawa na hindi siya mahalaga. Ganoon din ang inyong pagsasama na kung saan mas titibay kung pag-uusapan ninyo ang bawat problema.
Ang hindi mo pagpansin para sa kaniya’y palatandaan na wala kang pakialam kung mawala man siya. Hindi tulad kapag nagtatalo o nagpapalitan kayo ng mga salita.
Kung saan nalalaman niya ang iyong nararamdaman. At nakikita niya kung gaano ka naapektuhan ng mga mali niyang ginawa na maaring makasama sa inyong pagsasama.
Hindi mo maaaring makontrol ang puwedeng mangyari.
Hindi tulad ng pagtatalo, sa silent treatment ay hindi mo matatantiya kung anong mga sunod na gagawin ng asawa mo. Maaaring akala mo ay ayos pa ang lahat dahil ikaw naman ang galit at sa iyo nakasalalay ang pagtatapos ng pag-aaway ninyo.
Pero ang hindi mo alam dahil sa hindi mo pagpansin sa kaniya ay masyado ng maraming pumasok sa isip ng asawa mo. Isa na nga rito ay ang wala ng halaga sa ‘yo ang nararamdaman niya pati na ang pagsasama ninyo.
Ang ending mas lalala pa ang gusot sa pagitan ninyo at ito ay maaring mauwi na sa tuluyang pagkasira ng inyong relasyon.
BASAHIN:
STUDY: Ito ang top 10 na pinag-aawayan ng mga mag-asawa
Bati na kayo? 10 things na HINDI dapat gawin after niyong mag-away ng asawa mo
7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito
Paano makikipag-usap sa iyong asawa kapag mayroon kayong hindi pagkakaintindihan?
Para maiwasan ito ay mahalagang makipag-usap sa iyong asawa tungkol sa inyong nadarama o dahilan ng inyong hindi pagkakaintindihan. Pero paano ito gagawin, ito ang mga dapat tandaan.
1.Maging direct at open sa iyong asawa tungkol sa iyong nararamdaman.
Sa isang malusog na relasyon hindi dapat nakakabahala o nakakahiya ang pagiging open ninyo sa isa’t isa. Hindi ka dapat magdalawang-isip o mahiya tungkol sa iyong naiisip o nadarama.
Dahil kung talagang mahal ka ng iyong asawa at mahalaga sa inyo ang inyong relasyon, kahit pinakamaliit na dahilan mo para magalit o magtampo ay pakikinggan at pahahalagahan niya.
2. Manatiling kalmado at may respeto sa iyong asawa sa pakikipag-usap sa kaniya.
Kahit na galit o masama ang iyong loob sa iyong asawa ay dapat manatiling kalmado sa pakikipag-usap sa kaniya. Dapat ay iwasan ding magsabi ng masasakit na salita sa kaniya at manatiling may respeto para hindi na mas lumalim ang inyong problema.
3. Pag-usapan ang ugat ng problema.
Photo by taylor hernandez on Unsplash
Tulad ng naunang nabanggit mahalaga na maging open at direkta sa iyong nararamdaman. Huwag ng magpaligoy-ligoy o gumamit ng ibang tao para pagtakpan ang iyong nararamdaman.
Muli. kung talagang mahal ka ng iyong asawa at nais ninyong maayos ang inyong problema pakikinggan ninyo ang isa’t isa, gaano man kaliit o kababaw sa tingin mo ang dahilan.
4. Mag-concentrate sa problemang nais ninyong pag-usapan at huwag ng ibalik pa ang mga dati ninyong naging problema.
Para maayos na masolusyonan ang problema ay mag-concentrate lang sa pinakamahalaga at agad na dapat pag-usapan. Huwag ng isabay ang iba pang problema na alam mong mas magpapalala pa ng gusot sa pagitan ninyong mag-asawa.
Higit sa lahat, huwag ng ungkatin ang mga nakaraan ninyong hindi pagkakaunawaan. Dahil maaaring maibalik nito ang mga sakit o galit na dapat ay matagal ninyo ng na-overcome o nakalimutan.
5. Maging honest at matutong pakinggan din ang nararamdaman ng iyong asawa.
Dapat ding isaisip na ang inyong relasyon ay nakasalalay sa inyong dalawang mag-asawa. Kaya naman dapat ay hindi lang ikaw ang nagsasalita at pinapapakinggan.
Dapat ay hayaan mo rin magsabi ng kaniyang nararamdaman ang iyong asawa at pakinggan siya. At ang pinakamahalaga sa lahat ay dapat maging matapat kayo sa isa’t isa. Wala kayong itatago para mas magkaintindihan kayo at ma-solve ninyo talaga ang ugat ng inyong problema.
Source:
Psychology Today, Medical News Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!