Isang online training workshop ang isinagawa ng Google Philippines na pinamagatang Digidiskarteng Pinay. Sa nasabing workshop ay nagsama-sama ang mga kilalang social media influencer. Kasama nga sa mga na-interview ang couple na sina Tanchellie Lobete at Sarah Garcia na kilala rin sa tawag na Team Tarah.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tanchellie Lobete at Sarah Garcia sa pagharap sa bashers: “Focus on the assignment”
- Team Tarah magkaka-baby na!
Tanchellie Lobete, Sarah Garcia sa pagharap sa bashers: “Focus on the assignment”
Sa naganap na online workshop ng Google Philippines, napag-usapan kung paano hinarap ng YouTube vloggers na sina Tanchellie Lobete at Sarah Garcia ang kanilang mga basher.
Ikinuwento ni Sarah Garcia na nagsimula umano ang vlog ng wife niyang si Tanchellie Lobete noong 2019. Ang unang dahilan kung bakit sinimulan nito ang YouTube channel ay nais lamang ni Tanchellie Lobete na magkaroon ng extra income.
Dahil nga nagsisimula nang mag-boom ang vlogging nang panahon na iyon at nalaman nito na income generating platform na ang YouTube ay naisipan nitong mag-upload na nga ng videos.
Larawan mula sa Instagram account ni Tanchellie Lobete
Single mom si Tanchellie Lobete nang panahon na iyon at kapwa sila flight attendant ni Sarah Garcia. Bukod pa rito ay pinapaaral din ni Tanchellie ang sarili dahil nais nitong maging isang piloto.
Ngayong kilalang vloggers na sila ay nag-resign na umano si Tanchellie Lobete habang si Sarah ay flight attendant pa rin.
Noong una ay buhay ng isang flight attendant ang madalas na content ni Tanchellie Lobete. Ginamit niya ang platform para maka-inspire ng mga aspiring flight attendant. Unti-unting nagkaroon ng viewers at fans si Tanchellie Lobete. Nang maglaon ay dumating daw ang araw na handa na silang sabihin kung ano at sino talaga sila.
Sina Tanchellie at Sarah kasi ay parehong miyembro ng LGBTQ+ community. Na-feature noon sa isang episode ng ‘Maaalala Mo Kaya’ ang love story ng dalawa.
“When we came out, we share the story. ‘Yong brave kami to show the world who we really are. That’s when viewers started relating to us. And eventually, nakagawa kami ng family or community sa YouTube.”
Ayon kay Tanchellie.
Larawan mula sa Instagram account ni Tanchellie Lobete
Buhat ng mag-come out sa publiko bilang myembro ng nasabing komunidad, nagsimula na ring magbago ang content ng mga ito. Mula sa pag-inspire sa mga aspiring flight attendants ay gumawa na sila ng mga family vlog.
“What we really do is just document ourselves. Just being true. Just being real,” ani Tanchellie.
“I believe hindi talaga kami ‘yong nag-establish ng channel naming. It’s them,” dagdag pa ng vlogger.
Kung mayroong mga fan, syempre hindi mawawala sa mga sikat na tao na magkaroon ng basher.
Noong una umano ay na-overwhelm si Tanchellie Lobete dahil palagi niyang sinusubukang i-please ang mga tao.
Eventually ay natutunan niya rin na, “Focus on the assignment. Record yourself doing you. It’s important to leave a mark. Do not live to please people.”
Palagi raw nilang binabalikan kung bakit nila sinimulan ang paggawa ng vlog at mula roon ay magpapatuloy.
“Focus on your purpose and that is to inspire people,” aniya.
Sa mga negatibong komento naman, itinuturing na lang daw nilang positive criticism ang mga ito na makatutulong sa kanilang growth at improvement.
Team Tarah magkaka-baby na!
Noong June 30, 2022 ay ikinasal na nga sa New York ang Team Tarah. Bago inanunsyo ng mga ito ang kasal ay sinusubukan na rin nilang makabuo ng baby sa pamamagitan ng insemination.
Nitong June 18, 2022 nga ay ibinalita ng mga ito sa fans na nakabuo na sila. Ilang ulit umano nilang sinubukan ang home insemination. Kakilala rin nila ang nagdonate ng sperm para makabuo sila ng baby.
Parehong sinubukan nina Sarah at Tanchellie ang home insemination sa isa’t isa hanggang sa makabuo nga si Tanchellie.
Masayang ibinalita rin ito ng vlogger sa kaniyang nanay na naging happy rin sa resulta. Mangiyak-ngiyak na nagyakap pa ang couple dahil magkakaroon na sila ng anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Tanchielle Lobete
Sa vlog na inupload ng mga ito noong June 18 sa kanilang YouTube channel, ibinahagi ni Tanchellie Lobete kung paano nila ginawa ang home insemination.
Sa nabanggit naman na online workshop kung saan na-interview ang dalawa, ipinaalala rin ni Tanchellie na mahalaga ang impact na maiiwan sa mga audience ng mga content na ginagawa.
“Lagi mong iisipin kung ano ‘yong pino-post mo sa social media, sa YouTmube, it is you. Always respect pa rin ‘yong credibility mo,” aniya.
“It’s important na maka-leave ka ng mark o ng impact sa mga tao kaysa ‘yong short term na fame pero ang kapalit noon e ‘yong kredibilidad mo o ‘yong dignity,” pahayag pa niya.
Ang mahalaga rin daw sa content creation ay ang pakikinig sa audience.
“The thing about content creating, at first, you do you. And then next, listen to your community,” dagdag pa ng vlogger.
+Source
Google Philippines, YouTube, Push
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!