Aktres na si Judy Ann Santos nagsalita na tungkol sa dahilan kung bakit natigil ang pag-uupload niya ng new episodes sa kaniyang cooking vlog. Ang dahilan ni Juday ang mataas na presyo ng bilihin. Narito ang paliwanag niya kung bakit.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Bakit walang bagong episode ang Judy Ann Santos cooking vlog
- One important tip sa pagluluto mula kay Judy Ann Santos
Bakit walang bagong episode ang Judy Ann Santos cooking vlog
Hindi man masyadong gumagawa ng pelikula o anumang TV shows, ang aktres na si Judy Ann Santos ay hindi nawala sa paningin ng mga fans niya. Dahil ang aktres naging active sa social media at internet world sa pamamagitan ng kaniyang cooking vlog na Judy Anne’s Kitchen na sa ngayon ay may higit sa 1.6 million subscribers na.
Ang mga episodes ni Judy Ann sa kaniyang vlog ay talaga nga namang na-appreciate ng kaniyan mga manonood. Dahil maliban sa nagbibigay ito ng bagong recipe idea para sa kanila, sila daw ay nakaka-relate sapagkat ang mga ito ay simple at abot-kaya.
“I tried some of your recipes and introduced them to my friends n they love it! Keep cooking coz we really love them. Aside from loving your husband n wife team.”
“I love watching your cooking show, simple and relatable!”
“Always watching all your cooking vlogs. Andami ko natutunan at ginagaya ko mga luto mo.”
Ito ang ilan sa komento sa isa mga episodes ng cooking vlog ni Judy Ann Santos.
Pero ang Judy Ann’s Kitchen, noong January pa ang pinakahuling videos na nagawa. Kaya naman marami sa kaniyang taga-subaybay ang hinahanap na at nag-aabang sa bagong episode ng cooking vlog ni Juday.
Juday saglit na tumigil mag-upload ng episode sa kaniyang cooking vlog dahil sa mataas na presyo ng bilihin
Sa latest episode ng TV show na “Magandang Buhay” ay guest co-host si Judy Ann Santos. Doon niya ipinaliwanag ang saglit niyang pagtigil sa pag-uupload ng bagong episodes sa kaniyang vlog. Ito daw ay hindi dahil sobrang hectic ang schedule niya. Kung hindi dahil sa napakataas na presyo ng bilihin na nakakaapekto sa objective at main goal ng kaniyang vlog.
“Hindi naman sobrang busy pero ang hirap kasi mag-isip ng mga bagong episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napaka-lala. Ayokong hindi maka-relate ‘yong viewers sa kung ano mang lutuing gagawin ko.”
Ito ang bungad ni Juday na nag-iingat rin na baka may feelings umano siyang ma-offend. Lalo na’t dahil sa mataas na presyo ng bilihin ay nagtitipid na ang lahat sa kanilang binibili at kinakain.
“Kasi parang napaka-unfair naman di ba. Ayokong masabihan na luto ka ng luto hindi naman namin magagawa yan. Hindi naman ako pumapatol pero tumatiming lang ako,” sabi pa ni Juday.
Dagdag pa niya, ayaw niya din kasing ma-pressure sa vlog na kaniyang ginagawa. Lalo pa’t ito ay ginagawa niyang outlet o libangan at hindi itinuturing na pagkakakitaan.
“Eventually gagawa rin ako. Gumagawa ako ng episode ng Judy Anne’s Kitchen kapag nabuo ko ‘yong sarili ko. Gusto ko, inspired ako. Kasi outlet ko Judy Anne’s kitchen eh ayoko ko siyang tratuhing trabaho. Kapag tinarato ko na siyang trabaho, mawawala na ‘yong genuine saka authenticity.”
Ito ang paliwanag pa ni Judy Anne Santos.
One important tip sa pagluluto mula kay Judy Ann Santos
Natigil man pansamantala ang cooking vlog ni Judy Ann ay tuloy pa rin naman ang pagluluto nito. Lalo pa’t very hands on siya sa restaurant nila ng mister na si Ryan Agoncillo. Ang pagluluto o pagpe-prepare rin ng pagkain ang isa sa mga bonding moments nila ng mga anak niyang sina Lucho, Luna at Yohan. Ito ay makikita sa mga post ni Judy Ann sa Instagram kung saan kung minsan ay hinihingi niya ang participation ng kaniyang mga anak sa kaniyang ginagawa.
Pero maliban sa new recipes na kaniyang ginagawa, isa pang bagay na love na love ng kaniyang mga followers ay ang mga cooking tips at tricks na ibinabahagi ni Judy Ann. Sa isa sa kaniyang latest interview, ay may isang important tip na ibinahagi si Judy Ann. Ito daw ay napakahalaga sa mga mommy na mahilig magluto.
Dahil hindi lang ito para sa abot kayang pagluluto kung hindi para narin sa safety ng buong pamilya. Ito ay ang pagtsi-check at pagme-maintain umano ng kusina lalo na ang mga equipment na ginagamit dito. Dagdag pa niya ang pag-aalaga daw dito ay dapat tulad ng ginagawa mo sa iyong anak.
“You have to make sure to always check. Regular maintenance or check-up for all your equipment is very, very important because if you miss one, you’ll be surprised how your electricity would rise. Taking care of the kitchen equipment is like taking care of a child.”
Ito ang one important cooking tip mula sa aktres at kilalang chef at restaurateur na si Judy Ann Santos-Agoncillo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!