TAPfluencer Spotlight: Mommy Nicole believes 'motherhood' is a mix of love and chaos

Mahirap bang magpalaki ng dalawang babaeng anak para kay TAPfluencer Mommy Nicole Macasaet? Ayon sa kanya, hindi bahagi ng disiplina ang pamamalo ng anak! | Lead Image from Nicole Macasaet

Para kay TAPfluencer Mommy Nicole Macasaet, ang pagpasok sa ‘Motherhood stage’ ay exciting but at the same time, challenging. Especially that she have two lovely kids!

Meet Mommy Nicole with her two lovely girls!

Nicole Macasaet, 32, is a powerful woman behind Wellness Mom. Kilala rin siya sa pagiging isang hands on mommy blogger. She have two lovely girls named Faye and Thalie, and of course with her hubby Daddy Tet.

Image from Nicole Macasaet

Sa isang exclusive interview namin kay Mommy Nicole, ibinihagi niya kung ano ang naging journey niya sa pagpapalaki ng dalawang babaeng anak. Bata pa lamang daw siya, mahilig na itong mag dress-up, maglagay ng make-up at iba pang girly stuff. Dahil dito, nangarap na rin siyang magkaroon ng babaeng anak.

Mahirap bang magpalaki ng anak na babae?

Kwento pa ni Mommy Nicole, nagkaroon siya ng ‘smooth pregnancy’ kina Thalie at Faye. Alam nating bahagi na ng pregnancy norm ang pagkakaroon ng morning sickness o kaya naman mood swings, thankful si Mommy Nicole dahil hindi niya ito naranasan noon.

Pero katulad ng ibang mom, nakaranas rin siya ng Gestational Diabetes Mellitus noong 8th months pregnant siya kay baby Thalie. Aminado siyang hindi niya nakontrol at natutukan ang diet niya. Dito tumaas ang kanyang sugar at kinailangang mag take ng insulin araw-araw. 

Bukod dito, nahirapan rin si Mommy Nicole sa breastfeeding journey niya sa kanyang panganay na si Faye. Ayon sa kanya, as a first time mom, clueless siya kung paano bigyan ng gatas ang kanyang baby. Kaya naman nag research siya ng iba’t-ibang tips o breastfeeding advice na nakatulong naman sa kaniya.

Image from Nicole Macasaet

Sa usapang tantrums sa kanyang mga anak, aminado siyang ‘terrible stage’ para sa mga mommy once na maranasan mo ito. Lalo na ngayon dahil turning 2 na si baby Thalie at talaga namang challenging part ito para sa kanya.

Ayon kay Mommy Nicole, once na mag-tantrums si baby Thalie, hinahayaan muna niya itong umiyak saglit at saka niya ito kakausapin kung bakit hindi pwede niyang makuha ang isang bagay pero minsan hindi ito effective. And the magic word? Of course, breastfeeding kay baby!

Para kay Mommy Nicole ang pagiging pasaway ng bata ay hindi kailangang maging dahilan kung bakit mo ito pagbubuhatan ng kamay dahil hindi ito parte ng disiplina. Ang pamamalo sa anak ay maaaring maging dahilan ng pagiging bayolente nila paglaki.

“I don’t believe in spanking as a form of discipline because they might mirror this behavior with other children or they might grow up being violent. I am trying to practice positive parenting but there were times that I get to raise my voice when I’m scolding them. And I honestly want to improve on this.”

Image from Nicole Macasaet

Ano ang ‘motherhood’ para kay Mommy Nicole?

Mommy Nicole is a simple loving mom who just want the best for her family. At para sa kaniya, ang pagiging nanay ay isang paraan para magbigay ng love at nurture para sa kanyang pamilya.

“It is the best gift given to me by God because He entrusted me with raising two of His children. Motherhood is also a challenge, everyday is a surprise. You don’t know what you’re going to face every single day. It’s a perfect mix of love and chaos.”

Of course, hindi magiging madali at possible ito, kung wala ang kanyang hubby na si Daddy Tet na todo support sa kanila!

Paano mo nasabing ‘The one’ si Daddy Tet?

Sino ba namang hindi kikiligin at ma-a-amazed sa love story ni Mommy Nicole at Daddy Tet?

Ayon sa kanya, nagsimula silang magdate noong 21 yeas old pa lamang siya. And daddy Tet is actually her very first boyfriend! (Let’s talk about first and last!)

“During our relationship, I can really see how much he takes care of me and how he is going to be a good father to our future family. We also seldom fight, I guess because we treat each other as a best friend. There was a time that he went to Baguio just to pick-up my cat. He braved the 6-8 hour total travel just to give me something I want. He really spoils me in a lot of ways. That’s how caring he is until now. “

Sa panonood rin ng Netflix ang karaniwang bonding nila.

 

Para maging updated sa girls bonding nila Mommy Nicole and her lovely kids, bisitahin lang ang mommynicole.com

 

BASAHIN:

TAP Influencer Feature: Paano nga ba i-balance ni Nanay Isha ang kanyang time sa family at work bilang mom influencer?

Sinulat ni

Mach Marciano