TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pilipinas, pangatlo sa pinakamaraming kaso ng TB sa mundo!

3 min read
Pilipinas, pangatlo sa pinakamaraming kaso ng TB sa mundo!

Alam niyo ba na ang TB sa Pilipinas ay pangatlo sa pinakamaraming kaso sa mundo? Paano ba maiiwasan at magagamot ang sakit na ito?

Noong 2017, 1.3 milyon na tao sa buong mundo ang namatay dahil sa tuberculosis. Bukod dito, alam niyo ba na ang TB sa Pilipinas ay pangwalo sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa? Sa buong mundo, kabilang ang tuberculosis sa top 10 na sanhi ng pagkamatay, kasama na ng 

Ang pagkalat ng tuberculosis ay isang public health crisis. Ibig sabihin, naaapektuhan nito ang malaking bahagi ng populasyon.

Kaya mahalaga sa mga magulang na alamin kung paano maagapan at maiwasan ang nakakahawang sakit na ito.

TB sa Pilipinas, paano masusugpo?

Ang tuberculosis ay isang sakit na dulot ng bacteria na Mycobacterium tuberculosis. Inaatake nito ang lungs ng isang tao, at pagtagal ay posibleng maapektuhan ang ibang bahagi ng katawan. Kung hindi ito agad maagapan ay posible din itong makamatay.

Isa sa pangunahing dahilan kung bakit maraming kaso ng TB sa Pilipinas ay dahil sa dalawang bagay. Una, hindi gaanong kaganda ang access sa healthcare ng bawat Pilipino. Pangalawa, malaki ang populasyon ng bansa, kaya’t madaling kumalat ang TB sa Pilipinas. Lalong-lalo na dahil ang TB ay isang airborne disease, o sakit na kumakalat sa hangin.

Ngunit hindi naman agad-agad na nakakahawa ang TB. Kapag malakas ang immune system ng isang tao, ay kaya niyang sugpuin ang tuberculosis. Pero sa mga bata at matatanda na mahina ang immune system, mabilis kumalat ang TB. Kaya mahalaga na gumawa tayo ng mga hakbang upang masugpo ang pagkalat ng TB.

Mga hakbang upang sugpuin ang TB

TB sa Pilipinas

Mahalaga ang pagpapatingin sa doktor upang masugpo at mapigilan ang pagkalat ng TB.

Ang isa sa pangunahing paraan upang mapigilan ang TB ay ang magpatingin sa doktor o kaya sa health center. Dahil mabilis makahawa ang TB, mabuting malaman mo na agad kung mayroon ka ba nito o hindi.

Kung mayroon kang TB, nirerekomenda ng mga doktor na huwag munang lumabas ng bahay upang hindi kumalat ang sakit. Minsan, mabuti rin kung umiwas muna sa mga bata o ibang mga kamag-anak upang maging sigurado.

Ang TB naman ay nagagamot lalo na kung ito ay matagpuan kaagad. Huwag kalimutang sundin ang payo ng doktor, at uminom ng niresetang gamot upang gumaling kaagad.

Ugaliin ding takpan ang bibig kapag umuubo, maghugas ng kamay, at umiwas sa mataong lugar habang ikaw ay mayroon pang TB.

Para naman sa mga sanggol at mga bata, mahalaga ang BCG vaccine upang makaiwas sa TB. Bukod dito, importante ring panatilihing malakas ang immune system ng pamilya upang malabanan ng katawan ang mga sakit.

Nakamamatay man ang TB sa Pilipinas, posible itong maiwasan at maagapan basta alam niyo kung ano ang dapat gawin.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Your child may have walking pneumonia and you wouldn’t know it

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pilipinas, pangatlo sa pinakamaraming kaso ng TB sa mundo!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko