Mom at preschool teacher na si Iam Serrano nagbigay ng mahalagang tip kung paano matuturuan ang mga bata ng effective communication gamit ang Filipino at English language.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Teacher Iam Serrano sa pagtuturo sa bata ng effective communication.
- Pagtuturo ng English at Filipino language sa mga bata.
Teacher Iam Serrano sa pagtuturo sa bata ng effective communication
Maliban sa pagiging kilalang preschool teacher, si Iam Serrano ay isa ring mom influencer. Matagumpay niyang naibabalanse ang oras niya sa pagiging ina at guro. Pero pagdating umano sa pagiging mommy, si Teacher Iam iniiwasan magpaka-teacher sa mga anak niya. Ito ay ginagawa niya sa pamamagitan ng mas maayos na pakikipag-communicate sa kanila.
“I want to be able to correct her really as a mom, as a nanay. Because I don’t want her to tell me she is always teaching. It’s really about her loving learning in general.”
Ito ang pagbabahagi ni Teacher Iam sa isang panayam tungkol sa pagtuturo at pagiging ina sa anak niya.
Kuwento pa ni Teacher Iam, para mas maturuan ang bata makipag-effectively communicate dapat i-apply ng magulang ang internal reinforcement. At ito ay hindi lang basta pagpuri sa mga good actions ng anak. Kung hindi pagpapaalam o pag-dedescribe sa kanila ng iyong nararamdaman.
“Avoid saying very good in general. We want to describe also the behavior like “I like that you hug me. Very good’. Sometimes, it’s what we call internal reinforcement.
“Being mindful also is to let them repeat the same behavior and letting them know what other people feel.”
Ito ang sabi pa ni Teacher Iam sa panayam.
Larawan mula sa Instagram
Pagtuturo ng English at Filipino language sa mga bata
Sa pagtuturo naman ng English at Filipino language sa mga bata, si Teacher Iam ito ang ilang tips na ibinigay sa mga magulang.
- Gawin ito sa nakakatuwa at madaling maunawaan na paraan sa mga bata. Maaring sa pamamagitan ng kanta, kwento, at mga praktikal na gawain na nakakaengganyo sa mga bata. Sa ganitong paraan, natututo ang mga bata ng wika habang sila’y nag-eenjoy sa proseso.
- Paggamit ng wika hindi lang sa eskwelahan, kung hindi pati narin sa inyong bahay.
- Pagiging matiyaga at mas maunawain sa pagtuturo sa iyong anak.
Larawan mula sa Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!