Kadalasan, kapag ang isang bata ay makulit, ang mga magulang ay agad naghahanap ng paraan pata mabawasan ang kakulitan. Ganunpaman, ayon sa psychologist na si Jeffrey Bernstein, PhD., mahalaga rin na mahaba ang pasensya ng mga magulang. Kapag naubusan ng pasensya, madaling magalit at maaaring makagawa ng pagdidisiplina na hindi makakaganda o makakatulong. Ngunit, paano humaba ang pasensya pagdating sa makulit na bata?
Ayon kay Bernstein, may ilang mga paraan paano humaba ang pasensya sa batang makulit. Alamin natin ang mga ito.
Paano humaba ang pasensiya sa iyong anak? Subukan ang mga tips na ito
Maging aktibong tagapakinig
Kapag ang isang bata ay hindi agad sumusunod o nagiging makulit, hindi makakatulong ang agad na pagsermon. Bago siya pagalitan, makakabuting intindihin muna kung ano ang kanyang nararamdaman. Itanong sa bata sa paraan na hindi siya pinapagalitan kung anong nararamdaman niya. Maaari ring sabihin sa kanya ang mga salitang “Tulungan mo akong intindihin ka.” Hindi man agad magbigay ng bata ang sagot sa iyong katanungan, maganda ang nagiging epekto nito sa pagtagal.
Tandaan din na maaaring ang maliliit na bagay para sa iyo ay napakahalagang bagay para sa iyong anak. Sila parin ay maliliit na tao na may malalaking emosyon.
Intindihin ang nararamdaman ng bata
Isang paraan para hindi agad masigawan o magalit sa bata ay ang pag-intindi sa kanyang nararamdaman. Alamin kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang hindi pagsunod sa mga utos. Maaaring kaya hindi siya naghahanda para pumasok ng paaralan ay dahil mayroon siyang exam na hindi niya napaghandaan nang mabuti. Baka kaya madaling magtantrums ang iyong panganay ay dahil nanghihingi lang siya ng atensyon mula sa inyo. Hindi rin nasisigurado ng pag-intindi sa kanyang nararamdaman ang pagka-inis mo. Ganunpaman, nakakatulong ito para mas humaba ang iyong pasensya.
Kapag alam mo na ang pinagmumulan ng ipinapakitang ugali ng iyong anak, isipin kung ano sa kanyang asal ang nais mong magbago. Matapos ito ay ipaliwanag ito sa iyong anak sa paraan na kanyang mararamdaman. Maaaring ayos lang hindi laging nakaayos ang kanyang kwarto, basta walang pagkain na nakakalat sa mga sulok.
Huwag personalin ang mga pangyayari
Ayon sa manunulat na si Miguel Ruiz, mula sa kanyang libro na The Four Agreements, “Huwag personalin ang kahit anong bagay. Walang ginagawa ang isang tao dahil sa iyo.” Makakatulong na lagi itong tandaan dahil kung iisipin mo, hindi sumusunod sa utos ang bata para atakihin ka. Kahit pa sadya itong hindi sumusunod dahil sa galit niya sayo, ginagawa niya ito dahil sa kanyang personal na pinagdadaanan.
Kadalasan, ang mga magulang ay nagagalit at sumisigaw dahil nakikita nila ang hindi pagsunod ng bata bilang pag-atake sa kanilang awtoridad. Subalit, hindi nila ito ginagawa para sa naiisip mong rason. Kapag naiintindihan na ang tunay na rason sa likod ng ipinapakitang ugali ng anak, maiintindihan na hindi ito ginagawa bilang pag-atake sa iyo. Ang pag-alala nito ay makakatulong upang hindi agad magalit at masigawan ang anak.
Makakabuti ang maipakita sa anak na ikaw ay kalmado at hindi agad nagagalit. Mula dito, matututunan nila kung paano haharapin ang mga conflict na mapagdadaanan nila sa sarili nilang buhay.
Basahin din: 7 tips para mapalaki nang tama ang batang makulit
Source: Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!