Teacher na namalo ng mga mag-aaral, inireklamo ng mga magulang

Nakunan ang video ng isang teacher na namalo at sinigawan ang mga mag-aaral na boy scouts habang sila ay nasa isang camping activity sa paaralan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa panahon ngayon, napatunayan na ng mga eksperto na walang mabuting maidudulot ang pananakit ng mga bata. At kung mga magulang nga ay hindi dapat sinasaktan ang mga anak nila, lalong-lalo na itong hindi dapat gawin ng mga guro. Kaya nang mag-viral ang video ng isang teacher na namalo ng mga mag-aaral, umani ito ng batikos mula sa mga netizen.

Teacher na namalo ng mga mag-aaral, inireklamo ng mga magulang!

Ang insidente raw ay nangyari sa isang camping event ng Cutog Elementary School sa Isabela. Nakaupo ang mga boy scouts sa loob ng isang tent habang sila ay sinisigawan ng guro.

Sa simula ng video ay kitang-kita ang galit ng guro habang sinisigawan ang mga mag-aaral. Ngunit paglaon ay sinaktan at pinalo niya ang ilang mga mag-aaral.

Kitang kita na malakas ang pagkapalo ng guro sa mga estudyante, at takot na takot ang mga bata sa guro. Binatukan pa niya ang ilan sa mga ito.

Pinagalitan daw niya ang mga bata dahil kulang-kulang sila at nawawala ang iba nilang mga kasamahan.

Di umano, buntis daw ang guro na nanakit ng mga estudyante.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panoorin dito ang video:

 

Dahil sa insidente, inilipat ng paaralan ang guro

Matapos mag-viral ang video, nakarating ito sa DepEd. Ayon sa kay Undersecretary Annalyn Sevilla, pumayag daw na ilipat muna ng paaralan ang guro habang iniimbestigahan ang nangyaring insidente.

Ayon sa mga magulang ng mga batang sinaktan ng guro, sana raw ay humingi ng kapatawaran ang teacher na namalo sa kaniyang nagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit hanggang ngayon daw ay nagmamatigas pa ito at ayaw silang harapin at humingi ng dispensa.

Dahil daw sa insidente, ay nakaranas ng matinding trauma ang mga bata. Ang ibang mag-aaral ay nagsabi na gusto na daw nilang lumipat ng paaralan. At isa pang mag-aaral ang hanggang ngayon ay balisa dahil sa nangyari.

Umaasa ang mga magulang na sana ay hindi na ulitin ng guro ang kaniyang ginawang pananakit, at sana ay humingi na ito ng patawad sa ginawang kasalanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hinding-hindi dapat sinasaktan ang mga bata

Kahit kailan ay hindi tama ang manakit ng mga bata. Bilang mga nakatatanda, nasa atin ang responsibilidad na turuan sila ng tama at maging maunawain sa kanilang pag-uugali.

Kapag makulit o hindi masunurin ang mga bata ay hindi sila dapat saktan, bagkus kailangang unawain kung bakit ganoon ang kanilang ugali. Kailangang intindihin ng mga magulang kung bakit ito ginagawa ng mga bata, at maging pasensyoso dapat ang mga magulang.

Tandaan, natututo ang mga bata sa pag-uugali ng kanilang mga magulang. Kaya’t importante na umiwas sa pagsigaw at pananakit sa mga bata dahil matututo sila na gawin ito sa ibang mga tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Turuan ang mga bata na maging mapag-unawa at mapagmahal, at siguradong magiging mas mabuti silang bata paglaki.

 

Sources: Libre, ABS-CBN News

Basahin: Private School Sa Bicol Sinunog Ang Bag Ng Mga Mag-Aaral! 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara