TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Private School Sa Bicol Sinunog Ang Bag Ng Mga Mag-Aaral!

2 min read
Private School Sa Bicol Sinunog Ang Bag Ng Mga Mag-Aaral!

Makikita sa video ang mga sunog na bag ng mga mag-aaral na ayon sa isang private school ay parusa sa paglabag nila sa "no-bag policy" ng paaralan

Isang private school sa Bicol ang kasalukuyang iniimbestigahan. Ito ay matapos kumalat ang isang larawan kung saan makikita ang sunog na bag ng mga mag-aaral. Bukod dito, may kumalat rin ang video ng mismong naganap na pagsunog ng bag.

Ang naturang insidente ay kinagalit ng napakaraming netizen, at kasalukuyang iniimbestigahan ng DepEd.

Sunog na bag, kasalanan nga ba ng mga mag-aaral?

sunog na bag

Source: Facebook.com

Ang insidente ay diumano’y naganap sa Bicol Central Academy, sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa mga kumalat na balita online, ang mga mag-aaral daw ay lumabag sa “no bag” policy ng paaralan. Ito daw ay para sa tinatawag na “Tasumaki Day” kung saan dapat naka-pormal ang mga estudyante at maliliit lang na bag ang pwedeng dalhin.

Ngunit mayroon pa rin daw mga mag-aaral na nagdala ng malalaking bag, na ikinagalit umano ng administrator ng paaralan.

Dahil dito, kinuha raw ang mga bag ng mga mag-aaral, kasama na ang mga laman nito, at sabay-sabay itong sinunog habang sila ay sinisigawan ng administrator. Ito raw ay parusa sa kanilang paglabag sa patakaran ng paaralan.

Maririnig rin sa video na tinawag silang “stupid” dahil raw naiwan ng iba ang kanilang cellphone sa loob ng bag.

Matapos ang pangyayari, ikinalat ni Earl Vincent Cañaveral, na isang alumnus ng paaralan, ang video at mga larawan sa Twitter. Aniya, kaya raw nagdala ng malaking bag ang ilang mag-aaral ay upang makapagpalit ng damit. Ngunit ito raw ay ikinagalit ng administrator.

Heto ang kumalat na video ng insidente:

Moreover, he just not burned the bags of those students but he also called his students stupid. Sir, we had enough. This is not education at all. pic.twitter.com/XqD6vBnfqk

— earl vincent (@Surrearlism) August 17, 2018

Ikinalungkot ng DepEd ang insidente

Dahil sa nangyari, nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang DepEd. Ayon kay education secretary Leonor Briones, papunta raw ang regional director ng Region 5 na si Gilbert Sadsad upang alamin ang tunay na nangyari.

Dagdag rin niya na mayroong polisiya ang DepEd na bawal ang psychological at physical na parusa sa mga mag-aaral dahil ito ay nagdudulot ng trauma.

May posibilidad raw na ipasara ang paaralan o di kaya’y tanggaling ang financial assistance na ibinibigay ng gobyerno sa paaralan.

Sana’y hindi na maulit ang pangyayari at managot kung sino man ang responsable para sa hindi makatarungang parusa na ibinigay ng paaralan sa mga estudyante.

Source: Manila Bulletin

 

Basahin: Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Private School Sa Bicol Sinunog Ang Bag Ng Mga Mag-Aaral!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko