Guro nakatanggap ng saluyot mula sa kaniyang estudyante nitong Teacher’s Day: “The sweetest gift I received”

Ayon sa guro, pinaalala daw kasi ng bouquet ng saluyot na natanggap niya na dapat maging healthy siya. Simple pero makahulugan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinida ng isang guro sa Facebook ang natanggap niyang regalo ngayong Teachers day. Isa dito ay isang bouquet. Hindi ng bulaklak pero ng gulay ng saluyot na ayon sa guro ay ang pinaka-sweet na regalo sa lahat.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • World Teachers Day 2023.
  • Gurong nakatanggap ng bouquet ng saluyot bilang regalo.

World Teachers Day 2023

Larawan mula sa Facebook account ni Teacher Luisa Casuga Conmigo

Maraming guro ang nakatanggap ng iba’t-ibang regalo nitong nagdaang Teachers day. Ito ay bilang pagpapasalamat sa pagtuturo at pag-gabay na ginagawa nila sa mga estudyante na kung saan ang marami ay matagumpay na sa pinili nilang mga propesyon.

Gurong nakatanggap ng bouquet ng saluyot bilang regalo

Isang guro sa Facebook ang ibinida ang mga regalong natanggap niya. Pero ang pinaka-espesyal sa lahat ay hindi bag, chocolates o bouquet ng bulaklak. Ito ay bouquet ng saluyot na ayon kay Maam Luisa Casuga Conmigo ay pinaka-espesyal sa lahat.

“The sweetest gift I received this World Teachers Day 2023 .”

Ito ang caption ng post ng guro na tampok ang larawan niya hawak ang bouquet ng saluyot at katabi ang estudyanteng nagbigay nito na nagngangalang Jerick.

Ikinuwento rin ng guro kung paano binigay ito ni Jerick sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Teacher Luisa Casuga Conmigo

“Ang sabi nya sa akin kaninang umaga na nahihiya pa niyang sabihin sa akin…

Jerick:Teacher , wala po akong maibibigay sa inyo na kahit ano, ala po akong dalang chocolate, o bulaklak o regalo man lang na kahit simple…ang dala ko lang po ay isang tali ng Saluyot.”

Ito daw ang sinabi ni Jerick kay Maam Luisa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Maam Luisa, na-touch sa tinuran ni Jerick at ito ang sinagot niya sa sweet niyang estudyante.

“Teacher Luisa: Alam mo anak Jerick, meron man o wala kayong maibibigay sa akin ngayon Teachers Day. Wala sa akin iyon. Dahil ang gusto ko kasama ko kayong lahat sa araw na ito. Pantay-pantay ang pagtingin ko sa inyong lahat. Actually anak, ito ang nagustuhan ko sa lahat.”

Ito daw ang sagot ni Maam Luisa na lumuluha kay Jerick. Dahil daw sa tinuran ng kaniyang estudyante ay pinaalala nito na kailangang lagi siyang maging healthy. Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal na napaka-espesyal ayon sa guro.

Saludo kami sayo Jerick, ganoon din sayo Maam Luisa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Teacher Luisa Casuga Conmigo