X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”

3 min read
Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”

Hiling pa ng guro, ipinagdadasal niyang mabigyan pa siya ng mas malakas na katawan dahil nais niyang magturo hanggang sa makakaya niya pa.

Narito ang kwento ng isang guro sa kaniyang propesyon at dedikasyon sa pagiging pangalawang ina ng kaniyang mga estudyante.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kwento ng isang guro sa kaniyang propesyon.
  • Most fulfilling part ng pagiging isang guro.
  • Pagmamahal sa propesyon.

Kwento ng isang guro sa kaniyang propesyon

kwento ng isang guro

Larawan mula sa Facebook account ni Wilma-Cabrera Garrote

Sila ang tinatawag nating pangalawang magulang. Dahil maliban sa ating bahay habang lumalaki ang isang bata ay kailangan niyang pumasok sa eskwelahan at doon linangin ang kaniyang kaalaman. Hindi lang sa pagsusulat at pagbabasa kung hindi para narin ihanda siya sa kung anong mundo ang haharapin niya sa oras na siya ay nasa tamang edad na.

Para sa gurong si Wilma-Cabrera Garrote, ito ang tungkulin na mahirap man ay labis niyang ikinasasaya. Dahil sa loob ng pagtuturo niya sa loob ng 32 taon, naging parte na ng buhay niya ang kaniyang mga estudyante. Pati na ang bawat hakbang nila sa tagumpay at pagtupad ng mga pangarap nila na parang sarili niyang anak.

Advertisement

“I am happy handling kids and imparting not just knowledge to them but values that would help them in their day to day living. When I am at home my role is as a mother but when I’m in school I am the second parent of my students. Loving and guiding them as my children.”

Ito ang sabi pa ni Maam Wilma na kasalukuyang nagtuturo sa isang eskwelahan sa Meycauayan, Bulacan.

Most fulfilling part ng pagiging isang guro

kwento ng isang guro

Larawan mula sa Facebook account ni Wilma-Cabrera Garrote

Kung mayroon nga daw fulfilling part ng pagiging isang guro ayon kay Maam Wilma, ito ay ang maalala siya ng kaniyang mga estudyante. Lalo na sa mga panahong naabot na nila ang pinapangarap nila.

“Kapag may natutunan sila sa akin at babalikan ako saying thank you mam at dahil sayo narating ko kung ano meron ako ngayon. At dahil sa pagdidisiplina mo natuto po ako sa inyo.”

Ito ang kwento pa ni Maam Wilma.

Pagmamahal sa propesyon

Marami mang naging challenges sa buhay niya bilang isang guro ay hinding-hindi niya daw pagpapalit ang propesyon. Susubukin rin nito ang iyong pasensya pero tulad ng ginagawa niyang pag-aalaga sa kaniyang 15-taong-gulang na anak, balak niyang magturo hanggang kaya pa ng kaniyang katawan. Kaya naman kung may isang hiling siya, ito ay ang mas maging malakas pa.

“Hanggang kaya ko pa I will teach. I am 54 years old already. But I love teaching mahirap mam pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata. I always ask the Lord to bless me with good health and to stay with me every day. Para magampanan ko ng maayos ang aking pagtuturo at mabigyan pa ako ng lakas at maraming patience.”

Kung may mensahe nga daw na iiwan si Maam Wilma sa kaniyang mga estudyante, ito ay ang parehong mensahe na lagi niya ring sinasabi sa kaniyang anak.

“Sa mga bata and to my daughter, mag-aral kayong mabuti. Education is a lifelong process but this will help your life success. Ito lang ang maipapamana namin mga magulang sa inyo that no one can get from you. Learn and study wisely but enjoy your life too.”

Ito ang sabi pa ni Maam Wilma.

pamilya ng isang guro

Larawan mula sa Facebook account ni Wilma-Cabrera Garrote

Saludo kami sayo Maam Wilma at sa lahat ng guro pa.

Happy National Teachers Month!

 

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Guro na nagtuturo sa loob ng 32 years na: “I love teaching mahirap man pero masaya akong nakakapagbigay ng knowledge at wisdom sa mga bata.”
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko