Sa isang bagong pag-aaral ng mga eksperto, nakita nilang malaki ang kinalaman ng paggalaw sa pagkatuto sa pagbasa ng bata. Ito ay tinatawag na whole body learning na pwedeng makatulong sa inyong mga anak.
Ano ang whole-body learning at bakit nga ba nakatutulong ito sa pagbasa ng bata?
Larawan kuha mula sa Pexels
Gusto ng parents na sa maagang panahon pa lamang ay unti-unti nang matuto ang anak sa maraming bagay. Mula sa paggapang patungo sa paglalakad, sa pagkatutong magsalita at makakilala. Maging syempre sa pagsulat at pagbabasa na lubhang malaking tulong kung sakaling papasok na sila sa pormal na paaralan.
Malaking parte kasi ng buhay sa loob o labas man ng school ang pagbasa sa tao. Bagama’t may pagkakomplikado na matutunan ang skill na ito, mahalaga pa ring kaagad na maituro ito sa mga bata. Dahil kinakailangan ito sa araw-araw na buhay. Kanila itong mabibitbit hanggang sa sila ay magsimula na sa kanilang mga napiling career.
Paano nga ba mas matutulungan pa ang mga bata upang mabilis na matutong magbasa?
Nagsagawa ng pag-aaral ang mga researchers ng University of Copenhagen at Denmark’s National Center for Reading. Tinukoy nila dito kung ano ang magandang gawin upang matulungan ang mga bata. Napag-alaman nilang malaki ang naitutulong ng ‘whole-body learning’ upang mapaunlad ang ability nila sa pagkatuto ng letter sounds.
Ano nga ba ang whole body learning? Tumutukoy ang whole-body learning sa technique ng pagtuturo sa bata kung saan ginagamit ang iba’t ibang aspeto. Kabilang dito ang kanyang pisikal na pangangatawan, mental capacity, at maging emotional capacity.
Larawan kuha mula sa Pexels
Sa research na ito, inaral nila ang 149 na batang participants edad 5 hanggang 6 na taong gulang.
Pinili nila ang edad kung saan nagsisimula pa lamang sa pag-aaral ang mga ito. Sinubukan nilang hatiin ito sa tatlong grupo.
Una, hinayaan nila ang mga bata na tumayo at gamitin ang buong katawan nila upang i-shape ang iba’t ibang letter sounds.
Pangalawa, sinubukan naman nilang gamitin lamang ng mga bata ang kanilang kamay at braso sa pagse-shape ng letter sounds.
Habang ang huli naman ay nakatanggap ng tradisyunal na style sa pagtuturo kung saan sinulat lamang nila ang mga letters gamit ang kamay.
Matapos ito ay nakita na nila ang resulta. Nalaman nilang ang mga batang gumamit ng whole-body learning upang i-shape ang letter sounds ay mas naging proficient kumpara sa dalawang grupo. Habang mas lamang naman ang grupong ginamit ang kamay at braso sa pag-shape ng letter sounds kaysa sa mga nakatanggap ng traditional na pagtuturo.
“Our research demonstrated that children who used their whole body to shape the sounds of letters became twice as proficient at letter sounds that are more difficult to learn compared to those who received traditional instruction.”
Ayon sa isang PhD student na si Linn Damsgaard ng Department of Nutrition, Exercise and Sports ng University of Copenhagen.
Layunin din daw ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang mas effective way upang mas madaling matuto ang mga bata sa pagbabasa. Maaari rin daw ito makatulong hindi lamang sa parents. Kundi maging sa mga teachers upang mas ma-deliver nang maayos ang iba’t ibang learnings na kailangan ng inyong anak.
5 tips upang matulungan ang bata sa pagbabasa
Larawan mula sa Pexels
Kung pini-prepare na talaga ang anak para sa first day niya sa school, syempre kasama diyan ang kahandaan niya sa pagbabasa. Ngayong may idea ka na about sa whole-body learning, narito naman ang iba pang tips para matulungan ang bata sa kanilang pagbabasa:
- Ugaliing basahan siya ng story books bago matulog at magkaroon ng shared reading session – Lumalawak ang vocabulary ng bata kung marami siyang naririnig na salita. Magandang lagi siyang binabasahan ng iba’t ibang story books habang ipinapakita sa kanya ang words sa libro. Sa ganitong paraan kasi ay mapa-familiarize siya sa mga salita.
- Maghanap ng nursery rhymes and songs na helpful sa pagbasa – Mas madali matandaan ang mga salita, phrases o sentences kung ito ay sa way ng pagkanta. Mainam na parati siyang hayaang makinig sa mga kantang ito kung saan mas madali niyang mare-recognize ang bawat letter sounds dahil sa naririnig niya.
- Isama ang vocabulary at reading sa kanyang playtime – While nai-entertain siya sa paglalaro, mahalaga sa bata na natututo rin sila mentally. Maaaaring mag-isip ng ibang way upang ma-involve ang pagbasa sa kanyang playtime.
- One at a time – Mahalagang isipin palagi na posibleng ma-overwhelm ang mga bata. Too much information can give them a burn-out. Subukan ang one word at a time lamang.
- Be patient. Kung may pinakakailangan man ang bata na matulungan siya sa pagbabasa ay ang guidance ng parents. Habaan ang pasensya lalo kung may mga bagay siyang nahihirapan. Imbes na sermunan, i-acknowledge ang problema at hanapan ng paraan upang ma-improve.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!