Team Kramer successful family story at kung paano nila mina-manage ang usaping pera sa pamilya.
Team Kramer successful family story
Sa pinakabagong Team Kramer Family Matters webisode, ay ininterview ni Kendra ang kaniyang mga magulang na sina Doug at Chesca Kramer. Ang mga tanong niya ay tungkol sa usaping pera at sa naging pagsisimula ng kanilang pamilya.
Pagsisimula ng kanilang pamilya
Ang unang tanong nga ni Kendra sa mga magulang ay tungkol sa kung bakit kinailangan nilang magpalipat-lipat ng bahay.
Deretso naman itong sinagot ni Chesca ng dahil sa lumalaki ang kanilang pamilya. Pero mas may naging malalim na paliwanag si Doug na makaka-relate ang mga bagong mag-asawa o nagsisimula pa lang ng isang pamilya.
Kendra: How come we moved a lot?
Chesca: Because our family keeps growing and growing.
Kendra: Why did we move so much times before we even got to this house?
Doug: I just graduated in college and I don’t have enough money. So, the only thing that I could really afford was to rent a small condo unit. And then Mama got pregnant. And that’s why we combined, mommy’s money and my money what we earned we decided to go to our townhouse.”
Paliwanag ni Doug ay hindi naging madali ang naging pagsisimula nila. Dahil para mabili ang kanilang unang bahay ay kailangan nilang magbenta ng sasakyan at mangutang ng pera sa kanilang mga kaibigan.
Mabuti na nga lang daw at naging mabuti ang Diyos. Dahil sa pamamagitan niya at ng mga tamang investments na pinaglaanan nila, nabayaran nila ang kanilang mga utang na mas mabilis sa inaasahan.
At nito nga lang Hulyo ay lumipat na sila sa pinakabago nilang bahay. Para sa iba ay isinasalawaran ang bagong bahay ng Team Kramer na isang mansyon. Dahil maliban sa modern design nito, ito ay kumpleto rin na parang isang hotel. Ito ay dahil mayroon itong swimming pool, home theater, play room, garden at sariling water system.
Team Kramer sa usapin ng pagiging “rich”
Kaya naman sa pagkakaroon nito ay hindi nakakapagtakang ito ang naging sunod na tanong ni Kendra.
Kendra: So, does that mean that we’re rich or that we’re born rich?
Chesca: Yes, very very rich! Millionaires, billionaires, gazillionaires. You wanna know why? Cause you’re rich in love. Rich in family, Rich in hugs and kisses. Riches are not just money. A lot of people are rich, they don’t have that. But you have a lot of that.
Doug: You know “Were we born with a lot of money?” If that’s the question you were gonna ask? No. But did we value everything that we had? Then I will say we were very rich. And that kind of riches cannot be taken away. Money can be spent. Money can be earned. But our family that’s there.
Team Kramer sa pagbubudget ng pera
Maliban nga sa makahulugang sagot na ito ni Chesca at Doug ay may mga dagdag pa silang itinuro kay Kendra tungkol sa pagbubudget at paggastos ng pera. Dahil ayon sa kanila nakatulong ito sa kanilang tagumpay. At ni kahit minsan hindi ito naging isyu o pinagmulan ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila.
Kendra: How did your Mom and Dad tell you about money when you were younger?
Doug: When I came down to Manila, I was living by myself and Umpa and Ompa will told me “This is gonna be your expenses, I want you to budget it.” So, I wanted to make sure that I will only spend for what I really need. And when I earned something like Papa was modeling that’s when the time I would buy something that I really want.
Chesca: Me, Ate, grew up in a very comfortable life. But then, I also learned the value of money because I stared working early. I started doing commercials. I got into show business, I told Mommy, “Momsie, okay you can manage my money, I’m okay with allowance. But do you know who taught me how to handle money? Papa. He taught me a lot of things about, you know budgeting and stuff like that. And my Mom also taught me a few stuffs as well.
Dagdag na paaalala ni Doug kay Kendra
Pero sa kabila nito ay may idinagdag na paalaala si Doug sa kaniyang anak na si Kendra pagdating sa paggastos at pagbubudget ng pera niya.
Doug: “There are times we have to avoid buying what we want so we can spend for what we need. You may work very hard which is very good. And after everything is met, and you have, like, exceeding money, then you can reward yourself.”
“No matter what blessings we get, as fast as God will bless us I believe he can it away so fast also. So, for us, we will always remain humble. we will always remain nice. And I will always acknowledge that all our blessings come from God. God will take care of the rest.”
Ang lahat ng tagumpay ng Team Kramer ay hindi lamang dahil sa mahusay na pagbubudget nila ng pera. Kung hindi pati narin sa pagtutulungan ni Doug at Chesca para maitaguyod ng maayos ang pamilya nila.
Paanorin dito ang buong interview ni Kendra sa kaniyang mga magulang.
Source: ABS-CBN News
Basahin: LOOK: 21 things we love about Team Kramer’s new home