Panukala ng NYC: Paghiwalayin ang mga babae at lalaki sa mga klase para maiwasan ang teenage pregnancy at HIV

Narito kung paano bubuksan at ipapaliwanag sa iyong anak ang usapin tungkol sa sex.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Teenage pregnancy sa Pilipinas mataas parin ang bilang, kaya naman mga ahensya sa gobyerno nagpapanukala ng mga paraan para ito ay mabawasan.

Image from Freepik

Teenage pregnancy sa Pilipinas

Ayon sa tala ng Population Commission o PopCom ay 24 na sanggol ang isinisilang sa bansa kada oras mula sa isang teenager na ina. Habang may 2,000 na babaeng teenager edad 15 hanggang 19-anyos naman ang nabubuntis taon-taon sa bansa.

Pinakamataas nga ang bilang ng teenage pregnancy sa Pilipinas na naitala noong 2014. Sa nasabing taon ay naitala ang 208,000 teenage pregnancies na bumaba naman sa 196,000 noong 2017. Ngunit ayon sa PopCom ay mataas parin ang bilang na ito at kailangan pang dagdagan ang efforts para ito ay mabawasan.

Ayon nga kay PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, ang mataas na bilang ng teenage pregnancy sa Pilipinas ay maituturing na umanong isang “national emergency” na kailangan ng mabilis at konkretong aksyon mula sa gobyerno.

“We are now in a situation that requires the declaration of national emergency because social, economic and health are affected… If we don’t act now, we will continue to see an increase of 200,000 teenage parents every year.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Perez sa isang panayam.

Panukalang paghihiwalay ng section ng mga lalaki at babaeng estudyante

Kaya naman para mabawasan ang kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas ipinanukala ni National Youth Commission Chairperson Ryan Enriquez na paghiwalayin ang section ng mga estudyanteng babae at lalaki na nasa grade 7 hanggang 12.

Ito ay hindi lamang para mabawasan ang kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas kung hindi para narin mabawasan ang mataas na HIV incidence sa bansa.

Dahil ayon sa mga tala ay dumoble ang bilang ng HIV incidence sa mga 15-24 anyos mula 17% noong 2000 ng 29% noong 2009. Nito nga lamang Hunyo ay naitalang may 1,006 na bilang ng bagong kaso ng HIV at 29% sa mga ito ay may edad na 15-24 anyos. `

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag ni Enriquez ay makakatulong ang kaniyang panukala sapagkat karamihan ng mga teenager na magkakarelasyon ay magkakaklase sa kanilang eskwelahan. Kaya naman sa oras na may kailangan silang gawing group activity o project ay nagiging dahilan ito para gawin nila ang hindi karapat-dapat.

“Kasi kung curious ka at may kaklase kang lalaki, andoon ang temptation. Maraming mga grade school pa lang, mag-girlfriend at boyfriend sila dahil magkaklase sila.”

“At kung meron silang activity na magsasama sila sa isang bahay, doon nangyayari, pwedeng maging teenage mother agad-agad”, pahayag ni Enriquez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababago umano ito kung paghihiwalayin ang section ng mga babae sa lalaki at hindi na sila magkakasama pa sa klase.

“Pag project di sila magkasama, kung may pinapagawa ang teacher nila di nila kailangan mag-overnight para matapos ang project.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Enriquez ukol sa kaniyang panukala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon parin kay Enriquez ay dapat ding maituro ang sex education at HIV awareness sa mga bata ng maayos. Upang mas lumawak ang kanilang kaalaman sa epekto nito at ito ay kanilang maiwasan.

Ngunit paano nga ba ituturo o ipapaliwanag sa isang teenager ang tungkol sa sex o pakikipagtalik?

Narito ang ilang tips para buksan at ipaliwanag sa iyong teenager ang tungkol sa usaping ito.

Tips kung paano ipapaliwanag sa iyong teenager ang tungkol sa sex

  • Gamitin ang mga activities o events na nangyayari sa inyong bahay o paligid bilang pagkakataon para maipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa sex. Tulad ng isang TV program o music na nagtatalakay ng tungkol sa usapin.
  • Maging honest sa iyong anak lalo na sa pagsagot sa kaniyang mga katanungan. Kung may mga tanong siya na hindi mo alam, ang sagot ay sabay ninyong hanapin sa internet, libro o sa tulong ng isang eksperto.
  • Maging direct o straight forward sa mga dapat niyang malaman. Lalo na ang mga risk ng pakikipagtalik tulad ng emotional pain, sexually transmitted infections at unplanned pregnancy.
  • Huwag lang basta magpaliwanag. Pakinggan rin ang nalalaman, opinyon lalo na ang katanungan ng iyong anak tungkol sa pakikipagtalik.
  • Bagamat mahalagang matutunan ng iyong anak ang mga importanteng impormasyon tungkol sa sex, dapat mo ding bigyan pansin at oras na mapag-usapan ang feelings, attitude at values na dapat niyang taglayin patungkol sa isyu ng pakikipagtalik.
  • Gawing bukas ang komunikasyon sa iyong anak. At i-encourage siya sa mas marami pang diskusyon tungkol sa pakikipagtalik para masagot lahat ng katanungan niya. At siguraduhing sa huli ay iparamdam sa kaniya na masaya ka dahil siya ay nagiging open at lumalapit sayo para ito ay mapag-usapan.

Ang kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas ay mababawasan kung tayo ay magtutulungan. Simulan ang pagtalakay sa isyu sa bahay at gabayan ang iyong anak sa tamang landasin para sa kaniyang magandang kinabukasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Philippine Star, ABS-CBN News, Mayo Clinic

Photo: Freepik

Basahin: Teenage pregnancy in the Philippines: Tips for pregnant teens and parents