Para sa maraming tao, kinakailangan maghintay sa tamang oras at pinaghahandaan ang pagbubuntis. Ngunit hindi ganito ang katotohanan sa bansa, at tuloy-tuloy pa ngang tumataas ang mga teenage pregnancy in the Philippines.
Paano ito nangyari, at ano ba ang magagawa upang mabawasan ang dami ng mga buntis na teenager sa bansa?
Teenage pregnancy in the Philippines isang national emergency
Para sa maraming mga Pilipino, biyaya ang pagkakaroon ng anak. At totoo nga naman na ang mga bata ay nakapagbibigay ng saya at ligaya sa ating mga buhay. Ngunit pagdating sa usapin ng teenage pregnancy in the Philippines, ay hindi mabuti na napakaraming teenager na nabubuntis sa bansa.
Ito ay dahil bukod sa hindi handa ang mga batang magulang financially, emotionally, at psychologically, malaki rin ang panganib ng maagang pagbubuntis sa mga ina, at kanilang sanggol.
Noong Huwebes ay ibinahagi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na nasa lebel na raw ng “national concern” ang dami ng teenage pregnancy.
Aniya, sa 3 rehiyon lamang sa Mindanao, 15-18% ng mga teenager ay mga nanay na. Nagdudulot raw ito ng matinding kahirapan, dahil hindi pa handa sa pagpapalaki ng bata ang mga magulang. Bukod dito, naipapasa rin nila sa kanilang mga anak ang kahirapan, at lalo lang itong lumalala.
Kaya hinimok niya ang mga mambabatas na magsagawa ng mga hakbang upang maagapan ang lumalalang problemang ito. Nais niyang gumawa ng teenage pregnancy prevention bill ang kongreso upang masolusyonan ang problemang ito.
Malaking bagay rin daw kung maipasa ang batas, dahil makatutulong itong mabawasan ang patuloy na pagtaas ng teenage pregnancy sa bansa.
Edukasyon ang pinakamahalagang sandata
Bukod sa pagsasagawa ng batas ay malaki rin ang papel ng edukasyon sa pagbabawas ng teenage pregnancy.
Maraming pag-aaral ang nagsasabing nakatutulong ang pagiging edukado ng isang babae upang makaiwas sa teenage pregnancy. Ito ay dahil nagkakaroon sila ng higit na kontrol sa kanilang mga buhay, at mas nakakapagfocus sila sa kanilang mga pangarap sa halip na iniisip ang pagkakaroon ng pamilya.
Mahalaga rin ang sex education sa mga kabataan, upang maunawaan nila ang magiging epekto kung hindi sila mag-ingat pagdating sa sex. Imporante ang mga ganitong inisyatiba upang masiguradong hindi mabubuntis ng maaga ang mga teenager.
Source: Inquirer, Women’s Health
Basahin: 9 dahilan kung bakit nakukunan ang buntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!