theAsianparent Community: "Ano ang best na nangyari sa inyo nung 2019?"

Nagbigay kami ng katanungan sa theAsianparent Community sa pagtatapos ng nakaraang taon. Aming itinanong sa mga miyembro kung ano ang best na nangyari sa inyo nung 2019. Para simulan nang tama ang taon, ating balikan ang mga pinakamagandang sagot na aming natanggap.

Ano ang best na nangyari sa inyo nung 2019?

Yung hindi mo na ine-expect yung blessing pero dumating parin.

 

Mayroon din na sa dami ng dumating na blessings, madami ka rin na pagpapasalamatan,

 

Bilang magulang, napaka-halaga na malampasan ang financial struggles na madadaanan ng pamilya.

 

Ang paglaban sa depression ay napakalaking bagay lalo na sa mga new mommies na haharap sa postpartum depression.

 

Sinong nagsabi na kailangan ng asawa para maging masaya kasama ang baby?

 

Magpasalamat din para sa mga matapos ang mga komplikasyon, kasama parin ang healthy baby.

 

Ngunit pagkatapos ng lahat ng pagsubok na mapagdadaanan, ang malagpasan ang mga ito ay isa sa mag best blessings na maaaring matanggap.

 

Ano man ang iyong pinapasalamatan, gaano man kalaki o kaliit para sa iba, bawat pagsubok na malalampasan at blessing na matatanggap ay ating pasalamatan at balikan para sa magandang mindset sa simula ng bagong taon.

 

Paano maging memorable ang oras kasama ang pamilya?

1. Simulan habang bata pa sila

Mahalaga ang pagkakaron ng family rituals. Pinapagyaman nito ang pagkakakilanlan ng isang bata at nakakapagtibay ng self-esteem. Ang koneksiyon ng isang bata sa kaniyang pamilya o mga magulang ay napakahalaga sa kaniyang development. Kung may sapat na panahon ang isang bata kasama ang mga magulang (at mga kapatid) na nakikipag-usap, nabibigyan ng positive reinforcement at nagtuturo ng social skills, matututo itong makisalamuha at makisama sa ibang tao, kahit hindi kapamilya, ng may tiwala sa sarili at sa kapwa.

2. Gumawa ng sariling “family time”

Ang family time ay group bonding. Sa katulad kong may tatlong anak, halimbawa, kailangan kong mag-isip ng gagawin na kasama silang tatlo, pati na rin oras na kasama sila ng isa-isa. Kailangan ng bawat bata ng individual attention. Kailangang planuhin, at hindi palagi na lang spur of the moment o impromptu. Kaya’t sa tuwing may pagkakataon, nagse-set ako ng one-on-one date-slash-date o day out sa bawat isa sa mga anak ko. Sila minsan ang pinagdedesisyon ko kung saan nila gusto pumunta o kumain o kung ano ang gusto nilang gawin. Kapag malayo ako, pati ang pakikipag-video chat ay may oras para sa kanilang tatlo ng magkakasama, at isa-isa. Bigyan ng kani-kaniyang oras ang bawat anak, para maparamdam sa kanila na ang bawat isa sa kanila ay importante.

Hindi kailangang gumastos o maing elaborate ang gagawing activity. Basta’t nakatutok ang magulang at binibigay ang buong atensiyon sa anak, at magkakaron din ang anak ng pagkakataon na bigyan ka ng sapat ding atensiyon.

Narito ang ilang suhestiyon:

  • Family meal time

The family that eats together, actually sticks together more tightly, ika nga. Gamitin ang oras ng pagkain na oras din para magkuwentuhan at makilala ang isa’t isa, kahit anong edad pa ang mga anak.

Kahit pa gaano ka-busy, siguraduhing iiwan ang kung anong ginagawa para makakain ng magkakasama kahit sa isa o dalawang meal time sa isang araw.

Hindi kailangang araw araw o gabi gabi ito gawin. Kahit weekend lang o tuwing Linggo, may madudulot nang mabuti.

  • Homework

Mas excited ang mga batang anak na kasama ang Nanay at Tatay nila sa paggawa ng homework. Ibang usapan na kapag tween o teenagers na ang mga anak—mas gusto na kasi nilang mapag-isa o gawin ang mga bagay ng wala ang magulang. Hayaan silang gawin ito ng walang tulong mula sa inyo, ngunit kumustahin sila tungkol dito pagkatapos.

  • School events

Masaya ang mga bata kapag nakikita nila ang mga magulang na pumupunta sa eskwelahan lalo kapag may program o activity. Kahit hindi palagi, tiyaking nandun kayo, lalo sa mga importanteng okasyon o activity.

  • Sports o outdoor activity, hobbies, board games

Ito masayang mga gawain na magandang pagkakataon para magkaron ng makahulugang pag-uusap o karanasan kasama ang buong pamilya. Ito ang mga bagay na maaalala ng mga bata sa kanilang kabataan.

  • Manuod ng concert, play, pelikula o TV shows, nang magkakasama

Kung ito ang hilig ng mga bata, magandang pagkakataon ito para makilala nang mabuti ang mga anak, at malaman ang mga nasa isip nila. Masayang pag-usapan ang ganitong mga bagay, lalo na para sa mga bata. Mas magkakakilala ang lahat ng miyembro ng pamilya, at kung ganito ang mangyayari, mas magiging natural ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

 

Source: theAsianparent Community

Basahin: Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang