X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

3 min read

Para sa ating mga Pilipino, mahalaga ang payo ng mga nakatatanda. Siyempre, ito ay dahil marami na silang pinagdaanan sa buhay, at halo-halo na ang kanilang naging mga karanasan. Ngunit pagdating sa payo sa mga magulang, hindi lahat ng ito ay tama, lalo na sa panahon ngayon.

Ito ay dahil, ibang-iba ang pagpapalaki ng mga bata noong unang panahon kumpara sa panahon natin ngayon. Ngayon, mas marami na tayong alam tungkol sa development at paglaki ng mga bata. Bukod dito, nagbabago na rin ang panahon, kaya't dapat sinasabayan din ng mga magulang ang pagbabagong ito.

Ngunit anu-ano nga ba ang mga makalumang payo sa mga magulang na sa halip na magdulot ng kabutihan, ay nakakasama sa bata? Ating alamin ang mga ito.

Anu-ano ang mga makalumang payo sa mga magulang na ito?

Simulan muna natin sa mga medyo kakaibang payo sa mga magulang. Alam niyo ba na noong unang panahon, dapat raw ay pinapahiran ng asin ang balat ng mga sanggol, upang tumibay raw ito. Siyempre, alam naman natin na hindi tamang gawin 'yun, at makakasama pa sa balat ng sanggol.

Isa pang kakaibang makalumang payo ay ang pag "expose" sa mga sanggol na ginagawa sa sinaunang Rome. Ang pag "expose" na ito ay ibig sabihing aabandunahin lang nila ang bata sa gubat, o kaya binebenta na alipin. Ginagawa raw nila ito dahil magastos ang magkaroon ng anak, at hindi ganoong ka-importante para sa kanila ang mga sanggol.

Hindi naman lahat ng makalumang payo sa magulang ay ganito ka-"extreme." Halimbawa, noong unang panahon ay mayroong alcohol ang mga syrup at gamot na iniinom ng mga bata. Noon ay inaakala nilang mabuti ito sa kalusugan ng mga bata, pero sa panahon ngayon, alam nating masama pala ito.

Ang isa pa ay ang paniniwala na dapat simulan ang potty training kapag 1-2 buwan pa lang ang sanggol. Ngayon, madalas ay nasa 35 hanggang 39 na buwan ang sanggol bago simulan ang potty training.

Mas mahigpit ang mga magulang noong unang panahon

Noong unang panahon din ay di hamak na mas mahigpit din ang mga magulang pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Ito ay ang paniniwalang pinalaganap ng isang grupong tinatawag na mga 'behaviorists' na nagsasabing strikto raw dapat ang mga magulang. Ayon sa kanila, isang beses lang raw dapat halikan ang mga bata. Bukod dito, hindi raw sila dapat nilalambing, at dapat daw iwasan ang pagyakap sa mga bata.

Ngunit noong 1940s ay nagsimulang magbago ang paraan ng pagpapalaki sa mga bata. Mas napunta ang focus ng mga magulang sa tinatawag na "child-centered approach." Sa ganitong paraan, inuuna ang pangangailangan ng bata, at sinulong nito ang mas malambing na approach sa pagpapalaki ng bata.

Bagama't marami pa rin ang hindi sang-ayon dito, ang child-centered approach ang naging popular na paraan ng pagpapalaki ng bata. Kaya't nabawasan na ang pagiging strikto ng mga magulang, at mas napunta ang focus sa pag-aaruga sa mga bata.

Kahit sa kasalukuyan ay marami pa ring debateng nagaganap pagdating sa pagpapalaki ng bata. Halimbawa nito ay kung dapat bang paluin ang mga bata, kung masama ba ang formula milk, kung dapat silang hayaan kapag umiiyak atbp.

Marami pa rin tayong hindi alam pagdating sa pagpapalaki ng bata, at siguradong balang araw ay mag-iiba rin ang paraan ng pagpapalaki ng mga bata. Ngunit ang mahalaga ay buhsan natin ang ating mga anak ng pagmamahal, at siguraduhing lumaki sila na mabuting mga tao.

 

Source: NY Post

Basahin: 15 Bad parenting tips that you shouldn’t follow

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang
Share:
  • Ang edad ng bata na pinakamahirap, ayon sa mga magulang

    Ang edad ng bata na pinakamahirap, ayon sa mga magulang

  • DICT, hindi mapigilan ang Momo Suicide Challenge, pero ito ang magagawa ng mga magulang

    DICT, hindi mapigilan ang Momo Suicide Challenge, pero ito ang magagawa ng mga magulang

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Ang edad ng bata na pinakamahirap, ayon sa mga magulang

    Ang edad ng bata na pinakamahirap, ayon sa mga magulang

  • DICT, hindi mapigilan ang Momo Suicide Challenge, pero ito ang magagawa ng mga magulang

    DICT, hindi mapigilan ang Momo Suicide Challenge, pero ito ang magagawa ng mga magulang

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.