Isa parte sa buhay ng babae ang pagiging ina. Maraming pinagdadaanan ang isang ina, mula sa pagbubuntis at pagdadala ng kaniyang anak sa sinapupunan ng siyam na buwan. Hanggang sa panganganak at pagpapalaki ng kaniyang anak. Hindi madali ito kaya naman nagpapasalamat ako sa mga tao at bagay na tinulungan ako sa prosesong ito.
Ang theAsianparent Philippines app
Isa na rito ang theAsianparent Philippines app sapagkat napakalaki ng tulong nito sa aking pagdadalang-tao. Nagabayan ako ng theAsianparent app sa aking pagbubuntis. Marami ang natutunan at nalaman patungkol sa pagbubuntis at kung paano ko mapangangalagaan ang aking sarili habang ako’y buntis. Nalaman ko ang mga paraan kung paano ako magiging malusog at ang baby ko habang ako’y buntis.
Napakaraming inang katulad ko ang natutulungan ng app na ito. Sapagkat karamihan ng mga ina na ay katulad kong first-time pa lang nagbubuntis. Kaya naman karamihan talaga ay walang alam sa pagbubuntis at kung paano mapapangalagaan ang kanilang mga sarili. Ang mga impormasyon na ibinabahagi ng theAsianparent Philippines sa kanilang website at app ay talaga namang naging katuwang ko sa pagbubuntis pati na sa pagiging magulang.
BASAHIN:
STUDY: Stress sa pagbubuntis, maaaring may epekto sa brain development ni baby
Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa theAsianparent Philippines app at website lalo na sa mga taong nasa likod at lumikha nito. Sapagkat malaki ang naging tulong nito sa akin at sa marami pang inang tulad ko. Nakakataba ng puso ang ginagawa niyong ito. Sana’y ipagpatuloy pa ninyo ang inyong ginagawa at mapalawak at lumawak pa ang inyong serbisyo sa mas marami pang ina.
Iba pang features ng theAsianparent Philippines app
Sa kabila ng mga pangamba ay napakasayang maging ina, mas masaya kung alam mo na healthy ay iyong anak at ikaw sapagkat isa sa mga tinuturo at feature ng theAsianparent Philippines app ay ang kick baby monitor. Ito’y isang feature kung saan matutulungan kang mabilang ang movements ni baby habang nasa loob siya ng iyong sinapupunan. Makakasigurado kang healthy si baby at kapag may kumplikasyon ay makakapunta ka agad sa doktor para makapagpatingin.
Isa rin sa mga gusto ko ay ang survey poll na sinasagutan ko, nakakaipon ito ng points kung saan pwede mong i-redeem ng voucher o gamit ni baby. Pwede ka rin manalo ng mga price na magagamit ni baby at ikaw din bilang isang ina. Kaya naman kung ika’y first time mom o preggy mom i-download na ang theAsianparent Philippines app at ugaliing bisitahin ang kanilang website, siguradong makakatulong ito sa inyong pagbubuntis.
Share your stories with us! Be a contributor theAsianparent Philippines, i-click here