Narito ang limang dahilan kung bakit kailangan mong panoorin ang ‘Through Night and Day’ kasama ang iyong asawa!
Through Night And Day Plot
Ang kwento ng Through Night and Day ay tungkol sa magkasintahang si Jen at Ben na ginampanan ni Alessandra de Rossi at Paolo Contis. Dahil sa paparating nilang kasal, nagkasundo ang dalawa na pumunta at magkaroon ng prenup shoot sa paboritong bansa ni Jen na Iceland.
Ang pagpunta nila sa ibang bansa ang naging way para makilala nila ng mabuti ang isa’t-isa.
Major plot twist naman ang nangyari sa huli at kung ano ang naging dahilan ng kakaibang behavior ni Jen kay Ben habang sila ay nasa Iceland.
Sa umpisa pa lang ng movie, marami na agad na dahilan kung bakit ang ‘Through Night and Day’ ay isang eye opener sa lahat ng mag-asawa o magkasintahan.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito kailangang panoorin?
Through night and day review | Image from Netflix
5 reasons why you should watch ‘Through Night And Day’ with your husband
1. Sa isang relasyon, kailangan nagkakaintindihan ang bawat isa.
Hindi sapat ang palaging dahilan na ‘Akala ko ba mahal mo ako? Dapat iniintindi mo ako.’. Ang sikreto kasi sa isang relasyon ay ang pag-intindi sa sitwasyon at ugali ng bawat isa. Hindi healthy sa isang pagsasama kung palagi na lang ang isang tao ang iintindi sa pangangailangan ng isa.
Tandaan, dalawang tao ang nagpapatakbo ng isang healthy na relationship. Hindi ito uusad o gagalaw kung isang paa lang ang magpapatakbo. True love consists of two people who understands the needs and doesn’t give up when things gets rough.
Through night and day review | Image from Netflix
2. Napapagod rin ang taong nagmamahal sa’yo.
Ang pagkakaroon ng taong hinding-hindi ka iniiwan at walang sawang nagbibigay ng suporta sa’yo ay isang blessing. Bihira na lang ang makahanap ng taong maiintindihan ka lahat ng bagay at patuloy na nandyan kahit na hindi ka perpekto. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nandyan sila at aalalayan ka.
Napapagod rin ang taong nagmamahal sa’yo lalo na kung inaabuso mo ito. Learn the concept of ‘give and take’. Alagaan mo ang relasyon mo sa isang taong minamahal ka ng todo.
3. Hindi lahat ng taong nang-iiwan ay gustong umalis.
Kadalasan, kapag narinig natin ang salitang ‘nang-iwan’, lahat ng negatibong maitatawag natin ay binabato natin sa taong ito. Tandaan natin na sa likod ng isang desisyon at may reason kung bakit sila napunta doon. Everybody has a choice pero hindi lahat ay pabor dito. May ibang pinipili ang lumugar sa isang decision kahit na nasasaktan sila.
Through night and day review | Image from Netflix
4. Love is ‘unpredictable’
Kapag pumasok ka sa isang relasyon, hindi araw-araw ay masaya ka. There were ups and downs everywhere at kailangan mong maging emotionally and physically ready para rito. Hindi natin maiaalis ang katotohanan na sa pag-ibig, kailangan mong i-work out ito araw-araw dahil maaaring magbago ang relationship in just one snap.
5. Kailangan mong alagaan ang iyong relasyon kahit na alam mong ‘true love’ ito
‘Wag tayong makampante sa concept ng ‘soul mate’. Kapag sinabi kasing soul mate, kahit anong mangyari kayo pa rin hanggang sa huli. Ngunit paano mo masasabing true love si soul mate kung hindi mo naman aalagaan ito at hahawakan mo lang ang dahilan na ‘soul mate’ mo siya?
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!