Tigdas habang buntis: Ano ang epekto nito sa sanggol?

Narito ang mga peligrong dulot ng tigdas sa isang babaeng nagdadalang-tao at sa baby nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng tigdas habang buntis ang isang babae ay hindi lang makakasama para sa kaniya ngunit maari ring maging banta sa buhay ng sanggol na kaniyang dinadala.

Ano ang tigdas?

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na dulot ng paramyxovirus. Ito ay napapasa sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing o kahit anong close contact sa taong mayroon nito.

Ang karaniwang sintomas ng tigdas ay lagnat, dry cough, runny nose, sore throat, pamumula ng mata o conjunctivitis, mga singaw sa loob ng bunganga at skin rashes. Ang mga sensyales at sintomas ng tigdas ay lumalabas sa pagitan ng sampu hanggang ikalabing-apat na araw matapos ang exposure ng isang tao sa virus nito.

Image from Freepik

Ang isang taong may tigdas ay maaring maihawa ang sakit sa loob ng walong araw. Ito ay sa unang apat na araw bago maglabasan ang skin rashes at ang apat na araw na kung kelan lumabas na at makikita na ang rashes sa kaniyang katawan.

Sa mga panahong ito ay dapat iiwas sa isang taong may tigdas ang mga sanggol, bata at pati narin ang isang babaeng nagdadalang-tao na hangga’t maari ay hindi dapat magkaroon ng sakit na ito. Ito ay dahil sa dala nitong kumplikasyon na mapanganib lalo na sa mga buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Peligro ng pagkakaroon ng tigdas habang buntis

Ang tigdas o kilala rin sa tawag na rubeola ay mapanganib sa kalusugan ng ina at ng kaniyang sanggol sa sinapupunan.

Bagamat hindi tulad ng rubella o tigdas hangin, ang tigdas habang buntis ay hindi nagdudulot ng congenital birth defects sa isang sanggol. Ngunit nagpapataas naman ito ng tiyansa ng miscarriage o pagkalaglag, preterm labor o delivery at low birth weight na baby.

At ang mas lalo pang nagpadelikado ang tigdas habang buntis dahil hindi eligible ng isang buntis na makatanggap ng vaccine para dito.

Ito ay sa kadahilanang ang measles vaccine o kilala rin sa tawag na MMR vaccine ay nagtataglay ng mahinang klase ng live virus ng tigdas na hindi kakayanin at makakasama sa mahina pang katawan ng fetus na dinadala ng isang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para maging protektado mula sa sakit na ito ay dapat umiwas at magdoble-ingat ang isang babaeng buntis na mahawa at makakuha ng sakit ng tigdas.

Image from Freepik

Isang paraan na maaring gawin ng isang babae para masiguradong magkaroon ng proteksyon sa sakit na ito at hindi magdulot ng kumplikasyon sa pagdadalang-tao ay ang pagpapabakuna laban sa tigdas ng isang buwan bago ang planong magbuntis. Sa ganitong paraan ay makakasiguro ang isang babaeng nagnanais na mabuntis na mayroon siyang immunity mula sa tigdas sa oras na siya ay magdalang-tao na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, para gumaling mula sa sakit na ito ay may ilang bagay na maaring gawin ang isang buntis para matulungan ang kaniyang katawan na labanan ang tigdas. Ngunit, mas mabuting magpunta muna siya sa isang doktor para mapayuhan ng medikasyon na angkop para sa kaniya.

Tigdas habang buntis: Mga paraan maaring gawin para gumaling

Narito ang mga paraan para gumaling mula sa tigdas habang buntis:

  • Pag-inom ng paracetamol na safe sa buntis para mabawasan o maibsan ang lagnat at pananakit sa katawan. Huwag iinom ng ibuprofen dahil maaring makasama ito sa iyong baby.
  • Pag-inom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration.

Image from Freepik

  • Pagsasara ng mga kurtina para maiiwas ang sensitive na mata sa liwanag.
  • Paggamit ng basang bulak o cotton sa paglilinis ng mata.
  • Pag-iwas sa ibang tao o pag-iisolate ng sarili upang hindi makahawa.
  • Kung makakaramdam ng hirap sa paghinga ay agad pumunta sa doktor para ikaw ay matulungan at maturuan ng maari mong gawin.

Sa ngayon, ang tigdas ang public enemy number 1 sa kalusugan ng mga Pilipino. Ito ay matapos magdeklara ng outbreak o mabilis na paglaganap ng sakit na ito sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon nga sa Department of Health o DOH ay tumaas ng 550 percent ang kaso ng tigdas sa Pilipinas nito lamang January to February 2019 kumpara sa parehong period noong 2018.

Sa NCR pa nga lang ay naitala na ang halos 450 na kaso ng tigdas sa loob lang ng isang buwan na naging dahilan narin ng pagkasawi ng ibang dinapuan ng nakakahawang sakit na ito.

Isa nga sa tinuturong dahilan ng sakit ay ang kakulangan sa immunity mula sa tigdas ng ilang Pilipino. Kaya naman ini-encourage ng DOH ang lahat na maging vigilant at alerto upang maiwasan ang sakit. Kung wala pang bakuna laban dito ay magpunta na agad sa mga health centers na malapit sa inyo. Libreng ibinibigay ang MMR vaccine bagamat ito lang ay bawal sa mga taong may mahina ng immune system o sa mga nagdadalang-tao.

 

Sources: What To Expect, NHS, ABS-CBN News

Basahin: Congenital Rubella Syndrome (CRS): Epekto ng tigdas hangin sa buntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement