Mas humihirap ang postpartum dahil sa stress – pisikal man o emosyonal. Isa sa mga nakakadagdag stress sa ating mga mommies ay ang tigyawat after manganak o postpartum acne in English.
Nag-aalala sa pagkakaroon ng tigyawat matapos manganak? Hindi ka nag-iisa mommy!
Mababasa sa artikulong ito:
- Tigyawat after manganak o postpartum acne in english
- Gaano tumatagal ang ang tigyawat after manganak o postpartum acne in English?
- Paano gamutin ang postpartum acne
Talaan ng Nilalaman
Tigyawat after manganak o postpartum acne in English
Normal lang ang pagkakaroon ng postpartum acne habang nagbubuntis at pagkatapos manganak. Ang pagbubuntis ay nagbibigay ng maraming pagbabago sa ating hormones. Ilan sa mga pagbabagong iyon ay nakikita sa mukha.
Ang pagbabago sa progesterone level ang kadalasang dahilan kung bakit dumadami ang acne. Ang produksyon ng sebum (oil) ay tumataas kasabay ng hormone levels. Ito ang nagiging dahilan ng pagbara ng mga pores at pagkakaroon ng break out.
Hormonal acne matapos ang pagbubuntis
Kapag ikaw ay nabuntis, ang katawan mo ay gumagawa ng maraming progesterone, ito ay ang hormone na nakakatulong sa linya ng matres at ihanda ang utlog sa implantation.
Ayon kay Dr. Meghan Dickman, isang clinical assistant professor of dermatology sa Stanford University, ang mabilis na pagtaas ng progesterone sa unang trimester ay ang kadalasang dahilan sa pagbubuntis.
Ang pagtaas ng progesterone ay nagdudulot ng pagtaas ng produkson ng sebum sa katawan. Isa itong oil na nakakapagbara sa pores.
Bilang resulta, ang mga pores at hair follicles ay kadalasang nahaharangan ng oil, mikrobyo, at patay na skin cells sa halip na maalis. Kaya nagkakaroon ng tigyawat sa mukha.
Ang progesterone ay mas tumataas sa ikatlong trimester, ayon kay Dr. Dickman, matapos ang pagtaas sa unang trimester, mas makakakita ng pagdami ng oil at acne habang tumatagal
Ang iyong progesterone at estrogen level ay bumababa matapos manganak, at magpapatuloy naman iyong menstruation bilang resulta ng pagbabago ng hormones. Kaya naman, nagpapadede ka man o hindi, malaki pa rin ang tyansa na pagkakaroon ng postpartum acne.
Tumatagal hanggang walong linggo bago bumalik sa dati ang iyong hormones matapos manganak. Ipinaliwanag ni Dr. Dickman na karamihan ng hormonal acne ay nawawala kapag malapit nang matapos ang third trimester o ilang linggo matapos manganak.
Kung sakaling nagpatuloy ang tigyawat after manganak o postpartum acne in English a matapos nito, maaaring mayroon kang hormone problem. Pwede rin na may ibang dahilan ng pagkakaroon ng acne.
Pimples sa buttocks o bahagi ng puwet matapos manganak
Maaaring magkaroon ng postpartum acne sa kahit anong bahagi ng katawan matapos manganak. Kabilang dito, ang iyong likod at puwitan.
Gayunpaman, dahil mas marami ang sebaceous glands sa bahaging ito, mas madalas na mangyayari ito sa iyong noo, baba, pisngi, at pisingi.
Nakakatulong ba ang breastfeeding sa tigyat after manganak o postpartum acne in English?
Dahil sa pagtaas ng hormonal swings na nangyayari kapag nagpapadede at weaning, maaaring magkaroon ng acne.
Ayon kay Dr. Dendy Engelman, M.D., isang board-certificate cosmetic dermatologist sa New York City, dahil ang hormone levels ng mga bagong ina ay hindi bumabalik sa normal hanggang sa matapos magpadede.
Ang pagpapadede ay maaaring magdulot sa acne na mas tumagal.
Postpartum cystic acne habang nagpapadede
Ayon sa pag-aaral na “Severe Cystic Acne While Breastfeeding,” ay ginawa upang tasahin ang severe cystic acne ni Amanda (hindi niya yunay na pangalan).
Siya ay postpartum kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak sa isang urban academic center sa Northeastern United States, at siya ay nagpapadede at nasa maayos na kalusugan ngunit siya ay nag-aalala sa nangyayari sa tinatawag nitong “below the surface.”
Siya ay nagkaroon severe cystic acne dahil sa dati nitong karanasan sa pagpapadede, at napapansin na nito ang pagkakaroon ng cysts.
Sinabi ni Amanda na ang mga subcutaneous cyst ay lumitaw sa kanyang mukha, torso o trunk, at likod, dalawang linggo pagkatapos manganak.
Nilarawan ang mga cysts bilang quarter-sized na mga paltos na mayroong dilaw na likido at naglalangib. Ang kanyang damit ay dumidikit sa kanyang likod pagkatapos matulog. Dahil sa mga cyst, na lubhang hindi komportable.
BASAHIN:
Food for postpartum recovery: What foods to eat after giving birth
Ano ang Lochia o pagdudugo matapos manganak at normal ba ito?
Ang kanyang obstetrician ay nagsagawa ng mga blood test upang suriin ang kanyang hormone levels. Napag-alamang ang kanyang testosterone levels ay mataas.
Ayon sa kanyang obstetrician ay mayroon itong polycystic ovarian syndrome (PCOS) at hindi na nagrekomenda ng karagdagang pagsusuri sa hormones.
Sumubok ito ng iba’t ibang uri ng alternative therapy sa pag-asang makahanap ng isang bagay na maaaring makatulong sa kanyang kondisyon.
Gayunpaman,wala pa namang naitalang kaso ng severe cystic acne habang nagppadede. Pinili ni Amanda na i-publish ang kanyang karanasan sa pag-asang ito ay makakapagsimula ng talakayan at pananaliksik na maaaring makatulong sa mga kababaihan na makahanap ng solusyon.
Gaano tumatagal ang ang tigyawat after manganak o postpartum acne in English?
Kadalasan, ang postpartum acne ay hindi gaanong tumatagal. May ilang mga kaso na nawawala kaagad ang kanilang acne matapos manganak.
Tumatagal ang acne ng ilang lingo o buwan sa ibang tao. Nakadepende ito kung gaano katagal bumalik sa normal ang hormone levels.
Dapat ding tandan na ang pagpapadede ay nakakapagpataas ng iyong hormone levels. Bilang resulta, kung ikaw ay nagpapadede, mas tatagal ang pagkawala ng iyong acne.
Maaari itong mawala matapos ang ilang buwan, pero para sa ibang tao, ang outbreak ay mas tumatagal pa. Mabuting magpatingin sa isang dermatologist kung mayroong masakit na postpartum acne na hindi nawawala.
Paano gagamutin ang tigyawat matapos manganak
Kung sakaling hindi pa rin nawawala ang postpartum acne matapos manganak, mayroon ilang alternatibong paraan para sa outbreaks at paglilinis sa iyong balat.
- Pag-inom ng maraming tubig at pagiging hydrated na nakakatulong para mawala ang acne sa natural na paraan.
- Paghihilamos ng mukha at pagtatanggal ng makeup bago matulog. Pati na rin ang hindi paghawak sa iyong mukha ay nakakatulong. Gayunpaman, may mga kaso na maaaring kailanganin ng gamot upang magamot ang postpartum acne. Kung ikaw ay nagpapadede, ang iyong paraan ng paggagamot ay maaaring maiba.
- Ang labis na pagkakalantad sa araw ay maaring maging dahilan ng pagdami ng acne. Kung maaari, mainam na umiwas sa direktang sikatng araw o magsuot ng sunscreen. Obserbahan din kung ang iyong acne ay lumalala sa pagkain ng ilang mga pagkain. Tulad na lamang ng matatabang pagkain, dairy foods, o acidic foods, na nakakapagpadami ng acne sa ilang tao.
Gamot sa postpartum acne
Ligtas na gumamit ng pamahid bilang acne treatment kung ang iyong acne ay hindi bumubuti matapos manganak o kung ikaw ay nagpapadede.
Kung ikaw ay mayroong acne sa dibdib, huwag gumamit ng pamahid para sa acne sa bahaging ito. Dahil hindi mo gugustuhing makain o magkaroon ng exposure ang iyong anak sa ganitong mga gamot.
Ang ilang birth control medications ay nakakatulomng sa pagpapababa ng hormone levels, pinapababa ang dami ng sebum na nilalabas ng iyong katawan.
Gayunpaman, maganda pa rin na magpakonsulta sa doktor para maibigay ang mas mainam at ligtas na gamot para sa ‘yo at iyong baby.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor
Kapag ang iyong postpartum acne ay hindi bumubuti sa pamamagitan ng self-care, magpakonsulta na sa doktor. Kung ikaw ay nagpapadede, ang iyong doctor ay maaaring magbigay ng isang topical prescription drug na ligtas mong gamitin at ligtas din para sa iyong baby.
Kung nais basahin ang English version ng artikulong ito, i-click dito!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.