Ano ang lochia o postpartum bleeding?
Maaaring napansin mo na ang mga nagbago sa iyong katawan simula nang malaman mong ikaw ay buntis. Pero mas marami ang magbabago sa iyong katawan matapos mong manganak. Huwag mag-alala dahil normal lang ito.
Makakatulong kung aasahan na kung anoang maaaring upang hindi na magulat at ma-stress kapag nangyari ito. Sa ganitong paraan, mas madali para sa iyong isip at katawan na mag-adjust.
Ano ang Lochia?
Tinatawag din na Lochia ang postpartum na pagdurugo. Ayon kay Mr. Ellis Downes, isang consultant obstetrician at gynecologist sa Portland Hospital sa London, ang lochia ay pinaghalong amniotic fluid, tissue, at dugo. Ang ganitong uri ng pagdurugo matapos manganak ay normal lamang.
Matapos manganak, ang lochia o postpartum bleeding o discharge ay isang paraan ng katawan ng pagtatanggal ng mga sobrang dugo at discharge mula sa iyong uterus.
Ang dugong ito ay mula sa placenta na humiwala sa iyong uterine wall, na nagdulot ng sugat at kinakailangang gumaling. Itong prosesong ito ay katulad din sa menstruation.
May posibilidad na malakas ang pagdurugong ito sa unang dalawang araw at hihina rin. Sa unang dalawang araw, maaaring kinakailangan mong magpalit ng pads ng 3-4 na oras.
Pagkatapos, ang pagpapalit ng pads ay gagawin nalang tuwing 6-8 na oras. Kung ikaw ay may lochia, ipinapayo na gumamit ng sanitary pads o napkin kesa sa tampons, dahil ang tampons ay nakakapagtaas ng banta ng impeksyon sa paggaling ng iyong vagina at uterus.
Ano ang lochia? | Larawan mula sa Pexels
Ang lochia ay tumitigil matapos ang isang buwan mula nang manganak. Para sa ibang babae, tumatagal ito ng 6 hanggang 8 na linggo.
Ayon sa isang artikulo sa Singapore Family Physician, matapos manganak, sa umpisa ang lochia ay pula (lochia rubrum), at unti-unting nagiging kulay brown (lochia serosa).
Hanggang sa maging yellowish-white (lochia alba). Ang lochia rubrum ay nagsisimulang magbago ng kulay matapos ang dalawang araw ng postpartum.
Maaari ring magdulot ang lochia ng period-cramos – o maliliit na contractions – na nakakatulong sa uterus na bumalik sa dati nitong sukat, lalo na kung ikaw ay nagpapabreastfeed.
Ang pananakit ay karaniwang dulot ng uterus na bumabalik sa dati nitong sukat, at hindi ito dapat ikabahala. Nangyayari ito kapag ang oxytocin hormone level ng isang babae ay tumataas. Ito yung magandang pakiramdam na dulot ng hormones na nakakatulong sa mga nanay at makapagpalakas ng milk production.
Mga uri ng lochia
Ang lochia matapos manganak ay nangyayari sa tatlong yugto – lochia rubra, lochia alba, at lochia serosa. Ito ang mga karaniwang uri ng lochia, gayunpaman, ang bawat babae ay magkakaiba, at ang ilang yugto ng lochia ay maaaring mas matagal o mas maigsi kumpara sa iba.
1. Lochia Rubra
Sa yugtong ito ng postpartum na pagdurugo, ang discharge ay kulay pula (rubra) at tumatagal mula sa unang araw matapos manganak hanggang ika-apat na araw.
Paminsan-minsan ay umaabot hanggang sa ika-pitong araw mula nang manganak. Dugo, fetal membrane fragments, decidua, meconium, at cervical discharge ang bumubuo sa bleeding na ito.
2. Lochia Alba
Ang Lochia alba ay discharge na naglalaman ng leucocytes at mucus at mayroong creamy o maputing hitsura. Tumatagal ito ng 10 hanggang 14 na araw matapos manganak. Decidual cells, mucus, white blood cells, at epithelial cells ang karamihan sa bumubuo ng Lochia alba.
3. Lochia Serosa
Matapos ang isang linggo, nagbabago ang kulay ng Lochia rubra mula pula, brown, hanggang dilaw. Tinatawag din ang yugtong ito na Lochia serosa.
Ang Lochia serosa ay pink-yellow discharge na tunatagak ng 3 hanggang 4 apat na araw at naglalaman ng mas maraming serum kesa sa dugo.
Mas kaunti ang nilalaman na red blood cells ng lochia serosa, ngunit mas maraming white blood cells, discharge mula sa sugat sa placenta at iba pang bahagi, at mucus mula sa cervix.
Nangangamoy ba ang Lochia?
Dahil dugo ang lochia, mayroon itong amoy, ngunit hindi gaanong malakas. Ang amoy nito’y halos katulad sa menstruation pero ayon sa ibang tao ay mas mabaho ito. Mayroon din itong mahinang amoy ng metal pero hindi naman ito ganong kalakas para hindi ka mapalagay.
Kung ang amoy ng lochia ay masyadong malakas o nakakabahala, maaaring iba na ito at nangangailangan na ng gabay mula sa doktor. Lalo na kapag may kasama itong pananakit ng tiyan.
Ang pagkakaroon ng dumi o impeksyon ay maaaring magdulot ng masamang amoy ng lochia na mayroong berdeng kulay at malansang amoy. Ang impeksyon ay maaaring nasa loob ng sinapupunan o sa paligid ng vaginal rips na nakuha sa panganganak.
Kapag hindi naagapan ang impeksyon ay maaari itong lumala, lalo na kung ito ay nasa paligid ng iyong uterus, dahil maaari tong magdulot ng blood clots o impeksyon sa bladder. Gayunpaman, napapamahalaan naman ito ng paggagamot, basta’t ito ay maagapan.
Kung mapansin ito sa iyong lochia ay magpakonsulta agad sa doktor.
Gaano katagal ang postpartum bleeding?
Magkakaiba ang tagal ng postpartum bleeding ng mga nanay. Gayunpaman, ito ay tumatagal ng hanggang anim na linggo. Posible rin na ang lochia ay tuluyang mawala sa loob ng dalawang linggo o tumagal hanggang sampung linggo.
Normal rin para sa lochia ang magpatigil-tigil. Ang lochia ay parehas sa menstrual period. Kapag nagsimula kang maging aktibo o maglakad-lakad ng mas maaga pagtapos mong manganak, may posibilidad itong lumakas.
Ang pagpapadede ay nakakapagpalakas din ng paglabas nito dahil ang oxytocin hormone ay nagdudulot ng uterine contrations, na nagpapalabas ng mas maraming lochia.
Gaano katagal ang pagdurugo kapag nagpapadede?
Kapag ikaw ay hindi nagpapadede, asahan mong ang iyong period ay maaaring tatagal ng 6-8 na linggo. Kung ikaw naman ay nagpapadede, ang iyong period ay magpapatuloy lamang kapag tumigil kang magpadede.
Gaano katagal ang postpartum bleeding matapos ang C-section?
Ang lochia ay mas matagal na nareresolba matapos ang Caesarean section dahil ang uterus ay mas matagal na bumalik sa dating sukat. Gayunpaman, magkakaiba naman ang mga nanay. May ibang mga babae na mayroong mas matagal na pagdurugo, may ilan din namang hindi.
Paano mapabilis ang pagtigil ng postpartum bleeding?
Larawan mula sa Pexels
Hindi mo ito maaaring mapatigil nang mabilis, ngunit maaari mong mabawasan ang pagdurugo sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Pagpapa-breastfeed – ang pagpapadede ay nakakapagpataas ng oxytocin, hormone na nakakatulong sa uterine contraction at sa pagpapahina ng pagdurugo.
- Pag–iwas sa maagang contraception – ipinapayo na umiwas sa pakikipagtalik hanggang anim na linggo matapos manganak. Mainam na hintayin ang pagdating ng menstruation bago muling gumamit ng hormonal birth control. Dahil maaari itong makapagpaakas ng pagdurugo o spotting.
- Madalas na pag–ihi – Ang punong bladder ay nakapagpapalambot sa uterus, dahilan para lalong magdugo.
- Iron – ang pagdutugo matapos manganak ay maaaring dulot ng kakulangan sa iron. Ang mababang iron ay laganap lalo na sa mga kababaihan, at isa sa mga sus isa pagbubuo ng dugo.
- Herbal remedies
- Iwasang uminom ng ibuprofen at aspirin – ang mga gamot na nakakapagpanipis ng dugo ay maaaring magdulot ng mas mabigat na pagdurugoo mas mahabang panahon ng pagdurugo.
Makakayanan mo ang postpartum bleeding sa pamamagitan ng:
- Paggamit ng sanitary pads at hindi tampons. Ang paggamit ng tampons ay nakakapagpataas ng impeksyon lalo na’t nagpapagaling pa ang iyong uterus at vagina.
- Iwasan ang pangangati sa pamamagitan ng pagpapalit ng pads tuwing apat na oras.
- Iwasan ang pakikipagtalik.
- Magsuot ng mga kumportableng damit na hindi aalalahanin kung sakaling matagusan.
- Huwag itong ikabahala (maliban kung nakitaan ng pagka-abnormal). Ang malaking sugat sa iyong sinapupunan sy kinakailangang gumaling kaya ang pagdurugo ay normal.
Kailangan bang gamutin ng Lochia?
Hindi kinakailangang gamutin ng Lochia. Walang paraan para maiwasan omapigilan ang Lochia. Ito ay likas na nangyayari sa iyong katawan para sa postpartum healing process.
Hindi na dadami pa ang nalabas na lochia kapag ang iyong uterus ay gumaling na at nakabalik na sa dati nitong sukat. Gayunpaman, mahalagang bantayan ang lochia at tiyaking nananatili ito sa kanyang limitasyon.
Kailan magpapakonsukta sa doktor?
Kelan ka dapat mag-alala at kelan ka dapat magpakonsulta sa doktor patungkol sa postpartum bleeding?
1. Kung magkaroon ng malalaking namuong dugo
Tawagan kaagad ang iyong midwife o doktor kung sakaling nakakita ng malalaking buong dugo sa loob ng 24 oras o kung patuloy na paglabas ng mga namumuong dugo sa loob ng isang linggo.
2. Lumalakas ang pagdurugo kaysa humihina
Matapos ang ilang arawmatapos manganak, malakas ang paglabas ng Lochia. Pero habang tumatagal ay nababawasan ito. Tawagan kaagad ang iyong midwife o GP kung ang pagdurugo ay lumalakas o nananatiling malakas o hindi gaanong humihina matapos ang isang linggo.
3. Kakaiba ang amoy ng Lochia
Maaaring mayroong impeksyon sa loob ng iyong sapupunan kapag ang amoy ng nalabas na dugo ay hindi pangkaraniwan ang amoy o masyadong mabaho. Maaari ka ring magkaroon ng impeksyon sa iyong vagina o perineum bilang resulta ng anumang pagluha mo sa panganganak.
4. Nakakaranas ng pananakit ng tiyan
Ang pananakit ng tiyan ay maaaring dulot ng impeksyon sa ihi o constipation. Uminom ng maraming tubig kung makaramadam nito at sabihan agad ang iyong midwife o doktor.
Ang constipation ay kadalasang nangyayari matapos manganak, ito ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng laxative o dietary adjustment.
Kung sakaling nakakaramdam ng mga sumusunod na sintomas, mangyari lamang na tawagan kaagad ang inyong doktor:
- Kulay berdeng vaginal discharge
- Pagkahilo
- Pagkahimatay
- Nahihirapan huminga
- Pagduduwal o pagsusuka
- Mabilis na tibok ng puso
- Lagnat
- Panlalabo ng paningin
- Sobrang pangingirot ng puson
- Panginginig
- Pamamaga o pananakit ng iyong vagina o perineum
Larawan mula sa Pexels
Ang postpartum bleeding ay dulot ng naiiwang sugat kapag ang placenta ay tinatanggal sa panganganak at nagsisimulang maglangib at gumaling.
Normal lang ito, gayunpaman, huwag pa rin kalimutan na pangalagaan ang iyong sarili. Magdahan-dahan at maging malumanay sa sarili. Magpahinga hangga’t maaari habang nag-aalaga ng iyong sanggol at hayaan ang iyong katawan na gumaling mag-isa.
Kung nais basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!