Bakit tinitigyawat ang buntis? Ang tigyawat sa buntis ay isang karaniwang problemang nararanasan ng mga ina, lalo na sa una at sa ikalawang trimester ng pagbubuntis. Ito ay dahil naglalabas ang katawan ng ina ng hormone na androgen na nagiging dahilan ng pagdami ng sebum o oil sa mukha.
Bakit tinitigyawat ang buntis?
Ang sobrang sebum na ito ay nagiging dahilan para magkaroon ng tigyawat ang mga nagbubuntis. Sa kabutihang palad, nawawala rin ito matapos magbuntis, pero siyempre mahalaga pa rin na alagaan ng mga ina ang kanilang balat.
Image from Freepik
Ano ang natural na lunas para sa tigyawat sa buntis?
Mahalaga sa mga buntis ang paggamit ng mga natural na gamot. Ito ay dahil mas sensitibo ang mga nagbubuntis, at mabuting umiwas sa mga kemikal na posibleng makasama sa sanggol. Kaya’t pagdating sa tigyawat sa buntis, mas mabuting gumamit ng mga natural na lunas.
Heto ang ilang lunas na makakatulong upang mabawasan ang tigyawat:
1. Apple cider vinegar
Ang apple cider vinegar ay isang uri ng vinegar o suka na gawa sa apple juice. Karaniwan itong mabibili sa mga supermarket o kaya sa mga health food store.
Image from Freepik
Upang gamitin ito, ilagay lang ang ilang patak ng apple cider vinegar sa kapirasong bulak, at idampi sa iyong mga tigyawat. Nakakatulong ito upang matuyo ang mga pimples. Mabuti itong gamitin bago matulog, at pagkatapos mong maghilamos.
2. Baking soda
Ang baking soda ay nakakatulong upang matuyo ang mga pimples, at nakakapagpabilis rin ng healing ng iyong balat.
Upang gamitin ito, maghalo ng isang kutsarang baking soda sa isang kutsarang tubig. Ilagay ito sa mga pimples, at hindi sa buong mukha. Kapag tuyo na ito, ay puwede ka nang maghilamos upang tanggalin ang baking soda.
3. Mga citrus na prutas
Malaking tulong ang pagkain ng mga citrus na prutas tulad ng orange, lemon, lime, ponkan, atbp. Ito ay dahil maraming lamang alpha hydroxy acids ang mga citrus na prutas na nakakatulong para mawala ang bara ng mga pores at linisin ang balat.
Upang gamitin ang mga prutas na ito sa tigyawat sa buntis, kumuha lang ng juice, ilagay sa bulak at idampi sa iyong balat. Makakatulong ito upang ma-exfoliate ang iyong balat at matuyo ang mga pimples.
4. Honey
Ang honey o pulot ay napakaraming mga antibacterial at antispectic na properties. Bukod dito, maganda rin ang pakiramdam nito sa iyong balat.
Upang makatulong sa pagbawas ng tigyawat, ipahid lang ang pure honey sa mga lugar kung saan mayroon kang tigyawat, at iwan ito ng 20-30 minuto. Pagkatapos nito ay maghilamos ng maligamgam na tubig.
5. Coconut oil
Mainam na gamitin ang coconut oil bilang moisturizer bago matulog dahil mayroon itong antibacterial properties na nakakatulong makabawas sa tigyawat. Bukod dito, soothing ito at madaling naaabsorb ng balat.
6. Oatmeal at pipino
Ang oatmeal at pipino ay parehas na nakakatulong makabawas ng pimples at mayroon din itong soothing na effect sa balat. Upang gamitin ito, paghaluin lang ang pipino at oatmeal sa isang blender, at ilagay ito sa ref.
Image from Freepik
Kapag malamig na ang iyong mixture, ilagay ito sa balat upang magkaroon ng cooling sensation. Iwan ito ng mga 10 minuto, at maghilamos pagkatapos.
Source: Healthline
Basahin: Ika-7 week ng pagbubuntis: Ano ang nangyayari ngayong linggo?
Ano ang gamot sa tigyawat o pimples sa mukha?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!