Tiktok parental controls at Tiktok family safety mode, narito kung paano i-activate ang settings na ito sa Tiktok para sa safety ng anak mo.
Tiktok safe for kids
Isa ang Tiktok sa social networking app na kinahihiligan at kinaaaliwan ngayon ng mga Pilipino. Mapa-bata o matanda ay nahuhumaling sa app na ito. Dahil hindi tulad ng ibang social networking sites, sa Tiktok ay maaring gumawa ng sarili mong video gamit ang iba’t-ibang music o tunog na patok sa ngayon. Mas nagiging nakakaaliw pa nga ito, dahil sa challenge na ibinibigay nito sa mga users na ginagawa sa pamamagitan ng paglilip-synch, pagsayaw o pagkanta.
Bagamat, nakakatulong ito para mahasa ang talent ng isang bata maari naman itong hindi maging ligtas sa kanila. Dahil may mga videos na nagtataglay ng mga sexual contents o deadly pranks na kapag hindi mo nasubaybayan ay maari niyang magaya. Ngunit ito naman ay maiiwasan at magagawang ang Tiktok safe for kids. Ito ay sa tulong ng Tiktok parental controls at Tiktok family safety mode na puwede mong i-activate.
Tiktok account privacy
Ang unang paraan upang masigurong safe sa Tiktok ang iyong anak ay sa pamamagitan ng pagpa-private ng kaniyang account sa viral app na ito. Ito ay upang malimitahan ang exposure ng mga videos na tampok ang iyong anak sa mga kakilala o taong malalapit lang sa inyo. Gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang.
Paano gawing private ang iyong Tiktok account
1. Magpunta sa Tiktok profile page ng iyong anak at i-press ang three-dot icon sa top-right corner ng iyong screen. Mapupunta ka sa Settings and Privacy option ng Tiktok app.
2. Piliin ang Privacy at Safety.
3. Saka i-swipe pakanan ang grey na bilog na nakatapat sa Private Account option upang ito ay ma-on o ma-activate.
Sa parehong screen display ay puwede mo ring limitahan kung sino lang ang maaring mag-send ng message sa Tiktok account ng iyong anak. Ganoon din sa kung sino lang ang puwedeng mag-react, mag-like at mag-comment sa kaniyang mga videos.
Tiktok parental controls
May feature rin sa Tiktok na maari kang magamit upang ma-filter ang content na mapapanood ng anak mo. Sa pamamagitan nito ay maari mo ring mabigyan ng limit ang paggamit niya ng Tiktok. Ang mga Tiktok parental controls na ito ay iyong ma-aactivate sa pamamagitan ng sumusunod na hakbang.
Screen Time Management
Narito kung paano limitahan ang paggamit ng Tiktok ng iyong anak sa pamamagitan ng Screen Time Management feature sa Tiktok.
1. Magpunta sa Tiktok profile page ng iyong anak at i-press ang three-dot icon sa top-right corner ng iyong screen.
2. Piliin ang Digital Wellbeing sa ilalim ng General category.
3. Saka piliin ang Screen Time Management.
4. Sa Screen Time Management screen ay maari mo ng lagyan ng limit ang paggamit ng Tiktok ng iyong anak. Maari kang mamili mula sa 40-120 minutes screen time sa isang araw.
Para masigurong hindi mababago ang setting na ito sa cellphone ng iyong anak, ay maari mo itong lagyan ng passcode. Ang passcode na ito rin ang gagamitin upang magamit muli ang Tiktok sa oras na naubos o na-reach na ang screen time limit na iyong inilagay.
Restricted Mode
Para naman ma-block ang mga mature content sa Tiktok account ng iyong anak ay i-activate ang Restricted Mode. Ito ay upang maiwasan na makapanood sila ng mga sexual contents at iba pang mapanganib na pranks na maari niyang gayahin at ikapahamak. Ito ay ma-activate rin mula sa Screen Time Management setting ng Tiktok.
Narito ang mga hakbang kung paano ito i-activate.
1. Magpunta sa Tiktok profile page ng iyong anak at i-press ang three-dot icon sa top-right corner ng iyong screen.
2. Piliin ang Digital Wellbeing sa ilalim ng General category.
3. Saka piliin ang Restricted Mode.
4. I-turn on ito at lagyan ng passcode. Ito ay upang masiguro na hindi mababago ng iyong anak ang setting na ito.
Tiktok Family Safety Mode
Para mas makasigurado ay maari mo ring i-activate ang Tiktok Family Safety Mode sa account ng iyong anak. Ito ay upang magkaroon ka ng remote control sa kaniyang Tiktok account gamit ang sarili mong smartphone. Gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang.
1. Magpunta sa Tiktok profile page ng iyong anak at sa iyong smartphone. I-press ang three-dot icon sa top-right corner ng inyong parehong screen.
2. Piliin ang Digital Wellbeing sa ilalim ng General category.
3. Saka piliin ang Family Pairing.
4. Sa cellphone ng iyong anak ay piliin ang Teen, habang sa iyong smartphone ay piliin ang Parent.
5. I-sync ang iyong Tiktok account sa account ng iyong anak sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na makikita sa inyong screen.
Bilang Tiktok Parent account ay maari mo ng malagyan ng limit ang watch o screen time ng sinumang miyembro ng inyong pamilya sa Tiktok. Ganoon rin ang ma-exclude ang mga content na hindi karapat-dapat na panoorin ng iyong anak. Pati na ang masala sa kung sino lang ang maaring mag-send ng messages sa kanilang Tiktok account.
Sa pamamagitan ng mga nabanggit na features ay masisiguro mo ng ang Tiktok safe for kids talaga. Mas magiging panatag ka narin habang nagbrobrowse ng videos ang iyong anak sa social networking app na ito. Mas mahahasa ang kaniyang talent sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte. Kung papayagan mo, ay maaring makilala o ma-recognize ang galing ng iyong anak sa pagti-Tiktok. At siya ay maaring sumikat at makikilala sa buong mundo!
Source:
BASAHIN:
WATCH: TikTok challenge ni Tyronia Fowler, kaya niyo ba ng anak mo?