Cute na cute sa isang video na tinawag na #TikTokChallenge ang anak ni Toni Fowler na si Tyronia Fowler. Bigay na bigay siya sa pagsayaw ng mga patok na dance craze mula sa viral app na TikTok. Ang reward naman niya mula sa kanyang mommy, isang tub ng ice cream!
Screenshot from @tyroniafowler’s Instagram
Tyronia Fowler
Sumikat ang mag-inang si Toni at Tyronia Fowler sa social media dahil sa kanilang YouTube vlogs. Si Toni ay isang dancer pero ngayon ay mas kilala na siya bilang Mommy Toni sa YouTube. Bukod sa talented ang kanyang anak na si Tyronia, makikita rin na siya ay matalinong bata.
Screenshot from @tonifowlerpo’s Instagram
Sa viral video nga na ito, makikitang bibong-bibo siya sa pagsayaw ng mga dance craze sa nauuso ring app na TikTok. Lahat kasi halos ng mga sayaw ay kabisado na niya.
Marami namang nagsasabi sa comments na mas magaling pa nga raw ang 8-year old na ito kaysa sa kanila. Panoorin ang buong video dito:
View this post on Instagram
A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo) on
Tyronia Fowler at Toni Fowler sa social media
Screenshot from @tyroniafowler’s Instagram
Hati ang reaksyon ng mga magulang sa tuwing ang usapan ay kung dapat bang gumagamit na ng social media ang mga bata. Sa kaso naman ni Tyronia, kinalakihan niya na ito dahil ang kanyang mommy ay mayroong mahigit 1M followers. Ngayon ay mayroon na ring higit 100k followers ang bata at nagsimula na rin ng kanyang sariling YouTube channel.
TikTok for families
Ang TikTok app ay naging available noong August 2018 pero ayon sa mga pag-aaral, talagang dumami ang users nila simula noong nagka-quarantine. Dahil nga marami ang walang magawa sa kanilang mga bahay, ito ay nagsisilbing libangan na rin para sa marami.
Maraming mga viral TikTokers na mga magulang din at kadalasan nilang ipinapakita ang kanilang mga cute na anak sa videos. Labanan nga raw ng creativity dito kaya naman ngayong magkakasama ang pamilya sa bahay, talagang marami ang nawiwili dito.
Bakit nga ba maganda itong bonding para sa pamilya? Bukod kasi sa lumalabas ang creativity ng mga bata, nahahasa rin ang kanilang skills sa pag-arte, pagsasayaw at pagkanta. Mag-ingat lamang dahil mayroong mga challenge na hindi makabubuti para sa kanila. Bantayan lamang sila sa tuwing gumagamit ng app na ito, o di naman kaya ay maki-join na rin para malibang!
Isa lang sina Toni at Tyronia sa mga sumisikat na users ng app na ito. Pero moms and dads, kaya niyo bang gawin ang #TikTokChallenge na ito kasama ang inyong mga anak? I-tag na rin ang TheAsianParent sa TikTok!
BASAHIN: Skull Breaker Challenge naging dahilan ng spinal injuries ng teenager
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!