Mararanasan at mararanasan ng mommies ang phase kung saan halos hindi na tumitigil sa pag-iyak ang kanilang anak. Sa pag-aaral ng researchers natagpuan na nila ang best tip para raw mapatahan si baby.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Walang tigil ang pag-iyak ang anak? Heto ang best tip para mapatahan si baby
- Many ways how to keep your baby stay asleep at night
Walang tigil ang pag-iyak ang anak? Heto ang best tip para mapatahan si baby
Best tip para mapatahan si baby ay kargahin siya habang nakatayo at ilakad ayon sa experts | Larawan mula sa Pexels
One of the most stressful part sa pag-aalaga ng baby ay ang walang humpay na pag-iyak. Kung minsan pa, walang pinipiling araw at oras kung kailan sila mapakakalma. Ito tuloy ang pangunahing dahilan kung bakit maraming sleepless nights ang mga nanay dahil kailangan din muna silang patahanin bago magkaroon ng good night sleep.
Dahil tuloy sa problemang ito ng halos lahat ng nanay sa buong mundo, sinubukan ng experts na magsagawa ng pag-aaral hinggil dito.
The walk-sit method
“Crying infants are calmed and inclined to sleep by a 5-minute Walk/Hold, even in the daytime when the infants are normally awake.” | Larawan mula sa Pexels
Sa research na published sa Current Biology, napag-alaman na kung ang isang sanggol ay iyak nang iyak at ikaw ay nakaupo habang hawak sila sa bisig ay hindi raw effective. Nakapagtataas lang daw ito ng heart rate nila dahilan para lalo lang silang mag-tantrums.
Ang best way raw ay kargahin ang baby habang naglalakad-lakad. Nakakapagpababa raw ito ng heart rate at malaking tulong upang siya ay makatulog nang mas mabilis. Nakita nila ito sa halos kalahati ng kanilang female participants na kabilang sa pag-aaral. Sa loob lang daw kasi ng limang minutong paglalakad sa kanilang anak na umiiyak ay nakakatulog kaagad ang mga ito.
“Crying infants are calmed and inclined to sleep by a 5-minute Walk/Hold, even in the daytime when the infants are normally awake.”
Pero hindi natatapos dito ang pagsubok ng maraming magulang. Kung minsan pa matapos ilakad at makatulog ng baby, once na huminto na ay nagigising sila.
Kasunod na inaral ng researchers, nakita rin nila ang effectiveness ng tinatawag na walk-sit method. Matapos ang paglalakad ay uupo lamang sila at tuloy-tuloy lamang na nakakatulog ang baby kahit hindi na nila hawakan pa. Sa 13 sanggol ay 9 ang nakitang effective na nakatulog gamit ang method na ito.
Ganito ipinayo ng mga experts ang tamang pagpapatahan:
- Kailangan i-attach nang snugly ang katawan ng sanggol sa body ng nagkakarga nito.
- Mahalaga rin na sinusuportahan ang ulo ng anak habang pinapatahan.
- Habang inilalakad siya, kailangan na flat at clear ang passage na lalakaran.
- Kailangan din na nasa steady pace at walang abrupt na hinto at liko.
Bukod sa tips na ito, natagpuan din nila sa research na mas naikakalma ang sanggol kung ang nanay nila ang kumakarga o nagpapatahan sa kanila. Bagaman maliit na pag-aaral pa lamang at kinakailangan pang masundan ng mas matibay na ebidensya, magandang simula na ito upang makatulong sa parents sa pagpapatahan ng babies sa tuwing umiiyak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!