LOOK! Tippy Dos Santos ikinasal na sa kaniyang boyfriend na si Miguel Porcuna

Natuloy na rin ang pinakahihintay na wedding ng dating VJ na si Tippy Dos Santos at kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Porcuna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natuloy na rin ang pinakahihintay na wedding ng dating VJ na si Tippy Dos Santos at kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Porcuna.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Tippy Dos Santos wedding with Miguel Porcuna
  • Pagsubok dulot ng COVID-19
  • Paano nagsimula ang pag-iibigan nina Tippy at Miguel

Tippy Dos Santos wedding with Miguel Porcuna

Engrande ang naging wedding nina Tippy at Miguel na ginanap sa The Emerald Events Place sa Antipolo noong nakaraang linggo.

Nagmistulang dyosa si Tippy suot ang white wedding gown na gawa ni Mark Bumgarner. Habang ang kanyang mister naman ay simpleng suit and tie ang sinuot sa kasal.

Present sa Christian wedding nina Tippy at Miguel sina Robi Domingo at Ai dela Cruz, na nagsilbi ring host sa reception. Sina Robi at Ai ay nakasama ni Tippy noon nang magsilbi itong VJ sa dating music channel na MYX.

Bukod sa dalawang MYX VJ, dumalo rin sa naturang kasal si Sam Concepcion na dating naka-duet ni Tippy.

Matatandaan na noong 2013 ay naging hit song ang kanta nina Tippy at Sam na ‘Dati’. Kaya naman hindi pinalampas ni Sam ang pagkakataon na i-perform ang naturang awitin sa kasal ng kanyang dating ka-partner sa entablado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 

Sa Instagram post ni Tippy, binahagi niya ang ilang larawan sa kanilang wedding, na kanyang nilarawan bilang “The happiest day of my life.. so far.”

Nagpasalamat din si Tippy sa kanyang pamilya, pati na rin sa mga mahal sa buhay ni Miguel. Wika ni Tippy, simula pa lang noong una ay tinanggap na siya ng pamilya ng kanyang mister.

“I promise to take care of Miguel and to always give him the love you all have shown me that he deserves. I love you all!!!”

Sweet naman ang naging message ni Miguel para kay Tippy, sinabi niya na ang singer ang pinangarap niyang mapakasalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Super thankful and blessed because I finally married the woman of my dreams! You truly bring out the best in me and you always push me to do better.”

Ilan sa mga bumati kina Tippy at Miguel ay sina Yassi Pressman, Dominic Roque, Bangs Garcia at ang misis ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing.

Larawan mula sa Instagram account ni Tippy Dos Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK! Vloggers Vien Iligan at Junnie Boy kinasal na!

Joross Gamboa on why his wife doesn’t get jealous: Siya ang pinakasalan ko, siya ang mahal ko

LOOK! Crash Landing On You stars Hyun Bin at Son Ye-Jin kasal na

Pagsubok dulot ng COVID-19

Matatandaan na noong January 2022 ay inanunsyo ng dalawa na mauusog ang kanilang wedding dahil sa biglaang pagsirit ng COVID-19 case sa bansa.

Sa Instagram post ni Tippy, sinabi nito na hindi muna nila itutuloy ang kanilang pag-iisang dibdib bilang pag-iingat na rin sa kaligtasan nila at kanilang mga guest.

“The comeback is always stronger than the set back, so get ready for the wedding of a lifetime.”

Pagpasok ng bagong taon ay nilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil na rin sa pagkalat ng Omicron variant sa bansa.

Nitong Abril ay nagluwag na ang gobyerno at nilagay na sa pinakamababang alert level status ang karamihan ng lugar sa bansa.

 
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Tippy Dos Santos

Paano nagsimula ang pag-iibigan nina Tippy at Miguel

Naikwento ni Tippy sa isang vlog na una niyang nakilala si Miguel noong pang 2012. Dalagita pa lamang siya noon sa edad na 15.

Taong 2016 nang umusbong ang magandang pagtitinginan ng dalawa noong yayain ni Miguel si Tippy sa isang concert.

“Noong January 2016, may concert ‘yong Oh Wonder. Si kuya mo randomly may padalang cookie shots tapos may mixed CD, tapos may letter na he wanted to take me to the concert.”

Ngunit lahad ni Tippy, tinanggihan niya ang imbitasyon ni Miguel noon dahil hindi pa niya ito lubusang kilala.

Hanggang sa magkasama sila sa isang flight at doon na niyaya ni Miguel si Tippy at ang mommy nito na pumasyal sa USA.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Christmas Eve noong 2020 ay inanunsyo ni Tippy na engaged na sila ni Miguel. Ipinakita niya ang kanilang wedding ring sa Instagram.

Message ni Tippy kay Miguel sa kanilang engagement, “Since October 30, 2016, after flight PR102, you have made each day brighter. I can’t wait to start this new chapter with you, my love.”

Bukod sa pagiging singer at aktres, si Tippy ay kasalukuyang nag-aaral ng law sa University of the Philippines-Diliman. Habang si Miguel naman ay piloto sa Philippine Airlines.

Larawan mula sa Instagram account ni Tippy Dos Santos