Ilang tips sa sex para maglevel-up ang experience ng mag-asawa sa kama

Fun at exciting naman ba sex life niyong mag-asawa? Narito ang ilang tips sa sex para naman maglevel-up ang experience ninyo sa kama!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba-iba ang karanasan ng bawat mag-asawa sa kanilang sex life. Sa iba fun and exciting sa simula hanggang sa unti-unting nagiging boring. Ang iba naman ay pasaya nang pasaya ang sex life habang tumatagal ang kanilang pagsasama. Ano man ang iyong nararanasan, narito ang ilang tips sa sex para naman maglevel-up pa ang experience ninyong mag-asawa sa sex!

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ilang tips sa sex para maglevel-up ang experience ng mag-asawa sa kama
  • Benefits ng pagiging mindful sa sexlife ninyo ni partner

13 tips sa sex para maglevel-up ang experience ng mag-asawa sa kama

Isa sa pinaka masasayang ginagawa ng mag-asawa ang pakikipag-sex o pakikipagtalik. Bukod kasi sa date, ito ang pinaka-intimate na ginagawa ng magkasintahan.

Iba-iba ang karanasan ng bawat magkarelasyon sa pagtatalik. Mayroong palaging magkasabay na naaabot ang orgasm. Mayroon din naman isa lang ang nakakaranas. Isa sa mainam na gawin para magkaroon ng effective na pakikipagsex ay ang pagiging mindful.

Ang mindfulness ay ang pagpapabagal ng proseso ng arousal.  Ito ay nakatutulong sa masarap na pakikipagtalik. Hindi naman kasi lahat ay naaabot ang orgasm sa mabilisang proseso o fast sex.

Ayon pa sa mga pag-aaral ang mga lalaki raw na pinapraktis ang pagiging mindful ay napauunlad ang erectile issues at tumataas ang sexual satisfaction. Habang sa kababaihan naman ay naiimprove ang tamang galaw sa sex.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Kung naku-curious kung paano tio magagawa narito ang ilan sa  tips para maging mindful sa tuwing nakikipagsex sa inyong asawa:

  1. Iwasang mag-overthink tungkol sa iyong performance o sexual dysfunction
  2. Mag-try na i-build ang confidence at self-esteem sa tuwing nakikipagtalik
  3. I-dismiss ang mga mapanghusgang ieya at subukang i-slow down ang thougths sa isipan
  4. Iwasan maistress at mapagod ang pisikal na pangangatawan
  5. Matutong i-acknowledge ang mga emosyon at nararamdaman
  6. Pansinin ang bawat galaw at sensayon ng parehong katawan ninyo ng partner
  7. Damhin ang sarap ng bawat paghawak ng asawa sa parte ng katawan maging ang amoy nito
  8. Mag-reconnect sa bawat moment ng pakikipagtalik
  9. Communicate with your partner kahit habang nakikipag-sex
  10. I-reveal sa partner ang totoong sarili
  11. Maging curious kaysa maging judgemental
  12. Iwasang sisihin ang sarili dahil sa hugis at laki ng iyong katawan
  13. I-recognize na gusto ng iyong partner ang iyong katawan at buong pagkatao

Ilan lamang ito sa mga tips na makakatulong sa inyong sex life ni partner. Kung maipa-practice ang lahat ay tiyak na lelevel-up ang pareho ninyong experience.

BASAHIN:

3 reasons kung bakit mahalaga ang “after sexcare”

7 dahilan kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang iyong partner

Hindi na ba kayo madalas nagtatalik ni mister o misis? Ito umano ang epekto at maaaring dahilan nito

4 benefits ng pagiging mindful sa sexlife ninyong mag-asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Ngayong alam mo na ang ilang tips sa pagiging mindful sa sex, alamin din natin ang iba’t ibang benefits nito.

1. Nakababawas ng anxiety

Nakadadagdag balakid sa arousal ang anxiety. Ito ang kadalsang nagdadala ng takot, stress, pagkahiya na maaaring magdulot ng muscle tension. Ang pagkakaroon ng anxiety sa sex ay pwede ring madala hanggang sa kabuuang relasyon.

Sa pagiging mindful natitigil nito ang pagiging anxious at maaaring maregain muli ang control sa sex. Sa ganitong paraan din ay may nabubuo ang connection ng dalawang mag-asawa sa isa’t isa. Maituturing kasing antidote ang mindfulnexx laban sa sexual anxiety at sexual stress.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Nakauunlad ng sexual desire

Stress at mga problema sa buhay ang kadalasang nakaaapekto sa sexual desire ng tao. Kung masyado nang nalulunod sa mga concerns na ito ay maaaring bumaba nang tuluyan ang libido.

Sa tulong ng pagiging mindful, nababawasan nito ang pagiging focus masyado sa sex. Kaya naman nagkakaroon ng parte ang sexual desire sa tao.

3. Mas nagiging masaya ang experience sa kama

Larawan mula sa Shutterstock

Common na kaisipan sa tao na kung ang sex ay mabilis, ito ay masarap. Kadalasan maiisip mo pa, nangyari ba talaga iyon? Ganito ang nararamdaman kapag masyadong nagmamadali sa arousal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung mas mindful ang mag-asawa at binibigyang pansin ang bawat galaw ay mas masarap ang pakikipagtalik. Sa pagsulit ng bawat moments ay nananamnam niyo maging ang maliliit na detalye ng sex.

4. Pagkakaroon ng maraming orgasm

Sa mga kababaihan, ang pagiging mindful ay nakapagbibigay ng empowerment sa kanila. Kaya mas nagiging maganda ang bawat galaw nila sa sex.

Ganoon din ang epekto nito sa mga kalalakihan. Ayon pa sa mga pag-aaral, ang mga mag-asawa raw na mindful at nakararanas ng consistent na orgasm at mas satisfied sa kama.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva