Naging makakalimutin ako simula ng naging nanay na ako

Madalas ka bang maka-misplaced ng gamit o kaya naman ay makalimot ng pangalan o date? Mommy, mumnesia ang tawag diyan at ito ang paliwanag ng mga eksperto kung bakit ito nangyayari. Pati na ang mga tips para ma-improve ang iyong memory.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips to improve memory para sa mga nanay na makakalimutin at ang dahilan bakit ito nangyayari.

Image from Freepik

“Mumnesia” o ang pagiging makakalimutin ng mga ina

Maliban sa malaking pagbabago sa ating katawan ay may isa pang pagbabagong kapansin-pansin sa ating nanay. Ito ay ang pagiging sobrang makakalimutin. Tulad na pagkalimot kung saan nailagay ang bagay na kanina ay hawak mo lang. O kaya naman ang dapat na sunod mong gagawin na ilang segundo lang ang nakalipas ng maisip mo. Marami sa atin ang nakakaranas nito, at kilala ito sa tawag na “mumnesia” o “baby brain”.

Pero bakit nga ba nangyayari ito at ano ang maari nating gawin upang ma-overcome ito?

Paliwanag ng mga eksperto

Dahil sa pag-fofocus sa pag-aalaga kay baby

Ayon sa mga neuroscientist at psychiatrists, ang mumnesia phenomenon na nararanasan ng mga ina ay dulot ng fatigue, hormonal changes at stress. Ang tatlong ito kapag pinagsama-sama ay nagreresulta umano sa memory loss. Dagdag pa ang pag-fofocus na ginagawa ng isang bagong ina sa pangangailangan ng baby niya.

“New mothers are dedicated to serving that little infant, determined to keep him or her alive no matter what. That’s their number one priority above all else.”

“Consequently, less important matters get forgotten, or at least put into a less active area of the brain.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni ng nuero-psychiatrist na si Louann Brizendine tungkol sa mumnesia.

Ito ay defense mechanism ng katawan ng isang babae

Habang ayon naman kay Dr Sharon Phelan, gynecologist mula sa New Mexico School of Medicine, ang pagiging makakalimutin ay defense mechanism ng katawan ng mga babae upang makalimutan ang sakit ng panganganak.

“If our memories didn’t fade, we would never have sex again.”

Ito naman ang pinunto ni Dr. Phelan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Dahil sa hormonal changes at fatigue

Itinuturo ring dahilan ng mumnesia ang hormonal changes na nararanasan ng isang babae kapag buntis at nakapanganak na. Dahil ang mga hormones na ito ay nag-sesend ng signal sa ating utak na may kaugnayan sa ating recall at memory.

Idagdag pa ang fatigue na dulot ng kawalan ng maayos na tulog dahil sa pag-aalaga sa ating bagong silang na anak. Paliwanag nga ng mga researchers, ang isang ina ay nawawalan ng hanggang sa 700 hours of sleep o 2 oras kada gabi ng tulog sa unang taon ng pangangak sa kaniyang baby. At ito ay may malaking impact sa kaniyang memory.

“Fatigue is a killer issue for memory. Studies suggest people may replay events of the day in their minds while they sleep. When people don’t sleep, or if their sleep is fragmented, events of the day may not be consolidated into long-term memories.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito naman ang pahayag ng neuroscience professor na si John Gabrieli mula sa Massachusetts Institute of Technology. Dagdag pa niya mas nagiging makakalimutin pa nga daw ang mga breastfeeding moms. Dahil sa hormonal changes na nagagawa ng pagpapasuso sa katawan ng isang babae.

“Breast-feeding also increases the time women suffer from this forgetfulness because it circulates hormones which help mothers relax and promote a “mellow, mildly unfocused feeling”.

Kaya naman mula sa medikal na paliwanag na ito ay masasabi nating ang pagiging makakalimutin ay hindi maiiwasan ng mga nanay. Pero may mga paraan naman para masolusyon ito. At ito ay sa pamamagitan ng mga tips to improve memory na sumusunod:

Tips to improve memory

1. Matulog ng maayos hangga’t maari.

Para ma-maintain ang critical thinking skills ng isang adult ay kailangan niya ng hindi bababa sa 7.5 na oras ng tulog gabi-gabi. Ito rin ay mahalaga para sa kaniyang problem-solving abilities at memory consolidation. Kaya naman kung maari ay magpahinga at kumuha ng sapat na tulog. I-improve ang iyong sleep pattern sa pamamagitan ng pag-iwas sa caffeine matapos ang 6pm. At pag-iwas sa screens o cellphone isang oras bago matulog.

2. Maglaro ng memory games

Para ma-challenge at muling mahasa ang memory ng iyong utak ay maglaro ng memory games. Nakakatulong ito sa pag-iimprove ng memory sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong neutral pathways sa ating utak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

3. Mag-exercise.

Tulad ng pag-eexercise ng memory games sa ating utak ay mahalaga rin ang physical exercise. Dahil sa tulong nito ay nadagdagan ang flow ng oxygen sa utak na nagpapababa ng tiyansa ng pagkakaroon ng mga sakit tulad ng diabetes na madalas na nagreresulta sa memory loss.

4. Mag-maintain ng healthy relationships.

Makipag-socialize, dahil ang pakikipag-interact sa ibang tao ay isang poweful way para ma-exercise ang ating utak. Nakakatulong rin ito sa pagkakaroon ng strong emotional health na may positibong epekto sa memory retention.

5. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain.

Ang iyong kinakain ay nakaka-apekto sa iyong energy levels pati na sa ability mong mag-concentrate. Kumain ng mga pagkaing rich in carbohydrates upang i-energize ang iyong utak. At limitahan ang mga pagkaing may saturated fats at uminom ng green tea na nakakatulong para mapabagal ang brain ageing.

6. Magkaroon ng sistema sa pag-oorganize ng iyong mga gamit.

Makakatulong ang pagkakaroon ng dedicated area o launch pad na maari mong lagyan ng mga bagay na lagi mong ginagamit. Tulad ng susi, charger, cellphone, wallet at iba pa. O kaya naman ay maglaan ng dedicated box sa kada gamit tulad ng libro, pens, bags para ito ay maging organize at madaling hanapin. Isang mabisang paraan naman upang hindi makalimot sa mga appointments ay ang pag-seset ng alarm at reminder sa iyong cellphone.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamit ang mga tips to improve memory na mga ito ay siguradong mababawasan ang stress na dulot ng iyong pagiging makakalimutin. At mai-enjoy muna ang mga little but unforgettable moments kasama si baby at ang iyong hubby.

 

SOURCE: DailyMail UK, Psychology Today

BASAHIN: Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia