X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia

3 min read
Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia

Constipation nauwi sa temporary memory loss ng isang babae.

Hirap sa pagdumi o constipation ang naging dahilan umano para pansamantalang mawalan ng memorya ang isang babae sa Hong Kong.

Babaeng nawalan ng memory dahil sa hirap sa pagdumi

Ayon sa report ng China Press, isinugod sa ospital ang constipated na babae nang mapansin ng mga kaanak nito na tila nagkaroon ito ng memory lapse. Ngunit nang tingnan ng doktor ay nakitang normal naman ang brain function niya.

Makalipas ang walong oras ay naka-recover ang babae at unti-unting bumalik ang nawalang memorya niya. Bagamat hindi na niya matandaan ang mga nakalipas na oras na nawala umano ang kaniyang ala-ala.

Hirap sa pagdumi

Image from Freepik

Transient global amnesia

Ayon sa neurologist na si Dr. Peng Jiaxiong, ang episode na nangyari sa babae ay tinatawag na transient global amnesia. Ito ay isang kondisyon na tinatawag ding internal jugular vein valve incompetence na kung saan hindi nagiging normal o nakukumpromiso ang daloy ng dugo sa utak ng isang tao.

Ito daw ay nangayayari kapag nakukulangan ng oxygen ang utak gaya ng dahil sa labis na pag-ire ng mga taong hirap sa pagdumi.

Bagamat bihira ang kondisyon na ito ay ipinapaalala ng doktor na ang mga constipated, nagbubuhat ng mabibigat na bagay o nakakaranas ng matinding emosyon ang mas mataas ang tiyansang magkaroon nito.

Ang iba pang maaring maging dahilan ng transient global amnesia ay ang sumusunod:

  • Biglang paglubog sa malamig o mainit na tubig
  • Sexual intercourse
  • Medical procedures tulad ng angiography o endoscopy
  • Mild head trauma
  • Acute emotional distress na maaring dulot ng bad news, conflict o overwork

Samantala ang sintomas naman ng transient global amnesia ay ang sumusunod:

  • Biglang pagkawala ng ala-ala ng isang tao
  • Kahit nawalan ng ala-ala ay nakikila parin ang sarili o kaniyang identity
  • Normal cognition o nakakilala parin ng tao o bagay at nakakasunod sa mga simple directions
  • Hindi nakakaranas ng mga sintomas na palatandaan ng brain damage tulad ng limb paralysis, involuntary movement o impaired word recognition.

Ang iba pang dagdag na sintomas na maaring makatulong para matukoy kung transient global amnesia ang nararanasan ng isang tao ay ang sumusunod:

  • Pagkawala ng ala-ala sa loob ng 24 oras o mas maikli
  • Paunti-unting pagbalik ng ala-ala
  • Hindi nakaranas ng head injury
  • Hindi nakaranas ng seizure sa mga oras na nawalan ng ala-ala
  • Walang history ng active epilepsy

Paalala ni Dr. Jiaxiong sa kung sinumang makaranas ng sintomas ng memory loss pagtapos umire dahil sa hirap sa pagdumi ay pumunta agad sa doktor at magpakonsulta. Dahil ang kondisyon daw na ito ay maaring lumala at mauwi sa stroke.

Noong 2016 ay may naitala ring kaso ng transient global amnesia sa isang 58-anyos na babae sa Taiwan. Bigla nalang daw nawala ang memorya nito matapos makaranas ng constipation at makaranas ng intense emotions dahil sa panonood ng isang political talk show.

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: Asia One, Mayo Clinic

Basahin: 9 home remedies para sa tibi o constipation

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia
Share:
  • 9 na dapat mong malaman kung bakit hirap dumumi ang bata

    9 na dapat mong malaman kung bakit hirap dumumi ang bata

  • Hirap sa pagdumi ang baby? Narito ang dapat mong gawin!

    Hirap sa pagdumi ang baby? Narito ang dapat mong gawin!

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 9 na dapat mong malaman kung bakit hirap dumumi ang bata

    9 na dapat mong malaman kung bakit hirap dumumi ang bata

  • Hirap sa pagdumi ang baby? Narito ang dapat mong gawin!

    Hirap sa pagdumi ang baby? Narito ang dapat mong gawin!

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.