Tiyan matapos manganak ng isang ina, iniyakan ng kaniyang asawa!

Maraming pagbabagong pinagdadaanan ang tiyan matapos manganak ang isang ina. At dahil dito, nag-viral ang video ng amang naiyak sa pinagdaanan ng asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maikakaila na maraming pagbabagong pinagdadaanan ang isang nagbubuntis na ina. Bukod dito, may mga pagbabago ring nagaganap matapos ang kaniyang panganganak. Kasama na rito ang pagbabago sa kaniyang tiyan matapos manganak.

Dahil dito, nagkakaroon ng hindi magandang self-image ang mga ina, na minsan ay nagiging sanhi pa ng postpartum depression. Kaya’t sa isang viral video, kitang-kita ang pag-unawa at pagmamahal ng isang asawa sa kaniyang asawa matapos nitong manganak.

Ano ang nangyayari sa tiyan matapos manganak?

Madalas ay hindi gaanong napag-uusapan ang nangyayari sa katawan ng ina matapos niyang manganak. Ngunit importanteng malaman ng mga tao na dahil sa mga pagbabagong pinagdaaanan ng isa sa pagbubuntis, nagkakaroon din ng pagbabago ang katawan ng isang ina.

At kasama na rito ang pagkakaroon ng post-pregnancy belly.

Heto ang naging hitsura ng tiyan ng isang ina matapos manganak. | Source: TNP Media

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman lahat ng babae ay nagkakaroon ng ganitong katinding post-pregnancy belly. Ang iba nga, halos walang pinagbago ang kanilang tiyan matapos manganak. Pero gayunpaman, iba-iba ang katawan ng bawat ina, at iba-iba rin ang kanilang mga pinagdaraanan matapos manganak.

May mga pagkakataon din na nagkakaroon ng postpartum depression ang mga ina matapos nilang manganak. Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari, pero minsan ito rin ay dahil sa kanilang body image.

Maraming ina ang pakiramdam na “pangit” na sila at hindi na babalik ang katawan nila sa dati matapos manganak. 

Kaya mahalaga para sa mga ama na ipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga asawa. At sa isang video na nag-viral kamakailan, kitang-kita kung paano ipinakita ng isang ama sa asawa niya na mahal na mahal niya ito, kahit ano pa ang maging hitsura niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panoorin dito ang video:

 

Ano ang postpartum depression? 

Hindi lang pisikal ang nagiging pagbabago ng mga ina kapag sila ay nabuntis. Nagkakaroon din ng mga sikolohikal na pagbabago ang mga ina. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng postpartum depression.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang postpartum depression ay isang uri ng depression na nangyayari sa mga ina matapos nilang manganak. Iba-iba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng postpartum depression ang isang ina, pero iisa lang ang mga sintomas nito:

  • Pagkakaroon ng matinding mood swings
  • Malalang anxiety o pagkabahala
  • Matinding kalungkutan
  • Pagkainis
  • Bigla na lang umiiyak
  • Nahihirapang kumain
  • Nahihirapang matulog
  • Madaling magalit
  • Matinding pagod
  • Pagkakaroon ng panic attack
  • Iniisip na saktan ang sarili o ang anak
  • Iniisip na magpakamatay

Kapag napabayaan ang postpartum depression, posible itong tumagal ng ilang buwan o higit pa. Kaya’t mahalagang magpatingin sa doktor o sa therapist upang magamot ang postpartum depression.

Hindi dapat ikahiya o ikatakot ng mga ina ang pagkakaroon ng postpartum depression. Kapag nararamdaman ninyo ang mga sintomas na ito, at sa tingin niyo ay nakakaapekto na ito sa pang araw-araw mong pamumuhay, mahalagang magpatingin na sa doktor, hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa iyong pamilya, lalong-lalo na sa iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: TNP MediaMayo Clinic

Basahin: 5 times Chrissy Teigen didn’t give in to mom-shaming

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara