25 toaster oven recipes na mura at madali lang gawin

Nauubusan ka na ba ng idea kung ano ang iluluto? Subukan itong mga mura at madali na toaster oven recipes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala ka na bang maisip na iluluto? O gusto mo lang maging creative sa paghahanda ng pagkain? Narito ang ilang easy at affordable na toaster oven recipes!

Toaster oven recipes for breakfast

  • Breakfast Pizza

Image from Pinterest

Simple lang ang paggawa ng breakfast pizza, lagyan lang ang loaf bread ng itlog, kaunting meat, kamatis, sibuyas at kung ano pa ang gusto mong toppings saka ito ilagay sa toaster oven. Iwanan lamang sa toaster ng 8-10 minutes ang bread at ito ay ready to eat na!

  • Toasted ham

Imbis na i-prito ang sweet ham, subukan itong i-bake sa toaster oven. Nagbibigay kasi ito ng mas crispy at less oily na effect sa ham. Gawin lamang creative ang pagpe-prepare ng simpleng pagkain na ito.

  • Garlic bread

Kung sawa ka na sa tinapay at normal na palaman for breakfast, subukang gumawa ng garlic bread toast! Lagyan lamang ng butter at crushed garlic ang tinapay at ilagay ito sa toaster ng 10 to 12 minutes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Food Network

  • Baked eggs

Kung gusto mo ng hard-boiled egg na may consistency pa rin ng fried egg — maari mong i-bake ang itlog! Gumamit lamang ng muffin tin at ilagay ang itlog sa bawat butas ng muffin tin. Lagyan ito ng pepper at salt at iwanan ng 17 minutes sa toaster oven.

  • Bacon

Image from Pinterest

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Puwede mo ring iluto sa toaster oven ang bacon kung hindi mo gusto ang pagtalsik talsik nito kapag naka-deep fry. Mas nagiging malasa rin ito dahil puwede mong lagyan ng additional maple syrup habang nasa pan!

  • Tuna melt

Katulad lang din ng breakfast pizza, ipapalaman ang tuna sa tinapay saka lalagyan ng iba pang toppings katulad ng itlog. Saka ito ilalagay sa toaster oven at hihintaying mag-bake.

Toaster oven recipes for lunch or dinner

  • Garlic roasted beans

Image from Pinterest

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sanay tayo sa ina-adobo na beans, ngunit alam mo bang puwede ring i-bake o roast ang beans? Lagyan lang ito ng mga pampalasa at i-bake for 20 to 25 minutes para maging mas crispy!

  • Baked Tofu

Para naman sa baked tofu, ang pinakamahalagang parte ng pagluluto nito ay ang pag-marinate. Siguraduhin na nasipsip muna ng tofu ang mga pampalasa bago ito isalang sa toaster oven. I-cut din ito para maging bite-sized at saka ilagay sa oven ng 10 minutes.

  • Garlic Chicken

Image from Pinterest

Ang garlic chicken naman ay kinakailangan ding i-marinate for 30 minutes at i-refrigerate bago ilagay sa oven. Para kumapit ang lasa ng garlic, haluan din ito ng olive oil at soy sauce. I-wrap muna ito ng foil bago iwanan sa toaster oven for 25 to 30 minutes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Baked pork chops

Ang meat ay mas mahirap at matagal i-bake lalo na kung toaster oven lamang ang gamit mo. Ngunit ang maganda rito ay mas healthy na paraan ng pagluluto ng pork ang baking kaysa prito. Para sa baked pork chops, kailangan mo lang din i-marinate ang baboy at saka i-bake ito hanggang maging golden brown ang kulay. Kadalasang 30 minutes itong iniluluto kung sa toaster oven.

  • Roasted broccoli

Image from Pinterest

Perfect ang recipe na ito para sa mga bata na hindi masyadong mahilig sa gulay. Puwede mo kasing haluan ang roasted broccoli ng carrots at magiging mas malasa ito at matamis. Kung para naman sa mga adults, puwede rin itong gawing medyo maanghang sa pamamagitan ng pagdagdag ng chili flakes at paminta. I-bake ito for 10-16 minutes.

  • Chicken tenders

Kung ayaw mo na mahirapan sa pag-chop ng manok, maari ka nang makabili ng chicken tender cut sa grocery. Pagkatapos nito ay lagyan ito ng breading at gumamit ng itlog para mas maging malasa at makapit ang breading. I-bake ito sa oven for 20 minutes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Baked fish

Puwede ka ring bumili ng pre-cut na fish fillet sa grocery at saka ito budburan ng mga pampalasa gaya ng paminta, toyo, sibuyas at bawang. Ibalot ito sa foil at saka i-bake for 8 to 10 minutes. Ingatang hindi ito ma-over bake dahil malambot ang isda at maari itong maghiwa-hiwalay kung masobrahan sa oras ng bake.

  • Baked eggplant

Image from Pinterest

Katulad ng paglalagay ng breading sa chicken tenders, haluan lang ang na-chop na talong ng egg at saka lagyan ng breading. I-bake ito for 20 to 25 minutes para masigurong luto ang loob nito.

Toaster oven recipes for dessert or snacks

  • S’mores

Image from Pinterest

Ito na ata ang pinaka-simpleng dessert na puwede mong gawin! Kailangan mo lamang ng graham crackers, marshmallow at chocolate. I-layer lang ito saka ilagay sa toaster oven for 2 to 3 minutes. Ulitin lamang ang procedure hanggang sa makagawa ng marami.

  • Banana bread

Image from Pinterest

Ngayong quarantine, napakaraming gumagawa ng banana bread dahil isa ito sa mga madaling i-bake na loaf bread. Magandang paraan din ito para makain pa ang mga saging na pabulok na. Ang kailangan mo lang gawin ay paghaluin ang mashed na saging, itlog, mantika at vanilla extract. Maghiwalay din ng mixture ng flour, asukal, baking soda at asin. Saka paghaluin ang dalawang mixture at i-bake ito ng 24 to 28 minutes.

  • Roasted nuts

Kung gusto mo namang gumawa ng sarili mong snack, puwede ring i-roast ang mani sa toaster oven. Lagyan lang din ito ng mantika upang hindi magdikit-dikit at masunog.

  • Grilled cheese

Ang grilled cheese naman ay simple lang din. Tulad ng garlic toast, lalagyan lang ng cheese ang tinapay at hahayaan itong mag-melt. Iwanan lang ito ng mga 3 minutes kada set.

  • Mojos

Image from Pinterest

Mabusisi ang paggawa ng mojos. Bukod sa kailangan muna itong isalang sa toaster oven, ipini-prito rin ito pagkatapos. Maglaan ng kahit 2 hanggang 3 minuto para mag-cool down ang mga patatas mula sa microwave. Pagkatapos nito ay ipaghalo na sa isang bowl ang fried chicken breading, asin at paminta. Ilubog naman ang mga patatas dito at siguraduhin na covered ito ng breading at i-prito.

Simple lang ang mga recipes na ito kaya naman subukan na ito at pasayahin ang iyong pamilya!

 

Source:

Tasty, Greatist, Toaster Oven Love

Basahin:

Pinoy quarantine recipes na may murang ingredients at madaling gawin

Sinulat ni

mayie