Best Baby-Safe at Kid-Friendly Mosquito Repellent In The Philippines
Ang isang kagat ng lamok ay maaaring magdala ng sakit. Kaya narito ang listahan ng mga mosquito repellant na safe para sa babies.
Walang pinipiling araw, lugar o panahon ang mga lamok. Maaraw man o maulan, nasa bahay man o kahit saang lugar, may kakayahan silang umatake at kagatin ang iyong anak.
Bukod sa pag-iingat at pag-iwas sa mga lamok, mabuting malaman din ng mga magulang ang pangontra sa mga lamok. Upang makasigurado na 24/7 protektado ang anak mo laban sa mga ito, kinakailangan nila ng mosquito repellent na ligtas at mabisang gamitin. Alamin sa artikulong ito ang 10 best mosquito repellent na specially made para sa mga baby at mga bata.
Talaan ng Nilalaman
When are mosquitoes most active?
Isa sa mga factor to remember ay ang kinakalakihang environment ng isang bata. Kung kayo ay nakatira malapit sa mga estero, matubig na lugar o malapit sa ilog, mataas ang risk na malamok sa area niyo.
Kadalasang aktibo ang mga lamok sa araw. Dahil ito sa matinding sunlight sa isang area. Mayroon namang ibang uri ng lamok na mas aktibo sa gabi dahil sensitive sila sa sikat ng araw na maaaring makapatay sa kanila. Ang mga lamok na lumalabas sa gabi ay kadalasang nagtatago sa umaga kung saan tirik ang araw.
Kaya mahalagang mag ingat ang mga magulang na makapasok ang lamok sa inyong bahay. May iba kasi na nagtatago lang sa umaga atsaka sa gabi lalabas at mangangagat.
Tungkol naman sa season ng paglabas ng mga lamok, karamihan sa atin ay akala na tuwing summer lang mas aktibo ang mga lamok. Ngunit tandaan na hindi ito sa season, ang paglabas ng mga lamok ay nakadepende sa temperatura ng isang lugar.
SOURCE: Mosquito Magnet
Sintomas ng Dengue
Ang isang kagat ng lamok ay maaaring magdala sa’yo ng sakit. Kung sakaling matagal na ang lagnat ng anak mo at pakiramdam mong Dengue na ito, maaari lang na ipakonsulta na siya agad sa doctor. Ang mga sintomas ng dengue ay karaniwang nakikita pagkatapos ng anim hanggang sampung araw.
Narito ang mga sintomas ng dengue:
- Mataas na lagnat
- Pagsusuka ng bata
- Skin Rashes
- Pananakit ng mga muscles
- Pagdurugo ng ilong o gums
- Pananakit ng ulo
- Fatigue
- Pananakit ng mga mata
Best Mosquito Repellent na safe para sa babies at kids
Skin Shield Lotion
Best Overall
Una sa aming listahan ay ang Skin Shield Lotion mula sa Human Nature dahil isa ito sa mga mosquito repellant na safe for babies.
Napili namin ang mosquito repellent na ito bilang best overall sapagkat bukod sa effective ito sa pagbibigay ng proteksyon sa insect bites ay gawa ito sa 100% natural ingredients.
Wala itong halong harmful chemicals gaya ng parabens, synthetic fragrances at mineral oil kaya’t sure na safe ito gamitin ng buong pamilya.
Ang produktong ito ay gawa sa citronella oil, soybean oil at eucalyptus oil na bukod sa mayroong insect repellent effect ay nakakapagpanatili ng moisture ng balat. Makakasigurado kang gentle ang lotion na ito sa balat kaya’t maiiwasan ang anumang iritasyon. Bukod pa rito, hindi rin ito nag-iiwan ng heavy at malagkit na pakiramdam kaya’t komportable ito ipahid kahit sa mainit na panahon.
Features we love:
- Anti-insect bite lotion
- Natural
- Walang halong harmful chemicals
Happy Life Organics Deet & Mosquito Free Lotion
Best Natural
Hindi kinakailangang gumamit ng mga strong chemicals upang maging effective ang isang mosquito repellent. Kaya’t para sa mas ligtas na pag-iwas sa anumang insekto, lalo na sa lamok, gumamit ng all natural repellent gaya ng lotion na ito mula sa Happy Life Organics.
Ang mosquito repellent lotion na ito ay plant-based at walang halong synthetic ingredients at iba pang harsh chemicals. Bukod sa binibigay nitong proteksyon sa mosquito bites, nag-iiwan ito ng refreshing feeling at moisture sa balat. Safe ito gamitin ng buong pamilya, ngunit para sa mga babies na may mga health at skin concerns, nararapat lamang na kumonsulta muna sa inyong trusted healthcare provider.
Features we love:
- Plant-based mosquito repellent lotion
- Malamig sa balat
- Safe para sa buong pamilya
Grace Kids Watch Anti Mosquito
Best Wearable
Napaka-innovative ng mosquito repellent watch na ito mula sa Grace Kids kaya naman isa rin ito sa mga mosquito repellant na safe for babies. Mayroon itong iba’t ibang cute designs na siguradong magugustuhan ng iyong chikiting kaya’t hindi ka mahihirapang isuot ito sa kanya. Adjustable ang strap ito at napakalambot kaya naman komportable itong gamitin.
Higit pa roon, ito ay gawa sa all natural materials kaya’t safe ito ipagamit sa iyong anak. Kaya nitong magbigay ng proteksyon mula sa lamok hanggang sa loob ng 30 days kaya’t ito ay sulit din bilhin. Hindi rin ito madaling matanggal sa kamay ng iyong anak sapagkat ito ay may makapit na clasp na nagsisilbing lock nito.
Features we love:
- Wearable mosquito repellent
- Gawa sa all natural materials
- 30 days protection
OFF! Kids Lotion
Best for Kids
Isa sa most trusted mosquito repellent brands dito sa ating bansa ay ang OFF! Maaaring maging ikaw ay nakagamit na ng lotion brand na ito noong ikaw ay bata pa, at napatunayan mo rin na safe at effective ito.
Hindi malagkit sa balat at may distinct tropical fresh smell kaya’t siguradong magugustuhan ng iyong anak ang lotion na ito. Nakakapagbigay ito ng 4 hours protection sa kagat ng lamok, maging sa dengue mosquito o Aedes Aegypti. Bukod pa roon ay dermatologically tested din ang produktong ito at proven na hindi magdudulot ng anumang skin concerns.
Features we love:
- Mosquito repellent lotion para sa mga active kids
- May tropical fresh scent
- Nagbibigay ng apat na oras na proteksyon
- Dermatologically tested
OFF! Mosquito Repellent Lotion – Baby
Best for Babies
Oras na upang bigyan ng proteksyon against mosquito bites ang iyong baby. Gumamit ng OFF! Mosquito Repellent Lotion for Baby. Mayroon itong light at mild formulation na perfect gamitin para sa babies na may edad 6 months old and up. Nakakatulong ito upang mapangalagaan ang kailangan sensitive skin at maprotektahan ito sa kagat ng lamok.
Karagdagan dito, kahit na may kakayahan itong magtaboy ng mga lamok, ang mosquito repellent lotion na ito ay walang halong strong substances gaya ng perfumes, preservatives and colorants. Nagbibigay ito ng 4 hour mosquito protection kaya’t mas maeenjoy ni baby ang paglalaro at pag-eexplore.
Features we love:
- Effective na mosquito repellent para sa mga babies
- May light at mild formulation
- Free from strong substances
Bite Me Not Insect Repellent Spray Lotion with Citronella
Best Spray
Kung ang hanap mo naman ay insect repellent spray, aming inirerekomenda ang Bite Me Not Insect Repellent Spray Lotion with Citronella. Ang star ingredient ng produktong ito na Citronella ay kilala bilang epektibong halaman na may kakayahang magtaboy ng lamok at iba pang insekto kaya’t siguradong epektibo ang spray na ito.
Suitable rin ito gamitin sa mga babies na may edad 2 months old and up sapagkat gawa ito sa mga skin-loving ingredients at walang halong harsh chemicals. Kaya nitong magbigay ng proteksyon na umaabot hanggang tatlong oras. Mayroon din itong refreshing scent na makakapagbigay ng relaxing feeling kay baby at maging sa lahat ng miyembro ng pamilya.
Features we love:
- Spray insect repellent
- Safe gamitin sa baby
- Nagbibigay ng 3 hours protection
Moskishield Mosquito Repellent Patch
Best Patch
Nagiging popular na rin ang paggamit ng patch bilang mosquito repellent. Kaya’t kung ikaw ay naghahanap ng mosquito repellent patch, subukan ang produktong ito mula sa Moskishield. Gawa ito sa 100% natural mosquito repellent ingredients gaya ng citronella oil at lemon eucalyptus oil na ligtas gamitin at epektibo.
Bukod pa roon, ang mosquito repellent patch na ito ay DEET-free. Ito rin ay registered din sa FDA Philippines kaya’t mas mapapanatag ang loob mo. Mayroon din itong iba’t ibang colorful animal prints na siguradong magugustuhan ng iyong little one.
Features we love:
- Mosquito repellent patch
- Gawa sa citronella at lemon eucalyptus oil
- DEET-free
Tiny Buds Baby Naturals
Best parents’ choice
Ang Tiny Buds Baby Naturals ang napili ng mga magulang para sa recent TAP Awards 2023 bilang Parents’ Choice Baby-friendly Insect Repellent. Isa sa mga produkto nilang ipinagmamalaki na effective mosquito repellent ay ang Tiny Buds Gone Away Stick Ons Gentle Citronella and Lemon Scent. Safe ito gamitin sa baby mula 0 month old pataas.
Bukod sa kanilang mga patch, gumawa rin sila ng soothing gel na kayang gamutin ang anumang insect bites sa loob lamang ng ilang minuto. Ito ay ang Tiny Buds After Bites na gawa rin sa baby-safe ingredients at hindi naglalaman ng anumang harmful chemicals.
Features we love:
- Nagbibigay ng 6 hours protection against mosquito bites
- Gawa sa baby-safe ingredients
- Effective at suitable para sa sensitive skin
Greenika Organic Citronella Spray
Best Aromatherapeutic
Isa ang Generika Organic sa mosquito repellant na safe for babies. Kadalasan, sensitive ang mga baby at bata sa mga produktong may matapang na amoy. Kaya’t kung ikaw ay pipili ng mosquito repellent, siguraduhing ito ay may mild o di kaya ay refreshing scent na makakapagbigay sa kanila ng relaxing feeling. Isa sa mga epektibong mosquito repellent na may aromatherapeutic scent na mabibili mo online ay ang Greenika Organic Citronella Spray.
Safe gamitin kahit sa mga batang may sensitive skin, ang produktong ito ay mabisang panlaban sa kagat ng lamok at iba pang uri ng insekto. May kakayahan din itong maghilom ng anumang sakit ng katawan at inflammation dahil sa active ingredient nito, ang citronella. Bukod pa rito, may refreshing natural scent ito na tiyak na magbibigay ng relaxing feeling sa buong pamilya.
Features we love:
- May refreshing natural scent
- Gawa sa plant-based ingredients
- Safe gamitin para sa mga bata
Price Comparison Table
Brand |
Pack size |
Price (Php) |
Skin Shield Lotion | 50 ml | 110.00 |
Happy Life Organics Deet & Mosquito Free Lotion | 110 ml | 218.00 |
Grace Kids Watch Anti Mosquito | 1 pc | 14.00 – 17.00 |
OFF! Kids Lotion | 100 ml | 207.00 |
OFF! Mosquito Repellent Lotion – Baby | 100 ml | 252.00 |
Bite Me Not Insect Repellent Spray Lotion with Citronella | 250 ml | 180.00 |
Moskishield Mosquito Repellent Patch | 24 pcs | 176.00 |
Tiny Buds Baby Naturals | 20 g | 185.00 |
Greenika Organic Citronella Spray | 50 ml | 99.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date
Tips para makaiwas sa kagat ng lamok
Narito ang ilang mga tips upang makaiwas sa kagat ng lamok:
- Magsuot ng mga damit na protektado ang balat gaya ng long sleeves, pantalon, at medyas kapag papasok ka sa mga lugar na maraming lamok. Tiyaking may mabibigat na tela ang iyong kasuotan upang mahirapan ang mga lamok na makapangagat.
- Gamitin ang mosquito repellent o insect repellent sa iyong katawan. I-apply ito sa exposed na bahagi ng iyong balat, tulad ng mga braso, binti, at leeg.
- Iwasan ang mga lugar na may stagnant na tubig, tulad ng mga basurahan, kanal, o patay na mga lawa. Ito ang karaniwang pinagmumulan ng mga lamok.
- Palitan ang mga ilaw na naglalabas ng matingkad na liwanag. Ang mga lamok ay mas naaakit sa mga matingkad na liwanag, kaya mas mabuti na gumamit ng ilaw na kulay dilaw.
- Maglagay ng screen sa mga bintana at pintuan ng iyong bahay upang mapigilan ang mga lamok na pumasok. Siguraduhing ang mga screen ay walang butas o mga sirang bahagi upang hindi makalusot ang mga ito.
- Maglagay ng mga mosquito net sa paligid ng iyong higaan o sa mga bintana ng iyong kwarto upang mapigilan ang mga lamok na makalapit sa iyo habang natutulog ka.
Maaari ring magkonsulta sa mga eksperto sa kalusugan para sa karagdagang impormasyon at mga rekomendasyon sa pag-iwas sa mga lamok. Sa ganitong paraan, mas makakaiwas ka sa mga sakit na dala ng lamok tulad ng dengue o malaria.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- 17 mosquito repellent plants na maaari mong itanim sa bahay
- Useful ways to treat mosquito bites in babies
- Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."