Magagandang Preschools For Your Kid To Enroll Next School Year

Nasa tamang edad na ba ang anak para mag preschool? Tignan dito kung ano-ano ang top preschools to enroll your kids next year!

Ang preschool, o kilala rin bilang nursery school o play school ay ang learning space ng bata sa early childhood nito. Ginawa ito para maihanda at magkaroon ng ideya ang mga bata sa primary school. Kung nasa tamang edad na ang iyong anak para ipasok sa preschool next year, para sa iyo ang list of top preschools in the Philippines na ito.

 

Ano ang mga dapat i-expect sa preschool?

Isa sa options ng parents ang preschool bago ipasok sa formal school ang mga anak.

Ginawa ito para mabigyang edukasyon ang mga batang may tatlo hanggang limang taong gulang. Kadalasan mas maiiiksing oras lang ang ginugugol nito. 

Ang yugto ng pagkabata nila na ito ay mapupuno ng pag-unlad sa kanilang social skills, emotions, physical at intellectual capacity.

Matutunan din nila ang iba’t-ibang basics, kasama na diyan ang pagbibilang at pagbabasa. Ang ilan sa activities na maaari nilang maranasan ay ang mga sumusunod:

Kaya it’s no wonder why parents want to know the top preschools in the Philippines.

Ito ay para mabigyan ng best introduction to formal schooling ang kanilang kids.

 

How to choose the best preschool for your kid

Nakaka-overwhelm kung minsan ang paghahanap ng preschool para sa mga anak. Challenging kasi ang maghanap ng quality school para sa kanila.

Narito ang ilang mga bagay na dapat i-consider sa paghahanap ng top preschools para sa iyong little one:

  • Accessibility – Hassle pa kung ibabiyahe nang malayo ang anak. Before mag-enroll, siguraduhing accessible ang school sa inyong tinitirhan. 
  • Learning environment Of course, ang main goal ay matuto ang kids. Make sure na maayos at maganda ang learning environment ng preschool na target pasukan. Alamin ding maigi kung ito ay safe para sa mga bata. 
  • Activities – Habang natututo, dapat ay nag-eenjoy rin ang anak! Itanong sa preschool kung ano-anong activities ba ang kanilang ino-offer. 
  • Fees – Isa rin sa unang dapat i-inquire ang ang tuition fee. Bukod dito, alamin din ang iba pang fees na need i-expect para mapaghandaan. 

 

Top preschools in the Philippines for kids

Ni-research namin ang top preschools na available sa Philippines. Maaari mong i-check kung alin sa mga ito ang pinaka fit na preschool for your kid. 

School Category
International Center for Beginning Beginners  Best for hands-on activities
The Beacon School Best for Filipino culture learning
Greatstart International School Best international preschool
Apple Seed Montessori School  Best Montessori preschool

Top Preschools in the Philippines for Kids
International Center for Beginning Beginners
Best for hands-on activities
Inquire
The Beacon School
Best Filipino culture learning
Inquire
Greatstart International
Best international preschool
Inquire
Apple Seed Montessori
Best Montessori preschool
Inquire

 

International Center for Beginning Beginners Review

Best for hands-on activities

Photo from International Center for Beginning Beginners

Upang maranasan firsthand ang iba’t-ibang activities for kids, i-enroll na siya sa International Center for Beginning Beginners.

Ang learning dito ay isinasagawa through hands-on activities. Mayroong parehong guided at unguided socialization para ma-develop nila ang interaction with other kids.

Ang main philosophy ng school ay, “The perfect harmony of the Mind, the Body, and the Heart." Discovery learning, concept teaching at self-care routines ang main elements ng preschool na ito. 

Ang International Center for Beginning Beginners ay matatagpuan sa Johnson Park, North Greenhills, San Juan

Para sa karagdagang katanungan maaari silang kontakin sa numerong 0917-517-5710  at 0939-929-4167.

Highlights:

  • Hands-on activities.
  • Discovery learning.
  • Concept teaching.
  • Self-care routine.

 

The Beacon School Review

Best Filipino culture learning

Photo from The Beacon School

Para sa international learning na rooted sa Philippine culture, narito ang The Beacon School to maintain your kid’s nationalism.

Ito ay founded noong 2000 ng mga magulang na nais mabigyan ng local at international school experience ang kanilang mga anak. Ito rin ang first Filipino school na naki-credit ng International Baccalaureate Program. 

Maaaring bisitahin ang preschool sa PCPD Building, 2332 Chino Roces Avenue Ext., Taguig City  at kontakin sila sa website. 

Highlights:

  • Local and international school experience.
  • International Baccalaureate program accredited.

 

Greatstart International Review

Best international preschool

Photo from Greatstart International

Ang Greatstart International School ay may interdisciplinary, cross-curricular at thematic approach sa pagturo ng mga bata.

Layunin nilang maging advanced o kaya naman ay handa na ang kids bago pa man pumasok sa K-12 program.

Dahil nga international school, umaayon sila sa standard ng schools sa iba’t ibang bansa. Sa preschool din na ito magkakaroon ng authentic international experience ang iyong anak dahil sa diverse student community. 

Ang preschool ay located sa 187 Dona Soledad Avenue Extension, Better Living Subdivision, Paranaque City. Maaari silang kontakin sa numerong 0998-999-5437.

Highlights:

  • Interdisciplinary.
  • Cross-curricular.
  • Thematic teaching.
  • K-12 ready.
  • Diverse student community.

 

Apple Seed Montessori Review

Best Montessori preschool

Photo from Apple Seed Montessori

Nag-ooffer ang Apple Seed Montessori School na mapaunlad ang child’s education through natural interest kaiba sa formal teaching style.

Hindi dito makikita ang kinasanayan na memorization at sequential learning. Tinuturo nila ang subjects mula simple to complex at concrete to abstract.

Ang kanilang teaching materials are designed talaga para matututo ang bata independently. 

Ang Apple Seed Montessori School ay nasa 2nd Floor ng Liroville Condominium, 134 Sedeno corner Leviste Sts, Salcedo Village, Makati City.

Para sa mga interesado, maaari silang kontakin sa appleseedmontessori01@gmail.com o sa mga numerong 09176482119, 09272390960, at 09157975787.

Highlights:

  • Simple to complex teaching.
  • Concrete to abstract teaching.
  • Good quality teaching materials.

 

Tuition Fees Table

Narito naman ang listahan ng tuition fees for the top preschools in the Philippines para mas lalong makatulong sa inyong research.

School  Tuition fee
International Center for Beginning Beginners  Php 230,000.00
The Beacon School Php 200,000.00
Greatstart International Php 108,000.00
Apple Seed Montesorri Php 264,000.00

Note: Each price is up to date at the time of publication. However, prices price may be different at a later date.

 

Habang naghihintay ng school year, bilhan muna sila ng STEM toys. Basahin: Best STEM Toys for Kids Four Years Old and Above

Sinulat ni

Ange Villanueva