Isa sa mga pinakabagong pagbabago sa edukasyon sa Pilipinas ang sinimulan nuong taong 2011. Ang K-12 program ay ginawang batas nuong 2013, na nagdadagdag ng 3 taon sa basic education curriculum sa bansa.
Ang bagong K-12 curriculum ay inaatasan ang mga estudyanteng Pilipino na magkaroon ng isang taon sa Kindergarten, anim na taon sa elementarya (grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (grade 7 hanggang 10), at dalawang taon ng senior high school (grade 11 hanggang 12).
Katuwiran ng K-12 program
Bago ang implementasyon ng K-12 program, ang Pilipinas ay isa sa tatlong bansa sa buong mundo, at nag-iisa sa Asya, na pinapanatili ang 10 taon ng basic education.
Ito ay nakikitang kawalan sa mga estudyante na sumasabay sa pahirap na pahirap na global job market. Ang masmahabang educational cycle ng K-12 ay nakikitang mahalaga sa pagbibigay sa mga estudyantenf Pilipino ng mataas na kalidad ng edukasyon.
Ayon sa Southeast Asian Ministers of Education Organization – Innotech (SEAMEO-Innotech), ang dating 10-taon na educational cycle ay punong puno dahil ang 12-taon na curriculum ay pinagkasya sa 10 taon.
Dahil dito, ang mga estudyantend Pilipino ay naiiwan ng mga estudyante sa buong mundo pagdating sa math, wika, at siyensiya. Layunin ng bagong curriculum ang ayusin ito.
Ang K to 12 curriculum ay nakadisenyo para makaya ng mga graduate na magtrabaho matapos mag-aral. Ito rin ay inihahanda sila lalo kung piliin nilang kumamit ng higher education.
Ang bagong curriculum din ay sumusuporta sa mga graduate na nais magtrabaho sa ibang bansa. Ayon sa Department of Education’s (DepEd) briefer, nakikita ng mga developed na bansa ang 10-taong education cycle bilang kulang.
Sa kabuuan, ang bagong K to 12 curriculum ay nakadisenyo para magbigay ng holistic education sa lahat. Ngayong decongested na, mabibigyan ang mga estudyante na ma-master ang basic academic skills pati narin ang lumahok sa co-curricular at mga aktibidad ng komunidad.
Ano ang ibig sabihin ng K-12 sa mga mag-aaral
Ang pagbabago ay nagsimula nuong 2011, nang naipakilala ang universal kindergarten. Simula 2012, in-implement na ng mga paaralan ang curriculum decongestion na sinabi sa DepEd briefer.
Sinimulan ng mga pampublikong paaralan ang pagkakaroon ng half-day na passok sa mga grade one na estudyante, habang ginagamit ang Filipino bilang medium of instruction. Nagkaroon din ng adjustments ang mga pribadong paaralan gamit ang kanilang accredited na curricula.
Ang pag-angkop sa K to 12 curriculim ay nangangahulugan na ang mga estudyante ay masmatandang ga-graduate kumpara sa mga sumailalim sa 10-taong education cycle.
Malayo sa pagiging dehadom, ayon sa DepEd ay ang mga ga-graduate sa 18 taong gulang ay magiging mashanda sa pagtanggap ng tertiary education.
Ang remedial classes sa unang taon ng kolehiyo ay hindi na kakailanganin. Ito ay dahil ang high school curriculum ay aangkop na sa Commission on Higher Education’s (CHED) guidelines.
Hinihikayat din ng gobyerno ang mga magulang na tignan ang K to 12 curriculum bilang hindi dagdag na dalawang taon sa high school, kundi 2 taong ibabawas sa higher education.
Mga lugar ng pagdadalubhasa
Ang mga graduate sa bagong educational system ay makakayang sumabak agad sa trabaho. Ito ay dahil sa tulong ng electives na ihahandog sa mga grade 11 at 12.
Ang electives, o lugar ng pagdadalubhasa, ay kasama ang mga sumusunod:
- Academics para sa mga gustong tumanggap ng higher studies
- Technical-vocational para sa mga gustong tumanggap ng employable skills pagkatapos ng high school
- Sports and Arts para sa mga hilig ang dalawang field
Ito ang outline ng K to 12 basic curriculum
photo: deped.gov.ph
Hindi madali ang pagbabago. Lalo na kung napakalaki nito tulad ng implementasyon ng K-12 curriculum sa Pilipinas. Subalit, ito na ang panahon para pagbutihin ang kalidad ng basic education at ng ating mga estudyante.
K+10+2 : Ang bagong education curriculum
Noong nakaraang Agosto 10, 2023, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang tinatawag na Matatag Curriculum.
Layunin umano ng naturang bagong curriculum na pagtuunan ng pansin ang mga isyung pang edukasyon sa bansa. Ayon sa DepEd, sa bagong curriculum, mas makakapag-concentrate ang mga mag-aaral sa pagpapahusay ng kanilang reading at numeracy abilities.
Sisimulan umano ang roll out ng new curriculum sa kindergarten, grade 1 hanggang four, at grade 7 sa 2024-2025. Samantala, sa 2025 naman ang roll out ng new curriculum sa Grades 2, 5, at 8. Na susundan naman ng grades 3,6,9 sa 2026 at grade 10 sa 2027. Inaasahan ng DepEd na fully implemented na ang bagong curriculum sa 2028.
Ano nga ba ang pagkakaiba nito sa K-12?
Pagkakaiba ng K-12 sa K+10+12
Sa K-12 system, kailangang matapos ng estudyante ang kindergarten at 12 taon sa school. Samantala, sa K+10+2 system, ang mga mag-aaral na nais lamang kumuha ng kurso sa kolehiyo ang required na magtapos ng dagdag na 2 taon sa edukasyon. Tinatawag na ang grade 11 at grade 12 bilang post-secondary o pre-university education.
Updates by Jobelle Macayan
ABOUT THE AUTHOR: MARIEL UYQUIENGCO
Kung may insights, katanungan o komento tungkol sa K to 12 curriculum, Mangyaring ibalita sa aming Comment box sa ibaba. I-like kami sa Facebook at i-follow kami sa Google+ para manatiling updated sa mga pinakabago sa theAsianparent.com Philippines!
Maaari ring basahin: Mga Mahahalagang Kaalaman Tungkol Sa K to 12 Program