X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Joshua Garcia, bumili ng townhouse para sa kaniyang pamilya

2 min read

Isang blessing para kay Joshua Garcia ang sunud-sunod na proyekto na kaniyang natatanggap sa trabaho at dahil dito ay nakabili siya ng isang townhouse para sa kanyang pamilya.

Townhouse ni Joshua Garcia

Sa isang panayam, sinabi ni Joshua na nagmula sa kaniyang mga product endorsements ang kaniyang naipong pambili ng townhouse sa pamilya at dito rin niya nabawi ang kaniyang pinambili.

“Actually, ‘yong bahay na binili ko—’yong townhouse na nabili ko, parte lahat ‘yon ng pinaghirapan ko…” saad ni Joshua sa panayam niya sa Push.

“So para sa akin, mas gumaan ang pakiramdam ko kasi kakalabas ko lang ng pera, bumalik agad ‘yong blessing sa akin. Nabawi ko agad ‘yong nilabas ko. Kaya thankful ako kay Lord kasi hindi niya ako pinapabayaan dito sa industriya na ‘to.”

Mayroong ilang endorsements si Joshua, katulad ng Selecta Cornetto, Jollibee, Oppo, at iba pang brands.

View this post on Instagram
Don’t worry, be happy. A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on Oct 28, 2018 at 3:42am PDT

Payong-pinansyal mula kay Joshua Garcia

Naibahagi rin ni Joshua Garcia sa panayam ang kaniyang paraan ng paghawak ng kanyang kinikita mula sa pag-aartista at pagiging product endorser.

“Iniipon ko siya kasi hindi puwedeng labas lang nang labas ng pera. So para sa akin, iipunin ko muna ‘yon. And then kapag nakapag-decide na ako ipundar na panibago, ‘tsaka ko siya ilalabas ulit. So, ipon muna ulit,” dagdag pa ni Joshua.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ng aktor ang kaniyang susunod na investment pagkatapos ng townhouse na kaniyang binili.

Kahalagahan ng pag-iipon

Tulad ni Joshua Garcia, marami na rin ang gaya niya na naglalaan ng pera para sa pag-iimpok.

Mahalaga ang pag-iipon upang mayroon tayong mahuhugot sa oras ng pangangailangan o emergency. Mahalaga rin ito sa pagbili ng mga bagay na maaari nating gawing investment sa buhay gaya ng bahay at lupa o anumang mapapakinabangan natin sa mahabang panahon.

Maaaring simulan ang pag-iipon mula sa pagtatabi ng barya gaya ng nakasanayang paghuhulog ng pera sa alkansya o puwede ring subukan ang Ipon Challenge na ginagawa ng karamihan ngayon. Himukin din ang mga bata na matutong mag-ipon upang maging matalino sa paghawak ng kanilang pera.

Source: ABS-CBN, Push
Photo: Joshua’s IG

BASAHIN: Paano ba turuan ang iyong anak na maging teen entrepreneur?

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Joshua Garcia, bumili ng townhouse para sa kaniyang pamilya
Share:
  • Dani Barretto: 'I'm very protective of my siblings'

    Dani Barretto: 'I'm very protective of my siblings'

  • Alwyn Uytingco, naging "kumadrona" nang manganak ang misis na si Jennica Garcia

    Alwyn Uytingco, naging "kumadrona" nang manganak ang misis na si Jennica Garcia

  • Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

    Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.