Gusto mo bang makapag-ipon ng pera ngayong taon pero ‘di mo magawa dahil sa mga nagsisitaasang mga bilihin? Puwes, pwede mong gawin ang 52-week Ipon Challenge!
Matapos maging viral sa iba’t ibang social media sites at blog sites sa Estados Unidos, ang hamon na ito ay nasa bansa na natin. Kaya binansagan ito ng ating mga kababayan na 52-Week Ipon Challenge”.
Si Rhea Mocorro, kilala sa pangalang Kuripot Pinay, ang nag-localize sa hamon na ito at ginawa ito noong 2014. Nakapagipon sya ng mahigit Php60,000 pagkatapos ng isang taon!
Talaan ng Nilalaman
Paano ko gagawin ang 52-week Ipon Challenge 2024?
Simple lang naman ang hamon na ito. Kailangan mo lang mag-ipon ng pakunti-kunti linggo-linggo.
Halimbawa, nagpasiya ka na mag-ipon ng Php50 sa unang linggo mo. Sa susunod na linggo, doblehen mo sya at gawin mong Php100. Tapos sa pangatlong linggo, titriplehen mo ang inihulog mo noong unang linggo, hanggang ipagpatuloy mo ang ganitong proseso sa mga susunod na linggo.
Mukang simple lang, ‘diba? Bago mo subukan ang 52-Week Ipon Challenge 2023, tandaan mo ang mga bagay na ito para matapos mo ang Ipon Challenge, ayon kay Rhea ng The Kuripot Pinay:
- Isang layunin. Ito ang maguudyok sa ‘yo na maghulog sa iyong pinagiipunan. Mag-isip ka ng gusto mong paggastusan na ‘di mo naman kadalasang ginagawa. Ito man ay isang cellphone o isang bakasyon sa ibang bansa. Mula doon, paghati-hatiin mo ito para malaman mo ang halaga na dapat mong tipirin linggo-linggo.
- Alkansiya. Pwede kang gumamit ng plastik na lalagyanan, bote, garapon, o kahit anong matibay na lalagyanan na kayang humawak ng maraming barya. Gumamit ka ng may takip para hindi siya madaling kuhanan at hindi rin madaling makita kung gaano na kadami ang naipon mo.
- Template. Ang hamon na ito ay meron nang template na pwede mong i-print at idikit sa iyong alkansiya. Pero ang template na ito ay base sa dolyar kaya pwede mo naman itong baguhin ayon sa kaya ng budget mo.
Heto ang iba’t ibang 52-Week ipon challenge templates na pwede mong gawin.
Ipon challenge | Bawat linggo: Piso
Ang maiipon mo sa 52 linggo: Php1378
Ipon challenge | Bawat linggo: 5 Piso
Ang maiipon mo sa 52 linggo: Php6890
Ipon challenge | Bawat linggo: 10 Piso
Ang maiipon mo sa 52 linggo: Php13,780
Ipon challenge | Bawat linggo: 20 Piso
Ang maiipon mo sa 52 linggo: Php27,560
Ipon challenge | Bawat linggo: 50 Piso
Ang maiipon mo sa 52 linggo: Php68,900
Pwede mong ipunin ang Php68,900 mula sa pinakamababang halaga pataas…
…O pwede ka ring mag-ipon mula sa pinakamalaking halaga, pababa.
Bawat linggo: 100 Piso
Ang maiipon mo sa 52 linggo: Php137,800
Walang palyang Ipon Challenge o pag iipon ng pera
Kapag sinimulan mo ang 52-Week Ipon Challenge sa unang linggo ng Enero ng hindi ka lalaktaw ng isang linggo, ito ang pwede mong maipon pagdating ng katapusan ng Disyembre.
Sana’y suwertehin ang sinomang gustong gawin ang hamon na ito, at nawa’y makayanan mong mag-ipon hanggang sa bagong taon!
Tamang paraan ng pag-iipon ng pera
Ang nabanggit na ipon challenge ay isang paraan lang kung paano makapag-save ng pera. Pero para masiguro ang savings mo ay narito ang mga tips sa tamang paraan ng pag-iipon ng pera na dapat mong gawin. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Para makapag-ipon ng pera ay siyempre dapat alam mong mag-budget at naiintindihan mo ang iyong pinagkakagastusan. Ibig sabihin ay alam mo kung saan ka kukuha ng pera na iyong tatabi o ise-save ng walang magsasakripisyo sa mga pangangailangan mo.
Simulan ito sa pagsusulat ng mga pinaggagastusan mo buwan-buwan at magkano ang inilalaan mo dito. I-analyze sa mga ito ang hindi naman ganoon ka-importante o parte lang ng iyong wants. Ang perang inilalaan mo sa mga ito ay ang gamitin mo sa pag-iipon.
2. Bayaran mo ang iyong mga utang.
Para mas maging successful ang iyong pag-iipon ay bayaran mo muna ang iyong mga utang. Ito ay para mas relax ang utak mo sa pagse-save. Isaisip din na mas malaki ang ma-sesave mo kung hindi mo na papatagalin ang iyong mga utang at ang interes na pumapatong pa dito sa pagdaan ng mga araw o buwan.
3. I-automate ang pagbabayad ng iyong bills kada buwan.
Sa ganitong paraan ay sigurado kang mababayaran ang mga bills on time. Tulad na lang ng bill kuryente at tubig, kaya naman ang naumang matitira sa income mo ay maaari mo ng budgetin sa iba pang pangangailangan o iyong iipunin.
4. Maglagay ng spending limit sa iyong debit o credit card.
Nakaka-enganyo talagang bumili ng bumili ng gamit lalo na kung hindi mo naman kailangan ng cash. Pero sa pagdaan ng panahon ma-rerealize natin na hindi pala talaga natin kailangan ang ilan sa ating mga pinamili at nadagdag lang ito sa ating bayarin o gastusin.
Kaya para mabawasan ang temptation, ay mabuting lagyan nalang ng spending limit ang iyong debit at credit card. Para ma-kontrol mo ang iyong binibili, pati narin ang iyong bayarin.
5. Gumamit ng envelop method.
Isang paraan rin ng pagbubudget ng pera ay ang tinatawag na envelope method. Sa method na ito ay ini-encash mo ang iyong income at hinahati ito base sa mga need mong pagkagastusan.
Tulad na lang ng mga bills sa bahay na paglalaanan mo ng isang sobre. Hiwalay na sobre naman para sa iyong pang-grocery, pangshopping o pangkain sa labas. At isa pang sobre para sa iyong savings o perang iipunin.
6. Subukan ring magbawas sa iyong binabayaran every month.
Maaring ito ay sa pamamagitan ng pagtitipid sa inyong electric consumption. Tulad na lang ng pagpatay o paghugot sa saksak ng mga appliances na hindi naman nagagamit. Pagpapalit sa mga electricity saver na gamit sa bahay tulad ng mga LED lights.
7. Humanap ng dagdag na raket o sideline.
Syempre para may dagdag na kita at may perang iipunin ay dapat mayroon ka ring ibang pinagkukunan o source of income. Kung may free time ay humanap ng ibang pagkakakitaan.
Maaring ito ay online business o job. O kaya naman ay pagtitinda ng kahit anong item na mabili sa iyong lugar o komunidad o pagsisideline ng ibang trabaho tuwing weekends. Sa ganitong paraan ay mayroon kang ibang source of income at perang maitatabi para sa iyong pag-iipon.
Ready ka na ba na gawing successful ang iyong ipon challenge 2024? Simulan na ang unang hakbang sa tamang pag iipon ng pera!
Kahalagahan ng pag-iipon para sa pamilya
Una, nagbibigay ng long-term security ang pag-iipon. May mga bagay kasi sa ating future na unpredictable o mga pangyayari na hindi inaasahan. Kung may ipon ang pamilya, may mailalaan na panggastos sa ano mang emergency. Ang naipong per ang magsisilbing safety net para sa future expenses at maging sa mga hindi planadong financial needs.
Ikalawa, nakakabawas ng stress ang pag-iipon. Kung mayroon kang ipon magkakaroon ka rin ng peace of mind para sa mga future goal mo tulad ng retirement o unexpected expenses tulad ng healthcare. Kung may ipon ang pamilya, magiging payapa tayong parents sa ano mang naghihintay sa future.
Lastly, kung may pera tayong naipon, posible rin na magawa nating makapag-umpisa ng business. Dahil sa naipong pera, may safety net tayo sa ano mang kahihinatnan ng ating negosyo.
Kaya naman, importanteng hikayatin ang pamilya na simulan ang pag-iipon ngayong taon.
Ang mga templates at paalala dito ay inilathala ng may permiso galing sa Kuripotpinay.com
Isinulat sa Ingles ni Raisa Tan at isinalin sa Filipino ni Paul Amiel Salonga.
Updates mula kay Jobelle Macayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!